30

329 7 9
                                    

Maka-lipas ang isang linggo ay matutuloy na ang kanilang taping. Ngayong araw ay may taping sila sa ilocos kung saan naka-lock-in sila dito ng tatlong araw. Naging maayos ang lahat, lalong-lalo na sina Richard at Dawn. Gaya nang una nilang pelikulang magka-samang dalawa, masaya ito at puno lang ng harutan. Wala na ang ilangan sa dalawa at wala nang gusto pang balikang pag-usapan para sa kanilang naka-raan.

Ngayon na ang huling araw nila sa Ilocos.

"Maaga tayong magpa-pack-up!" Masayang balita sa kanila ng derektor.

"Talaga derek?" Masayang tanong ni Sunshine.

"Oo. Dadalin tayo ni Mr. Simson sa sand dules at Baluarte." Masayang paliwanag ng derektor. "Kaya mag-sipag-ayos na kayo at malapit na si Mr. Simson." Dagdag pa nito.

Agad na nagsipag ligpit ang mga staff at agad din namang nag-ayos ang mga aktor at aktres na kasama. Sakto, nang matapos nila ang kailangang ayusin ay siya namang pag-dating ni Mr. Simson.

"Good afternoon Mr. Simson." Bati ng derektor dito. "San po ba muna tayo?" Tanong nito.

"Siguro sa sand dules muna, kung okay lang sa inyo? Medyo makulimlim naman. Nagpa-handa din kasi ko ng dinner sa bahay para dun na kayo mag-hapunan bago umuwi." Paliwanag nito.

"Okay guys, let's go!" Masayang aya ng derektor.

Nang Sand dules ay masayang-masaya ang mga aktor at aktres habang tinitingnan ang mga nag-haharurutang four by four jeep pababa sa buhanginan.

"Safe naman po to no?" Nag-aalalang tanong ni Dawn.

"Oo naman basta kakapit lang kayo ng mahigpit." Sabi ni Mr. Simson.

"Dala-dalawa lang ang pina-payagang sumakay sa bawat isang sasakyan. Sakto lang sa-atin. Kami na ni Mr. Simson ang mag-sasama." Sabi ng derektor.

"Sama ka sakin?" Naka-ngting tanong ni Richard.

"Wag nalang kaya.. natatakot ako eh." Pag-aalinlangang sagot ni Dawn.

"Ano ka ba? Just trust me." Natatawang sabi ni Richard tsaka nito nilahad ang kamay kay Dawn.

Sandaling nag-isip si Dawn at kalaunan ay hinawakan niya na ito. Agad silang sumakay sa jeep. Sa una ay dahan-dahan lang ang takbo nito kaya hindi pa gaanong natatakot si Dawn.

"Richard, richard bumibilis." Natatakot na sabi ni Dawn sabay napahawak ng mahigpit sa bakal at sa braso ni Richard.

"Wag kang matakot, just enjoy it." Nakangiting sabi ni Richard.

"Eh papaano kung mahulog ako dito?" Takot na tanong ni Dawn.

"Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari yon?" Sabi ni Richard. "Basta humawak ka lang sakin." Dagdag nito.

Maya-maya pa ay tumigil sila sa gitna ng matataas na buhangin.

"Bakit tayo tumigil?" Tanong ni Dawn.

"Ma'am humihinto po talaga dito lahat. Pwede po kayong mag skate diyan sa buhangin." Paliwanag ng driver.

"Talaga?" Tanong ni Richard.

"Yes sir!" Kunin niyo nalang po yung board diyan. Meron pong pang-dalawahan pwede din naman pong pang isahan." Paliwanag ng driver.

"Tara Dawn." Naka-ngiting aya ni Richard.

"Hindi ba tayo maaksidente niyan?" Tanong ni Dawn.

"Hindi, mag-sama nalang tayo sa isang board." Sabi ni Richard.

Ayaw pumayag ni Dawn sa gustong gawin ni Richard.

"Sige na! Minsan lang tayo mag-eenjoy." Sabi ni Richard.

Sa wakas ay napapayag niya din si Dawn. Sa una ay takot ito ngunit nang maka-ilang ulit sila ay nawala na ang takot nito.

