Drake P.O.V.
Hindi ko talaga inaakala na hahalikan ako ni Ariane. Nagbibiro lang naman ako pero nagdadasal ako na sana maging totoo. Ayun natupad naman.
"Ang saya natin cap. Pinuntahan lang ng jowa" pang aasar sakin ng kasamahan ko
"Gago Cap label muna oi hahahaha" singit ni Dether
"Mas mabuti ng ikaw at si Ariane ang magkatuluyan. Ayaw ko kay Leo tarantado ang isang yun"
"Oo nga. Sa ganda ni Ariane nagawa niya itong lokohin?"
"Kung ako yun. Pinatay ko yun."
Ang dami nilang sinabi tungkol kay Leo. Halos lahat ng ka team namin galit kay Leo dahil sa ginawa niya. Di ko naman inaasahan na ako ang ipalit sa pwesto niya. Umalis na ang gagong yun nasa ibang bansa na. Wag na wag talaga siyang babalik baka mapatay ko siya.
Pagkatapos ko mag bihis ay lumabas agad ako. Nakita ko si Ariane na nakaupo at naghihintay sakin. Di kita titigilan hangga't di ka naging akin.
"Sorry natagalan ako sa pagbibihis. Nag kwentuhan pa kasi kami"
"Tara na." Sagot niya sakin.
Habang naglalakad kami ay gusto ko hawakan ang kamay ni Ariane. Di ko magawa baka kasi magalit siya. Nasa unahan ko siya at nasa likod niya ako.
"May problema ba Drake? Bakit di ka sumasabay sakin?" Nagtatakang tanong niya
"Hmm....Pwede ko ba hawakan ang kamay mo?" Napakamot nalang ako sa batok ko.
Hindi sumagot si Ariane siguro nagalit. Gago ka kasi Drake e. Tanong kapa ng tanong.
"Sige lang ok lang sakin" sabay lahad niya sakin nung kamay niya.
Ngumiti ako at di na nagdalawang isip pa. Kinuha ko ang kamay niya. Shit! Kinikilig ako. Lalaki ako pero kinikilig din naman ako. Lakas talaga ng tama ko sayo Ariane. Wala e inlove ako sa kanya.
Pinagbuksan ko siya ng sasakyan "Sakay na mahal na prinsesa" kumindat pa ako sa kanya.
"Mga kalokohan mo talaga. Salamat " sabay pasok niya
"Opss seatbelt please. Ayoko na may mangyare sayo" saka ko sinara ang pinto ng sasakyan at umikot papuntang driver seat.
"Saan mo ako dadalhin?" Tanong niya sakin.
"Secret para happy. Isang lugar kung saan malaya ka sa lahat" sabi ko
May isa akong lugar na gusto puntahan. Pinangako ko na pag nakita ko na ang babaeng gusto ko dadalhin ko siya doon. Matagal ang byahe namin. Kaya huminto muna kami sa isang convenient store para bumili ng pagkain.
"Kumuha ka lang kung anong gusto mo. Ako na bahala mag bayad" sabi ko sa kanya.
Nung sinabi ko na ako ang bahala parang nagsisi ako. Ang dami niyang pinamili. Pero wala yun mahal mo kasi yung tao.
"Ito na lahat ang gusto ko. Medyo kunti lang kinuha ko. " masayang sabi ni Ariane
"Baka kulang pa yan. Mag dagdag kapa. Nahiya ka pa sakin." biro ko sa kanya.
Ayun sinamaan ako ng tingin. Nakakatakot talaga si kumander pag nagalit. Paalala sa mga lalaki pag tinignan ka ng masama sumunod ka nalang.
"Sir ang pogi niyo naman po. Pwede po mahingi cellphone number niyo?"
"Sorry taken na siya. Ako girlfriend niya. Umayos ko kung ayaw mo matanggalan ng trabaho" mataray na sabi ni Ariane naka kapit pa siya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...