CHAPTER 53

29 4 3
                                    

Ariane P.O.V.

Natapos ko na ang summer class ko. Sabay din kami ni Amanda nag enroll sa college. Hindi ako nag dalawang isip na mag doctor ako. Yun ang pangarap namin ni Drake. Ang maka tulong sa ibang tao.

Speaking of Drake. Ito na kami ni Amanda nasa mall kasi bibili ako ng bulalak para kay Drake pati na din cake. Ngayun kasi ang monthsary naming dalawa.

Parang kelan lang ay naging kami ni Drake. Bumabalik sa akin lahat ng alaala naming dalawa. Lahat ng yun ay di ko makakalimutan. Natatawa nalang ako pag yung mga katanagahan moments naming dalawa ang naalala ko.

"Ariane, may pina gawa pala akong banner hehehehe"

"Kelan ka nagpa gawa? Bat di ko manlang alam?" Takang tanong ko.

"Syempre ako pa ba? Sariling desisyon ako sa ginawa ko."

Pagkatapos naming bilhin lang ng kailangan namin ni Amanda ay deretso agad kami sa hospital.

Masaya ako habang dala ko ang bulaklak at cake para kay Drake. Syempre si Amanda naman ang may dala ng iba. Bumili din pala ako kanina ng regalo para kay Drake. Pina customize ko siya ng isang stethoscope at syempre meron din akin. Ang kulay ng kay Drake ay black sa akin ay red at parehas yun may pangalan namin.

"Amanda mamaya dadating sina Ate Dianne diba?"

"Yun ang sabi niya sa akin kahapon. Alam mo bang feeling ko buntis yun si Ate." Usisa ni Amanda.

Nakasakay na kami ng elevator papunta sa 5th floor. Kung saan nandun ang kwarto ni Drake.

"Pano mo naman nasabi? Alam mo dami mo talagang napapansin."

"Gaga! Seryoso ako. Lately napapansin ko na parang palagi siyang nahihilo at parang nasusuka."

"Malay mo masama lang pakiramdam ng tao. Ikaw talaga Amanda."

"Ah basta naniniwala ako na buntis si Ate"

Pag dating namin sa room ni Drake ay binaba ko ang mga dala ko at lumapit kay Drake. Isang puno ng pagmamahal ang binigay ko sa kanyang halik kasabay ng pag bulong ko sa kanya.

"Happy monthsary love. Mahal kita."

"Ang kalat ng paligid. Gumising kana kasi Drake." Sabay irap pa nito.

Natawa nalang ako at inayos ang kumot ni Drake. Hinahaplos ko ang buhok niya. Tela ang himbing ng tulog ni Drake.

"Ariane alis muna ako kasi may pinapagawa si Daddy sa akin."

"Sige ingat ka."

Naiwan ako kasama si Drake sa isang kwarto. Kinuha ko ang cake at sinindihan ko ang kandila nito. Naka pikit ako habang nag dadasal na sana maging okay na ang lahat. Pag bukas ng mata ko ay siyang pag ihip ko sa kandila. Binalik ko sa lamesa ang cake at lumapit ulit kay Drake.

"Alam mo ba Love may regalo ako sayo?" Masayang sambit ko.

Maligaya akong kinuha ang dalawang box na dala namin kanina ni Amanda. Una ko na binuksan ay yung sa kanya. Tuwang tuwa ako habang pina pakita ko ito sa kanya.

"Nagpa gawa ako ng stethoscope Love para sa ating dalawa. Diba sabi mo sabay tayong magiging doctor? Ito na Love." Bigla nalang tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan gamit ang tissue. Nagpa tuloy ako sa pag sasalita. "Tagal mo kasing magising Love eh. Kita mo tong stethoscope na binili ko para sayo? Wag ka Love customize ito. Galing ng girlfriend mo no? Syempre alam ko naman na proud ka sa akin eh. Ako kaya ang pinaka maganda, mabait, matalinong girlfriend na meron ka." Again tumulo na naman ang luha ko. This time di ko na talaga mapigilan pa.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon