"Anton!! Sabi ko sa bahay ka na dumerecho." Sabi ni Mr. Simson na kababa lang."Sabi kasi ni Tricia nandito daw kayo, kaya sinubukan kong humabol." Paliwanag nito.
"Ikaw naman, hindi mo man lang sinabi saking uuwi ka na pala." Sabi ni Dawn.
Ang kanilang mga kasamang aktor at aktres naman ay tahimik lang sa isang gilid at pinag-mamasdan si Richard.
"Surprise nga, tsaka may meeting kami ni Mr. Simson about sa farm. Pinasundo niya ko ng helicopter kaya sa building na niya ko derecho." Paliwanag ni Anton.
"Oh siya, tara na sa bahay." Aya ni Mr. Simson.
"Uhmm derek, Mr. Simson, derecho na ko." Sabi ni Richard.
"Huh? Diba sabi mo kanina gusto mo makita yung farm?" Tanong ni Dawn.
"Uhmm, nagtext kasi si Kate.. may dinner daw sa bahay." Palusot ni Richard.
Alam ni Dawn na ginawa lang itong dahilan ni Richard ngunit hindi na niya ito pinilit.
"Ohh, sige. Ingat ka." Sabi ni Dawn.
"Ingat!" Sabi ng kanilang mga kaibigan.
Nang dumaan si Richard sa tapat ni Ian ay hinampas nito tiyan ni Richard na para bang alam na siya'y nag-papalusot lang.
Ngayon ay pauwi na si Anton at si Dawn at ang iba pang mga artista na kanilang kasama.
"Nalungkot ka ata nung umalis na si Richard." Naka-ngising sabi ni Anton.
"Anton... please, wag ngayon." Pag-mamakaawa ni Dawn dito.
"Hindi eh, ang saya-saya niyo kaya kanina." Sabi ni Anton.
"Anton pwede ba? Pagod nga ako." Inis na sabi ni Dawn.
"Ang sabihin mo, nasira ang moment niyo ni Richard kanina." Naka-ngising sabi nito.
Sasagot pa sana si Dawn ngunit biglang nag-ring ang telepono nito at laking gulat niya nang ina niya ito. Agad naman niya itong sinagot bago pa man makapag-react si Anton.
"Hello ma?"
"Hello Dawn.... aabot ka ba?" Tanong nito.
"Aabot for what ma?" Tanong ni Dawn.
"Jusko naman anak, diba it's our 50th anniversary ng papa mo bukas." Sabi ng ina ni Dawn.
"Oo nga ma, I'm on my way to Manila na din naman." Sabi ni Dawn.
"You better hurry, your kids are already here." Masayang sabi ng ina ni Dawn.
"Buti naka-uwi sila." Sabi ni Dawn.
"Diba usapan namanna natin na kailangan mag-kakasama tayo at exactly 12am." Sabi ng ina nito. "Do you think aabot ka?" Tanong ni Cleo.
"Yes ma, it's 6:58pm palang naman." Sabi ni Dawn.
"Okay anak, ingat ka."
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.