"Ayon na pala sila Dawn." Turo ni Sunshine sa mga kasama.

"Sige na sumama na kayo sa kanila." Utos ng derektor.

"Wait lang derek, minsan lang yung memories na ganyang nung dalawa, hayaan muna natin sila." Paliwanag ni Albert.

Lahat sila ay naka-tingin lang sa dalawa na kala mo batang enjoy na enjoy sa pag-papadulas pababa. Habang naka-sakay ang dalawa ay bigla itong tumagilid at tumaob ang dalawa. Naka-higa si Richard habang si Dawn naman ay naka-patong dito. Mga ilang minuto din silang ganun ang posisyon bago maisipang tumayo ni Dawn.

"Tara na muna" sabi ni Dawn nang siya'y  makatayo.

"Bakit tumigil na kayo? Kadadating lang namin oh." Sabi ni Christopher.

"Kanina pa naman kami." Sabi ni Dawn.

"Aba eh ano naman ngayon? Nag-eenjoy naman kayo." Sabi ni Alice.

"Oo nga Dawn minsan lang naman to, tara na muna." Aya ni Cesar dito.

Napilitan si Dawn na pumayag dahil ayaw niyang pag-isipan siyang kj ng kanyang mga kaibigan. Napuno ng tawanan ang buong paligid. Laging may bumabagsak sa kanila dahil nag-kakarerahan sila ng laro. Nang mapagod ay napag-pasyahan na nilang bumalik sa main entrance.

"Ma'am, sir, kapit lang po kayo ng maigi, medyo pababa po ito." Bilin sa kanila ng driver.

"Richard, richard!" Natatakot na sabi ni Dawn.

"Ganto nalang, pumikit ka tsaka ka sumigaw." Utos ni Richard kay Dawn.

"Teka!!" Sabi ni Dawn ngunit wala na itong nagawa, dahil bumulusok na pababa ang sinasakyan nila. Tanging pag-kapit nalang sa bakal at sa braso ni richard ang kanyang nagawa.

"Woohooo!" Sigaw ni Richard habang takot na takot naman si Dawn.

Nang maka-baba ay agad na binigyan ni Richard ng tubig si Dawn. Habang iniintay ang iba pa nilang kasama ay naupo muna sila sa isang kubo.

"Thank you.." bulong ni Dawn.

"Huh? Thank you for what?" Tanong ni Richard.

"Kasi nagawa natin yung mga di natin nagawa noon." Kwento ni Dawn.

"Eh diba dapat kay Mr. Simson ka nag-papasalamat?" Tanong ni Richard.

"Oo pero, alam mo namang takot ako diba? Hindi ba kaya nga hindi natin nagawa to noon dahil hindi ko kayo pinayagan ng mga bata noon? Kaya nga gusto ko magpa-salamat kasi nagawa natin to kahit na takot ako." Masyaang kwento ni Dawn.

"Naalala mo pa pala yun." Sabi ni Richard.

"Oo naman. Isa yon sa magandang memorya ng buhay ko." Sabi ni Dawn.

"Akal ko kinalimutan mo na yon."

"Richard, nawala lang ako, pero yung mga memories natin? Nandito lahat yun." Sabi ni Dawn sabay turo sa kanyang dibdib. "Nandito lahat yun at walang sino man ang makaka-tanggal nun." Dag-dag ni Dawn.

Para namang sumaya ang puso ni Richard sa nadinig na sinabi ni Dawn.

"Dawn, Can I ask you a question?" Tanong ni Richard.

"As long as kaya ko sagutin." Sagot nito.

Huminga ng malalim si Richard at tsaka ito nag-tanong. "Do you still love me? Or meron din ba kong pwesto diyan sa puso mo?" Tanong ni Richard.

Natahimik si Dawn at hindi alam ang kanyang isasagot.

"Hon!" Sigaw ng isang lalaking kababa lang ng sasakyan.

"Anton?" Tanong ni Dawn ng lingunin niya ito.

Hopiahopiahopiahopiahopiahopiahopiahopia

Sorry sa mga typos 😅 I know may mga wrong grammars din😅

Btw..

Thank you guys for reading! ❤️

Please vote💖

Love y'all and keep safe💓

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon