19

237 8 2
                                    

Nang marating ni Richard ang kwarto ni Blyth ay agad niya itong kinatok ng dahan-dahan.

"Blyth, anak... Alam mo gusto naming bumawi sayo ng mom mo, your mom prepared some snacks for us downstairs." Paliwanag ni Richard. "Anak, pasensya ka na ha? Alam ko naiipit ka din sa gulong to, pero kailangan lang talaga naming magtulungan ng mom mo, pabagsak na din kasi ang kompanyang pinag-tulungan namin ng mom mo kaya sana maintindihan mo. Alam ko bata ka pa, pero anak sana maintindihan mo muna at intindihan mo."

Nagtataka si Ri chard dahil wala man lang kahit anong ingay ang narinig niya mula dito.

"Blyth anak, are you there?" Muling sabi nito ngunit wala pa ring sumagot.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Richard at pinasok na niya ito. Pag-bukas niya ng pinto ay laking gulat niya na walang tao dito. Agad tiningnan ni Richard ang cr at iba pang mga kwarto ngunit wala ito dito.

"Rachel! Rachel!" Nag-papanic na sigaw ni Richard.

Nang marinig ni Dawn ang sigaw ni Richard mula sa itaas ay agad niya itong pinuntahan.

Habang paakyat ng hagdan si Dawn ay patuloy ang pag-sigaw ni Richard.

"What happened? Ano ba yun?" Nagugulohang tanong ni Dawn.

"Tawagan mo yung guards sa gate, sabihin mo pag may lalabas na bata harangin." Utos ni Richard.

"You mean nawawala si Blyth?" Gulat na tanong ni Dawn.

"Hindi ko alam, I check all the rooms here pero wala siya." Sabi ni Richard.

"Here, kausapin mo yung guards tapos hahanapin ko si Blyth sa baba baka may kinuha lang." sabi ni Dawn.

Nagising naman si manang Elvie sa sigaw ni Richard kaya dali-dali nitong hinanap ang dalawa. "Dawn, Richard, ano nangyari?" Tanong ni manang mula sa baba.

"Manang paki-hanap nga si Blyth diyan oh, wala kasi siya sa kwarto niya." Nanginginig na sabi ni Dawn.

Agad naman itong sinunod ni manang, ngunit wala si Blyth dito.

"Get the keys." Nag-mamadaling utos ni Richard kay Dawn.

Agad namang sinunod ni Dawn ang utos ng asawa. Nang makalabas ang sasakyan ay dali-dali nilang inikot ang village ngunit wala dito si Blyth. Hindi rin ito napansin ng mga security guards sa lugar. Napag-pasyahan na ng mag-asawang lumabas sa kanilang village at nag-babakasakaling hindi pa nakaka-layo si Blyth.

"Halos naikot na natin ang malalapit na lugar dito, pero wala talaga si Blyth." Malungkot na sabi ni Dawn kay Richard.

Tinabi ni Richard ang sasakyan sa gilid at sinuntok-suntok ang manibela. "Kasalanan ko to, kasalanan ko ang lahat ng to." Maluha-luhang sabi nito.

Nagulat si Dawn ng makita niya ang isang bata na medyo may hawig kay Blyth. Agad niyang binaba ang bintana ng makita niya ito ay laking gulat nila ng si Blyth nga ito.

"Richard si Blyth." Naka-ngiting sabi ni Dawn kay Richard.

Agad tinawag ni Dawn si Blyth. "Blyth anak!" Sigaw nito sa bata. "Intayin mo kami diyan ng papa mo, papunta na kami."

Agad namang tumakbo ang bata papunta sa isang crossing, ngunit dahil dere-derecho ang takbo nito, hindi nito napansin ang parating na kotse at sa kasamaang palad ay nabangga ito. Agad namang tumakbo ang kotseng naka-bangga dito.

"Blyth!"sigaw ni Dawn dito.

Natulala nalang si Dawn sa nasaksihan, habang si Richard ay bumaba para puntahan si Blyth. Agad itong binuhat ni Richard at isinakay sa sasakyan at dali-dali itong dinala sa ospital.

Nang marating ang ospital ay agad silang inassist ng mga doctor at agad ipinasok si Blyth sa ER.

Nang maka-labas ang Doctor ay agad itong nilapitan ng dalawa.

"Doc, kamusta ang lagay ng anak ko?" Tanong ni Richard.

"Aaminin ko na po, malala ang lagay ng bata." Sabi ng Doctor sa dalawa.

Agad namang naluha si Dawn sa sinabi ng doctor.

"Doc may chances naman pong makayanan niya to diba?" Tanong ni Richard.

"Sa case po ng anak niyo we only have 10% of chance. She's in coma right now. Madami pong tinamaang major body parts ang anak niyo, at idagdag pa po dito ang blood cloth sa kanyang ulo. Sa ngayon po ay ililipat na po muna namin ang bata sa ICU para obserbahan ito." Paliwanag ng doctor.

"Doc gawin niyo po lahat ng makakaya niyo, wala po kaming pake-alam kung gaano kalaking halaga ang uubusin namin." Sabi ni Richard dito.

"Sige po, gagawin namin lahat nang makakaya namin." Sabi ng doctor at muling bumalik ang doctor sa ER.

Niyakap ni Richard ang umiiyak na si Dawn. Konti nalang ay papatak na din ang luha ni Richard ngunit pinipigilan niya ito para maipa-kita sa asawa na kailangan nilang maging malakas.

Ilang saglit pa ay nagsi-datingan na ang mga midya at pilit silang kinukunan ng litrato.

"Mr. and Mrs. Gomez dito po muna kayo." Sabi ng isang nurse at dinala sila nito sa isang private waiting lounge, para maka-iwas sa midya.

"Salamat." Nakangiting sabi ni Richard.

"Walang ano man po, fan niyo din po kasi ako." Sabi ng nurse tsaka ito umalis.

Maya-maya pa ay pinayagan na sila ng doctor na pumasok sa ICU. Nang maka-pasok ang dalawa ay agad itong nilapitan ni Dawn.

"Blyth sana naririnig mo ko ngayon, Anak alam ko... madami kaming pag-kukulang sayo ng dad mo. Anak sana lumaban ka, para naman maka-bawi kami sayo ng dad mo. Madami kaming naging pag-kakamali at ang pagiging busy namin ay isa ka sa pinaka-malaking pag-kakamali ng dad mo. Sana mas inisip muna namin na may batang nag-hihintay sa pag-uwi namin bago namin inisip yung solusyon na gagawin namin ng dad mo para maayos ang gulo sa kompanya. Anak pasensya na ha? Kung sa tingin mo hindi ka mahalaga samin ng dad mo, sobra-sobra ang halaga mo samin. Anak sana bigyan mo pa kami ng pag-kakataoon ng paap mong bumawi sayo ng papa mo. Sana hindi pa huli ang lahat. Ayokong matapos ang buhay mo ng galit o may sama ng loob samin ng papa mo. Anak.. wag mo muna kaming iiwan, madami pa tayong papasyalang lugar gaya ng dati." Naluluhang sabi ni Dawn habang hawak nito ang kamay ni Dawn.

Si Richard naman ay naka-tayo lang sa isang gilid habang nag-pipigil parin ng luha.

Hopiahopiahopiahopiahopiahopiahopiahopia

Sorry sa mga typos 😅 I know may mga wrong grammars din😅

Btw..

Thank you guys for reading! ❤️

Please vote💖

Love y'all and keep safe💓

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon