26

287 7 2
                                    

Ngayon ay naka-sakay na si Richard sa eroplano papuntang Paris. Hindi niya talaga kasama si Greg patungo rito. Nais ni Richard na pumunta rito. Simula nang napirmi siya sa Canada ay pinlano niya na talagang pumunta dito, ngunit ngayon lang ito natuloy. Isa ito sa pangarap nilang puntahang bansa noon ni Dawn ngunit hindi matuloy-tuloy dahil sa kanilang mga trabaho. Dalaga't binata palang ang dalawa ay balak na nilng pumunta dito ngunit hindi sila natuloy dahil iyon ang araw na nalaman nilang nag-bubuntis si Dawn at maselan ito. Pupunta siya dito para mag-isip-isip at makapg-pahinga muna ng isang linggo sa trabaho. Pagka-lapag na pagka-lapag ng eroplanong sinasakyan ni Richard ay agad siyang dumerecho sa hotel para mamahinga. Sa tingin niya ay pagod na pagod siya at ito na ang oras para ipahinga niya ang lahat ng pagod niya. Halos isa't kalahating araw na natulog si Richard. Nang magising siya ay wala pa siyang balak tumayo ngunit siya'y nagugutom na kaya naisipan na niyang mag-hanap ng makakainan. Nakahanap siya ng isang italian resto at dito niya naisipang kumain. Nang maka-kain ay muli siyang bumalik sa hotel at muling natulog. Naging ganito ang routine ni Richard sa nakalipas na limang araw. Plano niyang sulitin ang dalawang araw niya sa pag-iikot dito sa Paris. Ngayon ay ang kanyang ika-anim na araw, maagang nagising si Richard para mamasyal. Habang nag-lalakad ay ramdam niya ang enerhiyang dumadaloy sa kanyang katawan. Sa tingin niya ay napaka-sigla niya. Kumain muna si Richard bago niya puntahan ang eifell tower. Habang nag-lalakad ay binuksan niya ang kanyang ig account at nakita ang tagged post ni Juliana noong nag-movie night sila. Ito ay may caption na.

"9/10 missing our one family member. Hope you came here. Our dad is finally here na. Sobrang saya last night. Wish you were here."

Nang makita niya ang mga comments ay halos lahat ito ay naka-mention si Dawn, ngunit wala man lang itong reply or like man lang.

Habang nag-lalakad ay nakakita si Richard ng isang frech bread na paborito nila ni Dawn. Bumili siya at kinain habnag naglalakad patungong tower. Habang nag-lalakad ay naiisip niya si Dawn.

"Ganito ang pangarap naming gawin ni Dawn noon. Sabi ko kailangan pag pumunta ko dito kasama ko siya." Bulong ni Richard sa isip.

Maya-maya pa ay narating na niya ang tower. Mga ilang minuto din siyang naka-masid dito at inaalala ang kwentuhan nila ni Dawn noon.

-flashback

"Ikaw, ano bang pangarap mong bansa?" Tanong ni Richard dito.

"Simula pag-kabata gusto ko nang marating yung Paris. Pero sabi ko gusto ko kasama ko yung taong pakakasalan ko kapag nag-punta ko dito at gusto ko dito kami kukuha ng mga pre-nup photos para sa kasal namin." Kwento ni Dawn.

"Hayaan mo gagawin natin yan. Sabay tayong kakain ng Freach Garlic Bread sa ilalim ng Eiffel tower." Sabi ni Richard sabay akbay dito.

-end of flashback

Dahil sa ala-alang iyon hindi mapigilan ni Richard na mapa-ngiti. Nang nag-masid ang kanyang mga mata ay isang babaeng naka-puting gown ang umagaw sa kanyang pansin. Medyo malayo ito kaya hindi niya gaanong makita. Sa nakikita niya ay kumukuha ito ng pre-nup photos.

"Ganyan sana kami ni Dawn noon." Bulong nito sa sarili. 

Maya-maya pa ay napag-pasyahan na niyang maghanap ng iba pang pupuntahan. Habang papalapit ay laking gulat niya ng si Dawn at si Anton ang kinukunan ng litrato. Nanatili siyang naka-tingin sa dalawa ngunit hindi pa ito nakikita ni Dawn. Hindi niya alam pero sa sobrang selos niya parang gusto niyang mang-hila ng kung sino-sinong babae at halikan sa harap ng dalawa. Nakita ni Richard na hinapit ni Anton ang bewang ni Dawn kaya lalo itong nag-selos. Si Richard lang kasi ang lalaking nakaka-hawak sa bewang ni Dawn noon dahil ayaw ni Dawn na kung sino-sino ang humahawak dito. Habang dumadaan sa harap nila ay mas pinili ni Richard na kungware hindi sila nakita at dere-derechong nag-lakad. Sa kasamaang palad ay napansin siya ng dalawa, kaya tinawag si ni Anton.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon