29

259 8 3
                                    

Sorry for the late ud.

--------

Nagka-yayaang kumain sa isang french restaurant ang magbabarkada. Isang hilera ang mga babae habang isang hilera din ang mga lalaki na kanilang mga katapat.

"Hmmm, so okay na kayo ni Richard?" Bulong na tanong ni Alice kay Dawn.

"Ano ka ba? Hindi ko nga alam na kasama si Richard sa cast, ito kasing si Viv hindi man lang sinabi." Inis na bulong ni Dawn.

"Teka nga muna... bakit ba hanggang ngayon naiinis ka pa kay Richard? Eh diba wala naman na kayo? Wait... wag mong sabihing.." nangingiting sabi ni Alice.

"Sige ituloy mo! Baka makalimutan kong kaibigan kita." Bulong nito.

"Eto naman joke lang." pang-aamo ni Alice dito.

"Kung di lang sana ko naka-pirma kahapon edi sana pwede kong umatras dito." Malungkot na sabi ni Dawn.

"Ano ka ba? Sandali lang yan. Yakang-yaka mo yan! Ikaw pa." Bulong nito.

"Ehem." Sabi ni Ian para maagaw ang pansin ng dalawa.

"A-ano nga ulit yon?" Tanong ni Alice dito.

"Kanina pa po kasi naka-serve yung pagkain niyo at malapit na pong lumamig. Mamaya na po kayo magkwentuhan pwede po?" Magalang na naka-ngiting sabi ni Ian.

Habang kumakain ay napuno ang paligid ng tawanan at kulitan. Hindi man maayos ang relasyon ni Richard at Dawn sa isa't-isa ngunit napanatili nila itong matino sa harap ng kanilang mga kaibigan.

"Diba ganto ang gusto ni Ma'am Cory? Edi sana inumpisahan na natin ang taping." Natatawang sabi ni Cesar.

"Oo nga! Mukang magiging madali lang para satin ang pelikulang ito." Natatawang sabi ni Eula.

"Tara sa bar." Aya ni Richard.

"Bar? Katanghaliang tapat bar?" Sabi ni Albert.

"Oo nga, tsaka san ka naman makaka-kita ng bar na bukas ng gantong oras?" Tanong ni Christopher.

"Sa tingin niyo ba, mag-aaya ako kung wala?" Natatawang sabi ni Richard.

"So saan nga?" Tanong ni Alice.

"Edi sa El Goma." Sagot ni Richard.

"Bro, sarado pa yon." Sabi ni Ian.

"Edi pabuksan." Sagot ni Richard.

"Pano mabubuksan? Ni hindi nga natin alam kung sino ang may ari non." Sabi ni Eula.

"Guys? G-O-M-A hello? Goma..." sabi ni Richard.

Nagulat ang lahat ng aminin ni Richard ang tungkol sa bar na pag-mamayari niya. Isa kasi ito sa top bar sa Pinas, kaya sobrang sikat nito.

"What the fuck pare? All this time yan ang tambayan ko pag magka-away kami ni Alice tapos malalaman ko sayo pala yan!" Natatawang kwento ni Ian.

"So... what are we waiting for? Let's go!" Masayang aya ni Richard sa kanila.

"Wohooo!" Sigaw ni Sunshine na para nang naka-inom.

Agad naman silang nag-puntahan sa bar ni Richard na halos isang oras lang ang byahe mula sa kinainan nila.

"Dawn ride with Richard na, dadaan lang kami sa bahay para mag-bilin kay manang." Sabi ni Alice.

"What?" Inis na sabi ni Dawn.

Agad namang napatingin ang lahat kay Dawn bago sumakay sa kani-kanilang sasakyan dahil sa reaksyon nito.

"I mean... yeah! Sure!" Natatawang sabi ni Dawn pero deep inside inis na talaga siya.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon