27

305 9 9
                                    

Nang marating ang bahay ay nagulat si Gwy at Leo nang makita sina Dawn. Agad namang nag-mano ang dalawa kay Dawn at Richard.

"Sila James?" Tanong ni Richard.

"Pumasok lang po, pero pauwi na po yun." Sagot ni Gwy.

Nang maka-akyat na si Andrei at Juliana ay naiwan sina Richard sa baba, kasama si Kristina na ayaw humiwalay kay Richard. Ngayon ay nakahiga sa sofa si Kristina habang unan-unan ang hita ni Richard. Si Gwy naman ay nag-luluto para sa hapunan. Si Leo at Casey naman ay naka-upo kasama sina Dawn at Anton. Maya-maya pa ay narinig na nila ang school bus. Agad namang tumayo si Leo para pag-buksan ng pinto ang dalawa.

"Andyan ang lola Rachel niyo ha." Bulong ni Leo sa dalawa,

"Really dad?" Sigaw ng dalawa sabay takbo papasok sa loob.

"Lola!!" Masayang sabi ng dalawa.

"James? Rachel? Ang lalaki niyo na." Masayang sabi ni Dawn.

"Dito na din po ba kayo titira? Kasama ni lolo?" Masayang sabi ni James.

"Sino po siya lola?" Tanong ni Rachel.

"Siya ata yung pinalit ni lola kay lolo." Bulong ni James kay Rachel na narinig naman ng lahat.

Nangiti naman si Richard sa binulong ni James.

"Mga pamangkin ko talaga! Tamang-tama lagi mga sinasabi." Natatawang sabi ni Casey. "Magsi-akyat na nga kayo at magsi-pagbihis." Utos ni Casey sa dalawa. "Bumaba kayo agad hah!" Sigaw nito.

Hindi mapigilan ni Casey na matawa kaya agad nalang siyang tumulong mag-handa ng pagkain kay Gwy. Nang makapag-palit ng damit ang dalawang bata ay dali-dali itong bumaba at tinabihan si Dawn. Pinag-gitnaan ng dalawa si Dawn sa upuan.

"Lola, dito ka nalang po muna matulog. We miss your bulalo na." Pag-pilit ni James.

"Oo nga lola. Hindi sila masarap mag-luto ng bulalo." Natatawang sabi ni Rachel.

"Okay, okay!" Pag-payag ni Dawn.

"Okay lang ba sayo Anton?" Tanong nito kay Anton.

Di pa man nakaka-sagot si Anton ay agad nang nagsalita si Rachel.

"Lola, wala na kasing extra bed and gusto din sana namin na katabi ka namin. Pleasee!" Pag-pilit ng dalawa.

Napa-tingin na lang si Dawn kay Anton na parang nag-papalaam.

"Okay lang yan mom. Diba Anton okay lang? Wag ka mag-alala hindi naman si Dad yung katabi ni mom matulog." Leo said sarcastically.

"Oo naman. Sa hotel muna ko matutulog." Naka-ngiting sabi ni Anton.

"Kakain na po." Aya ni Casey sa kanila.

"Ahh, mauna na ko." Paalam ni Anton.

"Sige mauna ka na!" Bulong ni Casey na narinig ni Leo kaya ito natawa.

"Dito ka na mag-dinner sabay ka na samin." Aya ni Dawn.

"Ahh sa daan naalnag ako bibili. Baka gabihin din ako." Sabi ni Anton.

"Sumabay ka na. Sandali lang naman." Pag-pilit ni Dawn.

"Mom, baka nga naman gabihin si Anton. Hayaan mo na siya, baka malabo na ang mata." Natatawang sabi ni Leo.

Wala nang nagawa si Dawn kundi ang mag-paalam dito at hayaan nang umalis.

Ngayon ay kumakain na sila ng sabay-sabay at wala ni isa ng gustong mag-salita.

"I hope matanggap niyo na ang tito Anton niyo." Sabi ni Dawn.

Walang sumagot dito nang maya-maya ay biglang sumagot si Leo.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon