20

242 9 3
                                    

Maka-lipas ang ilang oras ay napansin ni Dawn na inaantok na si Richard dahil halos madaling araw na.

"Matulog ka muna diyan sa sofa." Utos ni Dawn.

"Ikaw nalang muna ang matulog, ako muna diyan kay Blyth." Sabi ni Richard.

"Kung ayaw mo matulog bahala ka, pero di ako aalis sa tabi ni Blyth." Pag-mamatigas ni Dawn.

❤️--------

"No, no, no!" Sigaw ni Dawn ng makitang flat line na ang anak.

Agad namang lumabas si Richard para tumawag ng doctor. Halos 30 mins. Nang ni rerevive si Blyth ngunit hindi na talaga nito kinaya.

"Time of death 4:57 am." Sabi ng doctor

"Hindi! Hindi!" Sabi ni Dawn habang nakayakap at umiiyak ito kay Richard. "Ang bata-bata pa ng anak natin."

Nang mahimas-masan si Dawn ay agad niya muna itong ipinauwi kay manang, habang si Richard na ang nag-asikaso ng burol ni Blyth. Halos lahat ng tao sa buong bansa ay alam nang pumanaw ang kanilang bunso, dahil sa balita. Nang matapos nitong asikasuhin ang lahat ay agad itong pumunta sa isang liblib na lugar, malapit ito sa pinupuntahan ni Gwy at Leo noon.

"Bakit ganon? Ang bata-bata pa nang anak ko! Bakit niyo siya agad na kinuha samin? Babawi palang kami sa kanya." Umiiyak na sabi ni Richard. "Ang daya naman! Babawi palang ako sa anak ko!"

Natigilan si Richard ng mag-ring ang kanyang telepono, si manang Elvie ito at sinabing umuwi na siya at naka-ayos na si Blyth.

🇨🇦..

Ngayon ay nasa bar mag-isa si Casey habang si Andrei at Juliana naman ay kumakain sa isang filipino restaurant. Sina Leo naman ay nanatili sa bahay at mas piniling manood at magbonding kasama ang mga bata.

📱🔔..

Biglang tumunod ang telepono ni Casey, nang buksan niya ito ay galing ito kay Maxine.

From: Maxiee
Condolence, Gab.

Nagulat si Casey sa sinabi ng kaibigan at agad itong kinilabutan.

Reply to: Maxiee
R u crazy? U know Maxie this is not a good joke.

From: Maxiee
Wtf? I'm not joking. So it means u still don't know. Where r u ba?

Reply to: Maxiee
Maxine what r u saying ba? No one died okay?

From: Maxiee
I think ur out of the country that's why u still don't know the news. But hindi ko naman alam na hindi pa pala nasasabi sayo ni tita. Here's the article na nilabas ng news.

Agad na binuksan ni Casey ang link na binigay sa kanya ni Maxine. Nang mabasa ito ay agad na siyang umalis ng bar at dali-daling bumalik sa bahay.

"Mag-relax ka muna. Ako nalang muna mag-aayos ng things natin mamaya." Sabi ni Andrei kay Juliana.

"Alam mo naawa ko kay Blyth, feeling ko kasi siya din talaga yung naiipit sa mga nangyari." Kwento ni Juliana kay Andrei.

"I'm sure naman magiging okay na si Blyth kasi pabalik na tayo ng pinas." Pagpapalakas ni Andrei ng loob ni Juliana.

Patuloy na nag-kwentuhan si Andrei at Juliana hanggang sa isang balita sa tv ang umagaw sa kanilang pansin. Balita ito mula sa Pilipinas dahil nga nasa Pinoy restaurant ang dalawa.

We did it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon