Ariane P.O.V
Sa mga sumunod na araw ay kasabay na namin si Drake pag kumakain kami ni Amanda. Naging malapit na din siya samin. Hindi naman siya mahirap pakisamahan. Gaya ngayun nasa canteen kaming tatlo kumakain at nag kukwentuhan.
"Ikaw Drake anong gusto mo na kunin balang araw?" tanong ni Amanda
"Since yung ate ko na ang tumutulong sa Dad ko. Magdodoctor nalang ako" sabay tawa niya
"Yun pala namamahala ng negosyo niyo? " tanong ko.
"Oo. Busy ang isang yun kaya hindi nakasama nung dinner natin nung nakaraan."
"Dinner? Kailan nangyari yun?" Sabay ngisi ni Amanda sakin. May iniisip na naman yata to na hindi maganda.
"Matagal na" ako na ang sumagot sabay binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Ang alam ko lang kasi Drake magkakilala ang mga parents ninyo. Di ko naman alam na may pa dinner pala" sabay tawa niya. Tumawa nalang din si Drake.
"That was long time ago. Hindi ko nga alam na magkakilala ang pamilya namin"
"Sanaol napa aga ang meet the parents"
Nabilaukan ako sa sinabi ni Amanda. Alam ko kung ano ang simasabi niya. Itong babae talaga. Mapapatay ko na itong si Amanda. Pigilan niyo talaga ako, papatayin ko to.
"Ok ka lang? Ito tubig inumin mo" sabay hagod ni Drake sa likod ko.
Hagod lang yung ginawa niya pero ang laking impact sakin. Napatingin tuloy ako sa kanya na may pagaalala sa kanyang mukha. Kasalanan talaga to ni Amanda kung ano ano pinagsasabi.
"Ahermmm" sabay ubo ni Amanda "ok ka lang friend. Awwww Drake nabilaukan din ako." tanong niya sakin habang tumatawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Inumin mo yang tubig mo Amanda." Sagot ni Drake
"Sabi ko nga e. Salamat sa paalala Drake"
"ARIANE!"
"Naku naman. Kay ganda nga naman ng lahi mo Ariane. Gusto ko yang karisma mo sis."
Napalingon ako kung saan galing ang sigaw. Nakita ko groupo nila Leo na papunta sa mesa namin. Jusko ngayun pa talaga kami magkikita. Maayos ba mukha ko?
"Anong nangyare sayo te? Para kang natatae na ewan jan" sambit ni Amanda sakin.
Nang makalapit na si Leo sa table namin ay napatingin siya sa katabi ko. Magka kilala ba silang dalawa?
"Drake?" Tawag niya sa katabi ko na nakayuko at kumakain.
"Anong ginagawa mo dito pre?" Tanong ni Drake
"Gago ka ako dapat magtatanong niyan sayo. Anong ginagawa mo dito?" Sabay upo ni Leo sa tabi ko. Yung iba naman niyang kasama ay nasa tabing mesa namin.
"Hindi ba nasabi sayo nina Jason na dito na ako nag aaral?"
"Wala silang nabanggit sakin. Sana sinabi mo na nandito ka nag aral para nakapag bonding tayo" masayang sabi ni Leo
Magkaibigan pala ang dalawang to. Ang liit ng mundo nga naman.
"Magkaibigan kayong dalawa?" Ang tanga naman ng tanong ni Amanda.
Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Di ako mapakali na katabi ko si Leo kinakabahan ako. Si Amanda naman kanina pa nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...