Habang nasa daan ay nakaramdam ng hilo si Juliana.
"Ma, paabot ng plastic!" Sigaw ni Juliana.
Agad namang nataranta si Dawn dahil sa nakaka-gulat na sigaw ni Juliana.
"Hah? Ah, eh, ano? Bat mo ba kailangan?" Natatarantang tanong nito.
Nakita ni Richard ang plastic na may lamang mga snack nila, agad niya itong kinuha at itanaob para iabot kay Juliana ang plastic. "Ohh, ohh."
Nang makuha ni Juliana ang plastic ay dali-dali itong sumuka.
"Mang Jordan, paki-tabi po muna." Utos ni Dawn, at agad naman itong sinunod.
Tumayo si Dawn para himasin ang likod ni Juliana. "Ano bang kinain mo anak?" Tanong ni Dawn.
Kinuha ni Richard ang tubig para iabot ito kay Dawn. "Water oh." Agad naman itong kinuha ni Dawn at ipinainom kay Juliana.
"Wag nalang kaya tayo tumuloy." Sabi ni Richard at napa-tingin naman sa kanya ang lahat.
"No pa, You can go. Uuwi nalang ako sa bahay." Sabi ni Juliana.
"Pano ka uuuwi? Masama nga pakiramdam mo, mamaya mapano ka pa." Sabi ni Dawn.
"Pero ma, excited yung mga kapatid ko. Tsaka minsan lang naman mag-enjoy yung mga yan." Sabi ni Juliana.
"Sige, ganito nalang, tatawagan ko si mang Lando pasusundo kita dito para alam naming safe ka." Sabi ni Richard.
"Sige pa, ganun na lang." pag-payag ni Juliana.
Agad na tinawagan ni Richard si mang Lando, para papuntahin ito kung nasaan sila.
Maya-maya pa ay dumating na si Lando. Agad nang sumakay si Juliana sa van.
"Dumaan kayo sa drugstore, para makabili si Juliana ng gamot." Utos ni Dawn.
"Opo ma'am." Sagot ni mang Lando.
Nang makaalis sina Juliana ay agad na ding umalis sila Dawn.
"Ma'am, magpahinga na po kayo. Ako na po bibili ng gamot niyo, pinagbilin po kasi ng mama niyo yun." Sabi ni Lando.
"Ako na po ang bibili. Paki-gising niyo nalang po ako kapag nasa drugstore na." Sabi ni Juliana.
"Okay po ma'am." Sagot ni Lando.
Maya-maya pa ay narating na nila ang drugstore na malapit sa kanilang subdivision. Agad na ginising ni Lando si Juliana, agad din namang bumaba si Juliana para bumili ng gamot. Nang makabili ito ay agad na silang umuwi ng bahay.
"Nagtect ang mama mo, okay ka na ba?" Tanong ni manang Elvie. "Inumin mo daw yung gamot."
"Opo manang, magpapahinga lang po ako sa taas." Sabi ni Juliana tsaka ito umakyat sa taas.
Nang makaakyat ito agad niyang tinawagan si Andrei.
"Drei..." tawag niya dito at umiyak na ito.
..."Kamusta na kaya si Juliana?" Tanong ni Dawn kay Richard.
Inakbayan niya ito. "Wag mo munang alalahanin yun, malaki na ang anak natin kaya alam kong kaya niya na yun."
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.