16

278 9 4
                                    

"Tito, tita, umuwi po muna kayo. Ako na po muna bahala kay Juliana." Sabi ni Andrei nang makita niyang inaantok na ang dalawa.

"Hindi na." Pag-mamatigas ni Richard.

"Let's go na. Hayaan na natin si Andrei. Hindi naman niya pababayaan si Juliana." Pag-kumbinsi ni Dawn sa asawa.

Napilit din naman ito ni Dawn at agad silang umuwi ng bahay para mag-pahinga.

Pag-dating nila sa bahay ay agad silang sinalubong ni manang Elvie.

"Dawn, si Casey wala sa kwarto niya." Natatarantang sabi nito.

"What?! Paano nangyari yun?" Tanong ni Dawn.

"Nagugutom kasi si Blyth kaya ipinag-luto ko siya ng pagkain, nung tatawagin ko na siya, pag-bukas ko ng kwarto niya, wala na siya pati na rin ang mga damit niya." Paliwanag ni manang Elvie.

Ngayon ay kapapasok lang ni Richard sa bahay dahil nag-park pa ito ng van.

"Ano nangyare?" Tanong ni Richard nang makitang nag-aalala ang dalawa.

"Si Casey daw." Sabi ni Dawn.

"What? Ano nangyare kay Casey?" Tanong ni Richard.

"Nag-layas daw." Sabi ni Dawn.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na, hanapin na natin si Casey at baka mapano pa yun." Nag-mamadaling sabi ni Richard tsaka ito lumabas at muling pinaandar ang sasakyan.

Agad nilang nilibot ang buong Makati at nag-babakasakaling makita nila ito dito. Ngunit huli na dahil hindi na rin nila ito ma-contact.

"Try calling her friends." Utos ni Richard kay Dawn.

"Halos lahat ng kakilala kong kaibigan niya natawagan ko na, pero wala talaga." Sabi ni Dawn.

"San kaya nag-punta yung batang yun?" Tanong ni Richard.

"Ireport na kaya natin sa police?" Suggest ni Dawn.

"Dawn kapag may naka-alam na nawawala ang anak natin, pag-uusapan tayo ng publiko, and worst posibleng malagay sa piligro ang buhay ni Casey." Paliwanag ni Richard.

"Call Jm. Yung private investigator mo." Utos ni Dawn.

Inabot ni Richard ang kanyang telepono kay Dawn. "Here's my phone. Tawagan mo." Utos ni Richard.

Agad naman itong tinawagan ni Dawn at kinwento ang mga nangyari.

"You know, we need to rest. Ipaubaya na natin kay Jm ang pag-hahanap kay Casey." Sabi ni Dawn.

"Hindi naman pwedeng nakatulala lang tayo sa bahay, habang nawawala ang anak natin." Sabi ni Richard.

"Pero hindi din naman pwedeng hindi tayo mag-pahinga. Baka mamaya tayo ang madisgrasya nito. And besides Casey needs space din naman."

"Okay fine, let's go back home." Pag-payag ni Richard.

Agad naman silang umuwi sa bahay para magpa-hinga.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon