So ayon na nga this is the last and final part na :< thank y'll sa support! Sana patuloy niyo parin akong suportahan. Meron po akong upcoming story after nito. Yes, it is also dedicated to my beloved Chardawn but gagawin ko munang kakaiba.... so if may napansin kayong hindi ganon yung name, it's because medyo iibahin ko. Again, thank you sa inyong lahat!❤️
_____________________________
"Hindi..hindi!" Sigaw ni Dawn na agad namang nakapag-paalarma kay Gwy at kay Leo.
"Mom... nanaginip ka." Sabi ni Gwy habang ginigising ito.
"What's your dream ba ma?" Tanong ni Leo.
"Casey and your dad got shot by Anton daw." Sabi ni Dawn with her hingal na hingal na boses.
Agad namang natahimik ang dalawa sa narinig na kwento ni Dawn.
"Wait... don't tell me..." sabi ni Dawn ngunit pinipilit pa rin na wag pumatak ang kanyang luha. "Wait.. so totoo nga?" Tanong ni Dawn at tuluyan na ngang bumagsak ang kanilang mga luha. "Dalin niyo ko sa kanila." Umiiyak na sabi ni Dawn.
"Mom, ayaw ni dad.." paliwanag ni Leo.
"I'm your mom, and ako ang masusunod." Pag-mamatigas ni Dawn.
Wala nang nagawa si Leo kung hindi ipa-handa ang speed boat.
Halos pamilyang Gomez nalang ang naiwan sa islang iyon dahil nagsi-alisan na kaninang umaga ang kanilang mga naging bisita kagabi. Si Anton ay hawak na ngayon ng mga pulis at haharap na sa isang katutak na kaso.
"Gwy, ako nalang ang sasama kay mom.. kinausap ko na din si Andrei para tingnan-tingnan kayo ng mga bata." Bilin ni Leo.
"Wag mo kaming alalahanin... ligtas naman kami dito." Naka-ngiting sabibni Gwy. "mag-iingat kayo ha." Sabi nito sabay bigay ng mabilis na halik kay Leo.
Nang marating ng mag-ina ang ospital ay agad na tinakbo ni Dawn ang kinaroroonan ng OR sa ospital. Naabutan niya si Richard na naka-tulala at si Juliana na naka-tulog na sa balikat ni Richard.
"What happen?" Umiiyak na sabi ni Dawn na umagaw sa paningin ni Richard at nagpa-gising kay Juliana.
"Masyadong malalim daw ang balang tumama kay Casey kaya medyo natagalan sa operasyon." Paliwanag ni Richard kay Dawn.
Kung kanina ay umiiyak na si Dawn ngayon naman ay parang dinoble ang mga luha niya kanina. Agad naman siyang niyakap at pinakalma ni Richard.
"Hindi ko na ata kakayanin pang mawalan muli ng anak." Sabi ni Dawn habang umiiyak.
"Magiging okay din si Casey.... kakayanin niya to, she's strong... like you." Sabi ni Richard dito.
Maya-maya pa ay lumabas na ang doktor na gumawa ng operasyon ni Casey.
"Mr. & mrs. Gomez?" Sabi ng doktor.
"Doc ano po lagay ni Casey?" Tanong ni Dawn.
"Gaya nga ng sabi ng nurse sa inyo kanina..... masyadong malalim ang nakuhang tama ni Casey. Bukod sa malalim ito, dalawa ang naging tama niya kung kaya't natagalan din kami." Paliwanag ng doktor. "Your daughter is very strong... she survive the 10 hours surgery." Naka-ngiting sabi ng doktor.
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.