CHAPTER 01

160 30 7
                                    

Ariane P.O.V

Sa bilis ng pagmaneho ko wala pang kalahating oras nakarating agad ako sa school. Ilang minutes nalang malalate na ako sa klase ko.

"Bakit ngayun pa kasi nasira ang alarm clock ko. Sa lahat ng araw ngayun pa na may klase ako!" reklamo ko habang nagmamadaling maglakad.

Kung minamalas kanga naman nakabunggo pa ako. Sakit ng pwet ko. Sino ba tong animal na to ang hindi tumitingin sa daan. Hindi ko nalang siya pinansin at tumakbo nalang ako para di malate. Sakto naman na sabay kaming pumasok ng Teacher ko.

"Muntikan kanang malate Mendoza" sabay tawa niya

Ngumiti lang ako sa kanya at dumeretso na sa upuan ko. Pagkaupo ko tinanong agad ako ni Amanda. Di man lang ako pinahinga bwisit. Kailangan ko talaga mag jogging para pag may ganitong sitwasyon mabilis ang takbo ko.

"Bat ka nalate? Anong ginawa mo kagabe? Bat ganyan mukha mo? As I know may kotse ka naman" Sunod sunod na tanong niya sakin. Minsan naisip ko kung bakit ko naging kaibigan to

"Ikalma mo sarili mo. Nasira alarm clock ko. Ok?" Paliwanag ko sa kanya

Nagbigay ng activity ang guro namin kaya kanya kanya kaming sagot sa mga libro namin. Nakaduko lang ako at nag concentrate sa pag sasagot ng may kumatok sa pintuan namin.

"Yes. Anong maipaglilingkod ko sayo?" Tanong ni Maam "Ay wait. Ikaw ba yung bagong transferre?"

Transferre? Malapit na first quarter namin, tatanggap padin sila? Siguro malakas ang kapit ng isang ito kaya tinanggap. Mabuti nalang at naka pasok siya sa school na ito.

"Halika pasok" tawag ni maam sa estudyante.

Nakaduko parin ako at nagsasagot wala akong paki kung sinong nilalang ang nasa harap ngayun. Mahirap ang pinapagawa ni maam kaya kailangan ko ayusan ang pag sagot. Sino ba kasi itong nilalang na tinutukoy dito sa binabasa ko?

Umingay bigla ang paligid. Yung mga babae ko na kaklase parang kinilig na ewan. Mga ignorante talaga kahit kailan.

"Hmm Goodmorning I'm Drake Natividad " pagpapakilala nung transferre.

"Shit girl ang gwapo niya"

"May girlfriend na ba siya?"

"Makalaglag matres te"

"Kanin nalang kulang"

Parang tanga naman ang mga to kung magbulungan. Dinig na dinig ko siguro di lang ako pati na yung iba pa. Mga hayok sa lalaki talaga mabuti pa ako sa THE ONE lang ako malandi.

"Pwede kana umupo" sabi ni maam

Maya maya ay may naramdaman akong presensya sa tabi ko kaya napatingin ako. Yung transferre pala na dumating. Tinitigan ko lang siya at bumalik na ako sa pag sasagot. Wala lang trip ko lang siya tignan.

"Ang swerte ni Ariane "

Ako swerte? Bakit?

"Nagtabi sila girl"

"Sana pala dito ko siya pintabi sakin. Kahit kumandong pa siya okay lang sa akin."

Naku kaartehan ng classmate ko. Mag hunosdili kayo jusko. ikalma niya mga pakiramdam ninyo.

"Mendoza share muna kayo ng libro ni Natividad para makasagot siya" utos sakin ng teacher ko

Dahil dakilang taga sunod ako nilapit ko yung bangko ko sa kanya para makasagot din siya. Yung mga classmate ko kulang nalang katayin ako sa talim ng tingin sakin. May nagawa ba akong mali? Alam ko naman na maganda ako kaya no need na ako tignan ng ganyan. Halatang inggit ang mga ito.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon