Nang maka-baba ang dalawa ay agad na silang naupo sa kani-kanilang pwesto. Sakto lang ang upuan at kasyang-kasya lang ito sa kanila.
"Hindi mo ba natawagan si Casey?" Tanong ni Dawn kay Leo.
Hindi pa man nakaka-sagot si Leo ay agad nang pumasok si Casey.
"Sorry I'm late." Sabi ni Casey.
Agad na napa-tingin si Casey sa mga upuan ngunit wala nang bakante. Napansin naman ni Gwy na parang gustong sabihin sa kanya ni Dawn na "umalis ka diyan at paupuin mo si Casey". Hindi na nag-dalawang isip pa si Gwy.
"Casey dito ka na." Nakangiting sabi ni Gwy.
"No, it's fine. Kakain nalang ako pag-tapos na kayo." Pag-tanggi ni Casey.
"Hindi okay lang naman. Inayos ko lang aman talaga yung pagkain nung dalawa." Naka-ngiti pa ring sabi ni Gwy.
"Ate, Gwy. It's okay. Kumain ka na diyan." Naka-ngiti ding sagot nito habang tinitingnan lang sila nina Richard.
"Sige na, mauna ka na kumain." Pag-pilit nito at tumayo na sa inuupuan. "Hindi pa rin naman ako nakakapag-sandok kaya okay lang." dagdag ni Gwy.
Wala nang nagawa si Casey at naupo nalang ito at kumain.
Nag-punta na lamang si Gwy sa kusina.
Kilala ni Leo si Gwy, alam nitong gagawin ang lahat par sa kanyang pamilya. Gusto nitong pigilan si Gwy ngunit wala na siyang nagawa. Pina-kikiramdaman nalang niya ang mga nangyayare.
Habang masaya silang nag-kekwentuhan ay matinding sikmura ang inaabot ni Gwy, pero minabuti pa rin nitong wag itong pansinin.
"Manang, pwede bang paki-kuha yung pitchel, naka-limutan kasi namin. Baso na rin tuloy." Utos ni Dawn.
"Diba umuwi ng probinsya si manang?" Tanong ni Richard.
"Ay oo nga pala, sige ako nalang ang kukuha." Akmang tatayo na sana si Dawn ng sumagot si Gwy.
"Hindi na po ma'am, ako na po ang mag-dadala diyan kumain nalang po kayo." Naka-ngiting sabi ni Gwy.
Nang maibigay ni Gwy ang tubig at baso ay nginitian nalamang niya si Leo. Alam ni Leo na nasasaktan ito sa nangyayari ngunit wala na siyang magawa.
Nang matapos kumain ay agad na niligpit ng mag-asawa ang mga pinggan. Habang si Leo ay may kausap sa telepono at sina Juliana at mga bata ay nanonood sa sala.
"Ako na mag-huhugas ng mga pinggan, kumain ka na." Sabi ni Richard kay Gwy, mgunit masama ang tingin sa kanya ni Dawn.
"Ah, sir hindi na po, busig pa naman po ako. Ako na po mag-huhugas ng pinggan." Naka-ngiting sabi ni Gwy.
"Anong sir ka diyan? Tito nalang. Tsaka sige na kumain ka na dun." Utos ni Richard dito.
"Hindi na po sir, okay lang po talaga, tsaka kaka-kain ko lang din po bago tumawag si Leo sa inyo." Sabi ni Gwy.
"Gomz hayaan mo na. Kumain naman na pala. Besides, naubos nung dalawang bata yung bulalo at kanin, kaya wala na siyang makakain." Sabi ni Rachel dito.
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.