Nang pumasok si Dawn ay nakita niyang katatapos lang ni Gwy at Casey na mag-hugas ng pinggan. Nasa kwarto na ang karamihan naiwan lamang si Juliana at Cleo na nag-kukwentuhan sa kusina.
"Sama muna kayo ni Richard sa kwarto ah." Sabi ni Cleo.
"Okay lang ma." Sagot ni Dawn, tsaka ito umupo sa tabi ni Juliana.
"Ma, is it final na ba talaga?" Tanong ni Juliana.
"Final? Final for what?" Tanong ni Dawn.
"Papakasalan mo talaga si Anton?" Tanong ni Cleo.
"Ma, mahal ko si Anton." Sabi ni Dawn.
"So you don't love tatay anymore na?" Tanong ni Juliana.
"We're friends na, and okay na kami pareho don." Paliwanag ni Dawn.
"Okay na pareho o sayo lang okay?" Tanong ni Cleo.
Napa-hinga nalang ng malalim si Dawn sa tanong ng kanyang ina.
"Naawa lang kami kay Casey." Sabi ni Cleo.
"Bakit naman?" Tanong ni Dawn.
"Casey and I have a serious talk kanina.. and I asked her, sabi ko; all of your siblings are already married, wala ka pa bang plano? "Then she answered, simula nung nag-hiwalay sina mom and dad, kinalimutan ko na ang love. You know, I use to believe in love before, pero masakit pala.. kahit na alam mong anak ka lang at magulang mo lang sila? I feel so mad because of love. Mag-papakasal lang ako, if ikakasal ulit sila mom and dad. Pamilya nga namin hindi mabuo-buo pano pa yung magiging pamilya ko?" Yan ang sinabi ni Casey kanina sakin. Habang sinasabi niya sakin yan pinipilit niyang wag tumulo ang luha niya. She also said na, kakayanin niyang lumuhod sa harp mo o sa harap ni Anton para lang mabuo ulit yung pamilya mo. We all know din naman na she can do it talaga.... sana Dawn, hindi umabot si Casey sa ganon." Sabi ni Cleo.
Kinuha ni Juliana ang kamay ni Dawn at sinabing "Ma, please come back. We miss all of our trips and bomdings." Sabi ni Casey sabay patak ng kanyang luha.
Pumatak ang luha ni Dawn nang makitang nahihirapan ang kanyang anak dahil sa mga pinag-gagagawa niya.
"Sana hindi pa huli ang lahat." Sabi ni Cleo tsaka ito umalis.
"Mom, let's go na." Aya ni Kristina kay Juliana na halatang bagong gising lang.
"Akyat na kami mom." Paalam ni Juliana kay Dawn.
Sandaling nanatili si Dawn sa kusina para mag-labas ng kanyang luha bago siya umakyat sa kwartong tutulugan nila ni Richard. Nang marating niya ang kwarto ay nakita niya si Richard na natutulog na. Hindi niya alam kung bakit ngunit tinabihan niya ito para yakapin mula sa likuran.
"Hmmm." Sabi ni Richard ng maramdamang yakapin siya ni Dawn.
Nang harapin ito ni Richard para yakapin ay nakita niyang umiiyak ito. Agad na tumayo si Richard at isinandal ito sa kanyang balikat.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Richard.
Hindi sumagot si Dawn at pinunasan nalang ang kanyang luha at tumingin ito kay Richard. Tumingin lang din si Richard kay Dawn na para bang tinatanong niya ito. Maya-maya pa ay unti-unti nang nag-dikit ang kanilang mga labi. Sa una ay nabigla si Dawn kaya hindi siya tumutugon, ngunit katagalan ay hindi na niya ito napigilan.
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.