Maya-maya pa ay dumating na sina Andrei sakto lang din ng maayos na ang lahat ng kailangan para sa kanilang gaganaping zoom.
"Leo, tawagin mo na ang mama mo." Utos ni Richard dito.
Agad namang tinawag ni Leo si Dawn sa kwarto.
"Mom, let's go na daw." Sabi ni Leo.
Nakita ni Leo na umiiyak si Dawn kaya agad niya itong nilapitan.
"Mom, alam mo namang hindi magagawa ni dad yun diba?" Tanong ni Leo.
"Pero papaano nga kung anak yun ng dad mo?" Tanong ni Leo.
"Mom, wala na tayong magagawa kung sakali mang kapatid namin yon. Hindi mo rin naman masisisi si dad, kasi wala na naman kayo nung mga panahong yun. Besides wala na rin naman tayong magagawa if ever nga na kapatid namin siya." Paliwanag ni Leo.
Agad naman itong niyakap ni Dawn at umiyak ng umiyak.
"Uhmm, mom. Mag-start na daw, nag-mamadali kasi si Dr. Ferrer at may next meeting pa daw siya eh." Sabi ni Casey.
Nang maka-baba ang mag-iina ay nagsi-upo na ang lahat sa sala.
"Dito ka na mom." Sabi ni Juliana.
Naka-tayo lang si Dawn sa likod ng mahabang sofa habang naka cross ang kanyang mga kamay, napara bang hindi ito mapa-kali. Ayaw nitong umupo lalong-lalo na sa tabi ni Richard kaya tinabihan nalang ito ni Leo at hinawakan ang magka-bilang balikat.
"Good day everyone! Ako si Dr. Ferrer, kaibigan ko si Dr. Lim mula pa nung grade school, siya ang nag-utos na basahin ko sa inyo ang resulta ng DNA result ni Mr. Richard Gomez at ni Ms. Kimberlyn Zapanta. Eto na ang copy ng result na kalalabas lang kanina sa lab. Isesend ko sa email niyo mamaya ang copy para na rin sa proof." Paliwanag ni Ferrer.
"Can you please read it na?" Inis na sabi ni Dawn.
"Okay, so base sa result.." sabi ni Mr. Ferrer na nag-papakaba ngayon sa lahat.
"It says here na, zero percent probability of paternity.. so that means, it's negative." Sabi ni Mr. Ferrer.
Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang buong pamilya nang sabihin ni Ferrer ang salitang negative.
"Thank you! Thank you so much Mr. Ferrer." Masayang sabi ni Richard.
"Hindi! Sigurado akong anak mo si Kim." Pag-pilit ni Grace.
"Ano ba? Hindi ka ba titigil? Unang kita ko palang sayo alam ko na agad na pera lang ang habol mo sa pamilya namin. Walang-hiya ka!" Susugurin sana ito ni Casey ng awatin siya ni Leo. "Lumayas ka na sa pamamahay namin! Nang dahil sayo nag-away ang mga magulang ko! Nang dahil sayo, muntik pa kaming hindi mabuong muli!" Gigil na gigil na sabi ni Casey.
"Aba, kasalanan ko bang toyoin yang nanay niyo?" Sabi ni Grace.
Nag-init ang ulo ni Casey sa narinig niya. "Aba, walang-hiya ka pala talaga." Sabi ni Juliana tsaka nito binigyan ng isang malakas na sampal si Grace.
Walang naka-awat kay Juliana dahil malapit ito kay Grace at lahat sila ay naka-hawak kay Casey.
"Juliana, tama na. Okay na yung nalaman natin yung totoo." Sabi ni Richard.
"Kuya ilabas mo na yan, baka maka-round two pa ng sampal sakin yan." Sabi ni Casey kay Leo.
Agad din namang lumabas ang babae dahil napa-hiya ito sa pilit na pag-sabi niyang anak ni Richard si Kim.
"I think kailangan mo nang suotin to." Sabi ni Richard with his malokong voice.
"Ayieeeee!" Pang-aasar dito ng mga bata.
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.