⚠️24⚠️

499 7 18
                                    

⚠️⚠️⚠️ so guys sana wag niyo pag-isipan si papa Smurf ng masama dahil alng sa story na to. This is just a fanfic and yung Anton na to ay hindi si papa Surf ang nag-poportray. Hindi ko alam pero yun kasi ung nasisip ko agad na name. So yun lang no hate ha lalong-lalo na sa mga tondawn. I'm also a tondawn fan kaya medyo parang pangit ding panginggan nung inuulit kong basahin. Sorry in advance. Sadyang tinamad nalang akong mag-bago ng name.

Sa sobrang pag-iyak ni Dawn, hindi na niya namalayang naka-tulog na siya. Nang tingnan niya ang oras ay agad siyang napabalikwas dahil alas nwebe na ng umaga.

"Shit!" Inis na sabi sa sarili. (Srry for my wrds lol.)

Agad siyang lumabas at nag-babakasakaling nandito pa si Juliana ngunit wala na ito. Nakita nito ang note na naka-dikit sa pinto ni Juliana.

"Good morning mom! :)"
Di ka na namin nagising kanina, and dadaan na kami sa office kasi si dad na daw mag-hahatid samin ni Casey. Please take care of ur self. Have fun with dad. We'll come back nalang kapag okay na ang lahat. I love you 💗

Muli nanamang naiyak si Dawn sa basahin nito.

Lumilipas ang ilang araw ngunit hindi umuuwi si Richard sa kanilang bahay. Lagi lang siyang tambay sa loob ng opisina, at lagi din itong naka-tanggi kahit na anong pilit nila John na lumabas na ito. Si Dawn naman ay bahay at opisina lamang. Lagi silang magka-hiwalay sa pagkain, ngunit minamabuti nalang ni Richard na itext ito at ipa-alala na kumain ito, ngunit hindi man lang nakakapag-reply si Dawn. Tanging trabaho nalang ang nagiging daan para sila'y magka-usap. Habang lumilipas ang taon, napanatili nila ang ganitong set-up, ngunit ngayon ay umuuwi-uwi na si Richard para matulog, ngunit wala pa rin silang pansinan kahit na magka-tabi na silang matulog ngayon. Limang taon na silang ganito ngayon, at wala man lang kaalam-alam ang mga bata. Ngayon ay nagka-taong pareho silang nasa bahay, nanonood sila pareho ngunit magka-layo ang kanilang upuan.

"Hiwalayan mo na siguro ko, pagod na ko." Pag-basag ni Dawn sa katahimikang nabuo sa kanilang dalawa.

Nanatili ang atensyon ni Richard sa telebisyon at hindi man lang siya dinapuan ng tingin. "Sige. Ipa-aayos ko yung mga papel kay Atty. mamaya."

Malayo ang isinagot ni Richard sa inaasahang sagot ni Dawn. "Edi lumabas din ang totoo! Ayaw mo na talaga saken. Sana nuon mo pa ko hiniwalayan, para hindi na ko nahirapan!" Naiinis na sabi ni Dawn habang pinipigilan ang pag-tulo ng luha. "Edi sana masaya na ulit ako ngayon!" Dugtong nito ngunit nabigla siya nang sabihin ito.

"Oo nga! Edi sana masaya ka na ngayon kay Ariel." Richard said sarcastically.

"What?! So now it's my issue? Richard, pwede ba? Its been almost 9 years, hindi ka pa ba nakaka-move on?"

"Tumigil ka na! Ibibigay ko na nga yung gusto mo!" Sabi ni Richard tsaka ito umalis patungong itaas.

Gusto itong sundan ni Dawn ngunit parang may pumigil sa kanya kaya Nanatili nalang si Dawn sa sala na umiiyak. Nagulat si Dawn ng may humawak sa balikat niya. Nang makita niya kung sino ito ay agad niyang pinunasan ang luha.

"Ano ba? Nag-momoment ako dito." Inis na biro nito.

"Hay nako, halika na nga. Let's party tonight. Mag-hanap na tayo ng lalaki para maka-limot na tayo." Pag-bibironi Alice dito.

Alam ni Dawn na narinig nito ang pinag-talunan nila ni Richard kaya niyaya siya nitong lumabas.

"Ano ka ba? Kita mong broken hearted yung kaibigan mo tapos gaganyanin mo pa ko." Sabi nito kay Alice.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon