17

230 8 3
                                    

Maya-maya pa ay dumating na si Andrei sa bahay nila Dawn. Nakita niya sa hagdan si Blyth na mukang matamlay.

"Blyth ito na yung Carbonara mo oh, let's go na kay ate Juliana mo." Aya ni Andrei dito.

"Wala na po akong gana." Matamlay na sabi ni Blyth.

"Huh? Bakit naman? May nangyari ba?" Tanong ni Andrei.

"Pinipilit kasi nila mama na dalin si ate sa America." Kwento ni Blyth.

"Huh? Tara na nga let's go na sa ate mo." Nagmamadaling aya ni Andrei kay Blyth.

Pag-bukas nila ng pinto ay nakita nila si Juliana na umiiyak. Agad naman siyang niyakap ni Juliana nang makita siya nito.

"Shhh!" Pag-papatahan ni Andrei kay Juliana.

"Blyth, okay lang ba kung punta ka muna kay yaya? Mag-uusap lang kami ng kuya Andrei mo." Utos ni Juliana kay Blyth at agad naman siyang sinunod nito.

"Anong plano mo?" Tanong ni Andrei kay Juliana.

Sandaling nanahimik si Juliana para mag-isip ng kanilang gagawin.

"Si Leo!" Nagulat si Andrei ng bigla itong mag-salita.

"Huh? Ano-anong meron kay Leo?" Naguguluhang tanong ni Andrei.

"Can you get my phone? I think it's over there." Turo ni Juliana sa may study table niya.

Nang makuha ito ni Andrei ay agad niya itong inabot kay Juliana. Agad namang tinawagan ni Juliana si Leo.

"Hello Leo?" Sagot ni Juliana ng sagutin ni Leo ang kanyang tawag.

"Remember our code red?" Tanong ni Juliana.

"Okay, I'll book a flight tomorrow, see you there." Sabi ni Juliana at ibinaba ang tawag.

Agad namang tinawagan ni Juliana si Andy.

"Hello, Andy?" Sabi ni Juliana nang sagutin ito ni Andy.

"Oh, Yana napatawag ka?" Tanong ni Andy.

"Nasa airport ka pa din diba?" Tanong ni Juliana.

"Yeah. Why?" Tanong ni Andy.

"Book me a flight to Canada for 5 adults and 2 children. Yung madaling araw sana." Utos ni Juliana.

"May available kaming flight bukas 4am, book ko na. Pumunta nalang kayo dito ng mga 3:00am para di kayo maiwan." Sagot ni Andy.

"Okay, great! Thanks Andy." Masayang sagot ni Juliana.

"What do you mean? Iiwan mo ko?" Tanong ni Andrei.

"No, no, babe. Pack your things kasi pupunta tayo sa Canada, may binili kaming bahay nila Leo at Casey don, dun na muna tayo pansamantala. Sigurado kong hindi tayo mahahanap nila mom and dad dun." Paliwanag ni Juliana.

"Okay sige. I'll go ahead na para mag ready na ko ng gamit ko." Paalam ni Andrei. "Bye babe." Sabi nito at hinalikan si Juliana sa noo. "You eat your food ha." Bilin ni Andrei kay Juliana.

"Yes babe." Sabi ni Juliana. "See you at 2am." Bulong ni Juliana kay Andrei.

"I'll go ahead." Sabi ni Andrei at tuluyan nang umalis.

🌋..

"Gwy, pumayag ka na." Pag-pilit ni Leo kay Gwy.

"Bakit kasi pumayag ka? Hindi mo pa nga sinabi sakin yun." Naiinis na sabi ni Gwy.

"Biglaan din naman kasi. At alam ko, hanggang nandito tayo, hindi tayo tatantanan nila papa." Paliwanag ni Leo.

"Papa, nag-aaway po ba kayo?" Tanong ni James sa dalawa.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon