Pagka-baba ng telepono ay agad na napa-baling si Juliana kay Andrei.
"Can you book me a flight for tomorrow?" Tanong ni Juliana.
"Are you going home na?" Tanong ni Leo.
"Yes, Blyth needs me." Sagot ni Juliana.
"Okay I'll book a flight later, pero I'm coming with you." Sabi ni Andrei.
Maya-maya ay tumunog ang telepono ni Casey. Nang buksan niya ito ay nagulat sina Juliana sa naging reaksyon nito dahil bigla nalang tumulo ang luha nito.
"W-why? W-what happen?" Naguguluhang tanong ni Juliana.
Nanghihina at nangangatog na ibinigay ni Casey ang kanyang telepono kay Juliana.
Nang mabasa ni Juliana ang balita ay ito naman ang nanghina.
"What's happening? Pwedeng paki-basa?" Naguguluhan ding sabi ni Leo.
Dahan-dahang inabot ni Juliana kay Leo ang telepono habang nag-pipigil ng luha.
"Nitong nakaraang buwan ay nakuhanan ng litrato ang mag-kakapatid na Gomez sa airport habang may kaakbay si Leo na babae at may kasamang dalawang bata na haka-haka ng karamihan ay anak nila ito. Habang si Juliana at Andrei Atayde naman ay magka-hawak ng kamay paakyat ng eroplano. Napabalita din na buntis si Juliana dahil may nakakita sa kanila sa ospital. Totoo nga ba ang balita? Totoo nga ba ang balitang tumulad ang mag-kakapatid sa kanilang magulang na mga bata ding nagsipag-anak? Totoo nga bang pabayang magulang sina Dawn at Richard? At totoo nga ba ang balita na kaya sila nag-punta sa ibang bansa para itago ang kanilang sikreto at ipalaglag ang batang dala-dala ni Juliana? Lahat ng yan masasagot kung muling mag-papakita ang mag-kakapatid." Pag-basa ni Leo sa naka post na balita. "May mga nag comments din. Nag-mana sa magulang, malalandi!"
Namuo ang katahimikan sa gitna nila.
"Please book us a flight too." Sabi ni Leo kay Andrei.
"Me too, umuwi muna tayong lahat para maayos natin to." Sabi ni Casey.
"Sige ayusin ko yung tickets natin mamaya." Sabi ni Andrei. "Hannah, akyat muna tayo para makapag-pahinga ka muna." Utos ni Andrei dito habang ito ay nakatulala.
Pag-akyat nila ay agad na namahinga si Juliana. Habang ito ay natutulog ay agad na nag-ayos ng ticket si Andrei. Sa kasamaang palad wala nang available flights papuntang Pilipinas para sa kinabukasan. Agad itong bumaba para kausapin si Leo at Juliana.
"Sad to say sa makalawa pa ang flight natin, is that okay with you guys?" Tanong ni Andrei dito.
"Okay, sige. Pwede na yun." Sagot ni Leo.
"Salamat kuya!" Nakangiting sabi ni Casey.
Parang nalusaw ang puso ni Andrei sa tinawag sa kanya ni Casey dahil hindi niya naisip na posibleng mangyari ang ginawa ni Casey. Binigyan nalang ito ni Andrei ng isang malapad na ngiti bago balikan si Juliana.
Lumipas ang isang araw, at ngayon ay ang kanilang balik sa Pinas.
Ang mag-asawa naman ay kauuwi lang galing sa opisina.
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.