CHAPTER 57

24 2 2
                                    

Ariane P.O.V

Masaya pa kami kaninang dalawa habang naka yakap siya sa likuran ko at naka tingin sa magandang tanawin. Sarap ihinto ang oras at manatili sa ganung posisyon kung saan hawak ko ang mundo ko. Ang taong dahilan kung bakit ako masaya kahit sa munting bagay. Ang taong isa sa pinag kukuhanan ko ng lakas para lumaban. Ganun ba talaga? Pagkatapos ng saya may lungkot na kasunod? Hindi ba pwedeng pag bigyan manlang ang kahilingan? Sanay sumaya kahit minsan.

"Magpahinga ka muna Ariane. Kumain kana ba?"

Hindi ko alam ang isasagot sa bawat tanong nila sa akin. Yung isip ko halo halo na at di ko na alam ano uunahin. Kanina pa ako naka titig sa sahig at tahimik. Hindi ko alam saan magsisimula. Gusto ko magpahinga at sana kinabukasan ay panaginip lang lahat ng ito. Ewan ko nanghihina ako kada oras. Di ko alam kung saan ako aabutin?

"Ariane anak hatid ka muna nami----"

"Ayoko"

"Pero anak....."

"Hindi ko iiwan si Drake dito Ma"

Dinala namin sa hospital si Drake kanina. Saktong pag uwi namin sa bahay nila ay bigla itong nawalan ng malay at dumugo ang ilong. Kulang nalang sasagasaan ko lahat para lang madala ko si Drake sa Hospital. Kinakabahan ako sa kung ano man ang mangyayare sa kanya. Parang hindi ko pa kaya na maiwan.

"Anong sabi ng Doctor Ate Dainne?"

"Wala pa ang Doctor, mag hintay nalang muna tayo"

"Ayos lang naman siya diba?"

Hindi ako sinagot ni Ate at iniwas niya ang tingin sa akin. Napa yuko ako at unti unting naiyak dahil sa sitwasyon ni Drake. Naramdaman ko nalang na tumabi sakin si Amanda at niyakap ako para kumalma.

"Para ka namang sira mag isip Arianne. Syempre ayos lang siya, si Drake paba? malakas pa kay satanas yun"

Hindi nalang ako nagsalita at nanatiling tahimik. Para akong walang buhay na ang tanging ginawa ay huminga nalang.

"Anak may naghahanap sayo." Tawag ni Mama sa akin.

Napa bitaw ako sa pagkakayakap kay Amanda at hinarap si Mama. Galit na may kasamang pag aalala ang nakikita ko sa mukha niya.

"Sino Ma?"

"Si....Leo nasa labas at hinahanap ka."

"Ginagawa naman ng lalaking yun dito?" Galit na sambit ni Amanda.

"Sige po Ma."

Tumayo ako at inayos ang damit ko.

"Saan ka pupunta Ariane? Kay Leo? At bakit?"

"Baka may importanteng sasabihin lang Amanda. Pupuntahan ko lang saglit. Kung ano mang balita ay agad na tawagan mo ako." Malamyang sabi ko.

"Ariane!"

"Okay lang ako Amanda. Walang mangyayare sa akin."

Hindi ko na pinakinggan pa si Amanda at naglakad na ako paalis. Pag labas ko ay agad ko nakita si Leo. Nakasandal ito sa kanyang sasakyan at itim lahat ang suot nito.

"Anong kailangan mo? Hinahanap mo daw ako?"

"Pwede bang sa loob tayo ng sasakyan mag usap?"

"Bakit? Importante ba talaga?"

"Parang ganun. Promise wala akong gagawing masama."

Wala na akong nagawa at sumunod nalang sa kanya. Pinag buksan niya ako ng pinto saka siya pumasok sa kotse. Mabuti nalang at naka on ang aircon dahil medyo naiinitan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon