"Pupuntahan ko ang mag-iina ko!" Nagmamadaling sabi ni Leo at agad na sumakay ng sasakyan.
"Ah, ah, maa!! Ma!" Sigaw ni Juliana at bumagsak ito.
"Richard! Richard! Si Juliana!" Sigaw ni Dawn.
Narinig ni Richard at Leo ang sigaw ni Dawn kaya agad silang bumalik sa loob.
Agad na lumapit ang dalawa kay Juliana.
"Yung van dali! I-ready mo ang van!" Nag-mamadaling utos ni Richard kay Leo.
Nang masakay si Juliana ay Agad na pinaandar ni Leo ang sasakyan at mabilis na dinala si Juliana sa ospital. Nang marating nila ang ospital ay agad silang inasist ng mga nurse at isinakay sa stretcher si Juliana.
Hinarang sila ng ilang nurse bago pa sila makapasok sa ER. "Dito nalang po muna tayo."
"Ano po ang nangyare?" Tanong ng nurse.
"Hindi namin alam basta bigla nalang siyang bumagsak." Kwento ni Dawn.
Maya-maya pa ay lumabas ang doctor.
"Mr. and mrs. Gomez?" Tawag sa kanila ng doctor.
"Doc, ano po nangyare sa anak ko?" Tanong ni Dawn.
"Maayos naman siya medyo na-stress lang and the babies fine din naman." Paliwanag ng doctor.
"Baby? So you mean she's pregnant?" Tanong ni Richard.
"Yes po, she's 9weeks pregnant." Sabi ng doctor. "Maiwan ko po muna kayo. Iaayos lang yung private room niya then pwede niyo na siya puntahan dun."
Nang maka-alis ang doctor ay agad na sinuntok ni Richard ang pader. "Ano ba nang-yayari sa mga anak ko." Sabi nito habang umiiyak.
"Kumalma ka nga muna. Wag kang magpapakita sa anak mo ng ganyan. Baka lalong ma-stress yun." Pag-papakalma ni Dawn dito.
Si Leo ay nanatiling nakatulala sa isang tabi na parang hindi maka-paniwala sa mga nangyayari.
Maya-maya pa ay tinawag na sila ng isang nurse at sinabing nasa private room na si Juliana. Agad nila itong pinuntahan at inintay magising. Nang magising ito ay bumungad sa kanya ang muka ni Dawn na may luha.
"Ma, I'm sorry." Umiiyak na sabi ni Juliana.
"Shhh. Magpahinga ka muna." Sabi ni Dawn.
Tumayo si Juliana at Nang lumingon si ito sa kabilang gilid ay nakita niya si Leo na natutulog at si Richard na naka-tingin sa kanya.
"Pa, I'm sorry." Sabi nito habang patuloy sa pag-iyak.
"Si Andrei ba?" Tanong ni Richard.
Tumango naman si Juliana habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Lumapit si Richard dito umupo sa tabi niya.
"I'm very very disappointed to you." Mahinahing sabi ni Richard. "Kala ko iba ka."
"Pa, I'm sorry pa." Sabi ni Juliana at patuloy pa rin ang pag-iyak.
"Sige na anak mahiga ka muna at magpahinga." Utos ni Dawn dito.
"Ma, I'm sorry." Paghingi muli ng tawad ni Juliana.
"Sige na, sige na, stop crying na. Magpahinga ka muna." Dawn said while stoping her tears from falling, then she kissed her forehead.
BINABASA MO ANG
We did it!
FanfictionThis is a story of Dawn and Richard in facing their problems as a family.