CHAPTER 30

43 6 2
                                    

Ariane P.O.V

Nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang camping namin. Napapalibutan ng puno ang lugar. Napaka relaxing ng dating. Ginising ko na si Drake. Tinulungan kami ni Drake sa bagahe namin lalo na kay Amanda na dalawa ang bagaheng dala. Binigyan kami ng tent kada dalawang tao may isang tent. Kasama ko si Amanda sa tent.

"My ghod. Hindi uubra ang heels ko sa lugar na ito. Magpapalit lang ako Girl. Drake kayo muna bahala dito" paalam ni Amanda

Tinulungan kami ni Drake gawin ang tent namin ni Amanda. Tapos na sila nung kasama niya sa tent nila. Malaki din ang tent na binigay samin kaya kahit limang tao ay kasya.

"Done. Pwede niyo na ilagay ang mga bagahe niyo sa loob" sabi ni Drake kasama niya si Gerald sa pag gawa ng tent namin.

"Salamat sa inyo. Salamat sa pag gawa ng tent namin ni Amanda" sabi ko.

"Wala yun. Sige Drake una na ako. Puntahan ko lang girlfriend ko boyfriend duty" sabay kindat niya at umalis na.

Tinulungan ako ni Drake ipasok ang gamit ko sa loob. Bale siya lang talaga ang kumilos. Ayaw niya akong pakilosin.

"Salamat Drake"

"Kiss lang kapalit. Wala agad lahat ng pagod" sabay tawa niya

Binigyan ko siya ng kiss sa pisngi "Ayan bayad na ba? Ayusin mo yang mukha mo. Pulang pula na ang tenga mo" pang aasar ko sa kanya

"Ariane naman. Wag mo akong binibigla. Alam mo naman na malakas tama ko sayo" nag papadyak pa siya. Para siyang bata.

"Tumigil ka nga jan sa ginagawa mo. Bakit ayaw mo sa ginawa ko?"

"Kailan naman ako umayaw sa kiss mo. Kahit kada oras pa handa ang katawan ko tanggapin ang kiss mo. Kahit gumawa pa tayo ng bata" pahina ng pahina ang boses niya kaya di ko narinig ng maayos.

"Anong gagawin Drake?" Tanong ko sa kanya.

"Wala yun. Sabi ko masarap mabuhay. Lalo na at ikaw ang buhay ko" sabay kindat niya sakin.

"Ang hindot mong lalaki ka" pabirong sabi ko at tumawa pati si Drake ay natawa nalang din.

Ilang saglit ay dumating si Amanda at naka jeans na ito at white shirt naka sapatos nadin ito. Nagpaalam siya ulit samin dahil tinawag siya ng teacher namin.

"Lakad lakad muna tayo. Tignan natin ang lugar" sabi ni Drake at tumango ako.

Papaalis na kami ng biglang may tumawag kay Drake na isang babae. Pinapatawag daw siya ng teacher.

"Sorry Ariane mamaya nalang tayo mag libot pwede ba?"

"Naku ok lang. Sige na pumunta kana baka hinahanap kana dun. Dito lang ako hihintayin kita"

"Miss you" sabay halik niya sa noo ko.

"Sira ka talaga. Di ka naman magtatagal. Sige na ingat ka"

Umalis na si Drake at naiwan akong mag isa ngayun dito sa tent namin. Hindi pa bumabalik si Amanda. Nanood lang ako sa netflix. Mabuti nalang at malakas signal sa lugar na ito.

Ilang oras na pero hindi parin bumabalik silang dalawa. Naisipan ko na mag lakad lakad muna.

Drake P.O.V.

"Nativad pwede ba na tumulong ka sa pag set ng bonfire para mamayang gabi" sabi skain nung English teacher namin.

"Wala pong problema sir" sagot ko.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon