35

331 7 4
                                    

Pag-pasensyahan niyo na tong short update😅

Pag-pasok nila ay agad na bumungad sa kanila ang isang blackboard na may naka-sulat na "please choose a color." Naguguluhan sila pero sa huli ay kumuha sila ng cupcake at namili ng kulay na kanilang gusto. Pag-dating sa kusina ay nagulat ang lahat dahil madaming pagkain at may mga naka-set up na lobong question mark.

"Oh my god! Ate Gwy is peegnant." Sabi ni Casey nang mapansin ang kulay pink at blue na theme ng cake at cupcake at mga decorations.

"Really?" Tanong ni Dawn.

"Yup! Gwy is 15 weeks pregnant." Masayang sabi ni Leo.

"We're having a baby sister or brother." Masayang sabi ni Rachel kay James.

"Mom, can we please reveal the gender? I'm so excited." Sabi ni James.

"Oh, wag na nating patagalin to." Sabi ni Juliana.

"In 3-1 pop niyo na yung party popper hah." Utos ni Casey.

"Okay let's all count." Sabi ni Richard.

Sabay-sabay na nag-bilang ang lahat at tsaka nila pinutok ang party popper. Nang lumabas ang kulay ng Confetti ay lahat sila ay nag-sigawan sa tuwa.

"I'm having a baby brother!!! Yes!" Masayang sigaw ni James.

"Welcome to our family, baby boy!" Sabi nila.

"Let's eat na, baka magutom na si baby boy." Aya ni Leo sa lahat.

Nang matapos kumain ay agad na nag-ligpit ng pinag-kainan si Juliana, Dawn, at si Casey. Ang iba naman ay nag-pasyang manood ng tv. Nang matapos mag-ligpit ang tatlo ay agad pumunta si Casey at Juliana kasama ng kanilang mga kapatid sa sala. Si Dawn naman ay lumabas sa bakuran. Mga ilang minuto din ang naka-lipas bago mapansin ni Richard na wala si Dawn sa tabi nila.

"Ang mom niyo?" Tanong ni Richard.

"Sabi niya mag-papahangin lang daw siya sa labas." Sabi ni Casey.

"Richard! Magsi-labas kayong lahat diyan!" Sigaw ni Dawn mula sa labas ng bahay.

Agad namang nataranta ang lahat at dali-daling pinuntahan si Dawn. Nagulat si Richard ng may pumukol sa kanya ng lobo na punong-puno ng tubig.

"Dawn!!" Inis na sigaw ni Richard.

"Let the fight begin." Natatawang sabi ni Dawn sabay kuha muli ng lobo.

Agad naamng kumuha sina Juliana ng water balloon para mag-basaan. Naalala ni Leo na may naitabi pa siyang mga lobo kaya agad niya itong kinuha para lalong dumami ang mga lobo. Napuno ang gabing iyon ng harutan, basaan, at higit sa lahat... kasiyahan.

Kinabukasam ay araw ng lunes, at may kanya-kanya nang pasok ang mga bata. Nag-umpisa na ang sunod-sunod na meeting ni Casey para sa kanyang parating na proyekto. Si Andrei naman ay kinuha na rin muli para sa isang proyekto. Si Leo, Juliana, Dawn, at Richard ay muli na ring mag-babalik sa opisina. Pag-pasok ng opisina ay nakatingin halos lahat ng empleyado sa kanilang lima. Si Leo at si Richard ay naka-suot ng black suit habang si Dawn at si Julina naman ay naka-suot din ng dessenteng damit pang opisina.

"Siya ba yung anak ni ma'am Juliana?"

"Ang gandang bata naman nung anak ni ma'am Juliana."

"Ang cute naman nung bata."

"Mukang mabait ang anak ni Ma'am Juliana."

Ilan lang yan sa naririnig nila habang pumapasok. Hawak ni Juliana ang kaliwang kamay ni Kristina habang ito ay naka-suot din ng suit na pang babae.

Nang marating ang top floor ay tulong-tulong nilang inayos ang kanilang mga opisina. Ang connecting room sa nag-silbing opisina ni Anton noon ay muli nilang inayos at ginawang pahingahan. Habang ang opisina ng magka-patid ay inayos din para sila'y magka-tabi.

"Ma, may gagawin ka pa ba?" Tanong ni Juliana?

"May mga pipirmahan nalang akong papers. Why?" Tanong muli ni Dawn.

"Is it okay if diyan muna sa inyo ni Tay si Kristina? Madami kasi kong babasahing mga reports eh." Sabi ni Juliana.

"Yeah, sure!" Sagot ni Dawn.

"Oh, Ria you go muna with your lola hah. May tatapusin lang si mommy." Utos ni Juliana.

Lumipas pa ang ilang buwan at naging maayos ang lagay ng kanilang pamilya. Ngayon ay kasamang kumakain ni Dawn si Alice sa labas dahil matagal-tagal na rin silang hindi nag-kakasama.

"So kamusta na kayo ni Richard?" Tanong ni Alice.

"Hay nako, hindi ko nga alam. Basta ang alam ko, masaya kami sa kung anong meron kami ngayon." Sagot ni Dawn. "Ni hindi nga nangliligaw sakin yung gunggong na yun eh" dagdag ni Dawn.

"Eh pano kung manligaw?" Tanong ni Alice.

"Edi pakakasalan ko ulit." Sagot ni Dawn.

"Eh pano kung hindi? Edi friends with benefits nalang kayo?" Natatawang tanong ni Alice.

"What?! Ano ka ba? Tumigil ka nga." Pag-awat ni Dawn dito.

"Nag-tatanong lang naman ako, pero bakit nag-bublush yang pisngi mo? Bakit? Don't tell me... hindi na kayo nag-ses*x" bulong ni Alice.

"Shh!" Sabi ni Dawn sabay hampas sa balikat ni Alice.

"Alam mo Dawn, tayong mga babae kailangan talaga natin yan. Edi sana hindi ka ganyang kagnda kung walang nang-yayari sa inyo ni Richard." Sabi ni Alice.

"Excuse me, maganda ako kahit walang nang-yayari samin ni Richard no?" Sabi ni Dawn.

"Maganda ka nga, tigang ka naman." Natatawang sabi ni Alice.

"Alam mo Alice, minsan napapa-isip ako kung kaibigan ba talaga kita eh." Sabi ni Dawn.

"Eto naman oh, joke lang. hindi ka naman mabiro." Sabi ni Alice.

"Hay nako, kumain na nga lang tayo. Ang dami mo pang sinasabi." Sabi ni Dawn para matigil na ang bastos na bunganga ni Alice.

Lingid sa kanilang kaalaman ay sumunod pala si Richard at Ian sa dalawa, at kanina pa tawa ng tawa sa mga naririnig na kwentuhan ng dalawa.

"Oh, pare, alam mo na! Kailangan mo nang ligawan si Dawn. Ikaw naman kasi patumpik-tumpik ka pa, baka mamaya maunahan ka nanaman niyan." Pag-bibiro ni Ian.

"Sira ka talaga bro!" Natatawang sabi ni Richard.


Hopiahopiahopiahopiahopiahopiahopiahopia

Sorry sa mga typos 😅 I know may mga wrong grammars din😅

Btw..

Thank you guys for reading! ❤️

Please vote💖

Love y'all and keep safe💓

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon