Ariane P.O.V
Ang saya namin habang kumakain. Puro tawanan ang naganap sa dinner namin. Napadami din ako ng kain dahil ang sarap ng pagkain. Yung katabi ko naman ay tumatawa din.
"Alam niyo bagay kayong dalawa Drake at Ariane" sabay kaming nabilaukan ni Drake sa sinabi ni Ate Dianne.
"Pinagsasabi mo jan ate" inis na sabi ni Drake
"Ay bet ko yan ate Dianne. Wow naman kuya galit na galit ka niyan?" pagsang ayon ni Honey
Napatingin nalang kami ni Drake sa isa't isa. Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Namumula din ang tenga niya.
"Naku ate mag kaibigan lang po kami ni Drake" sagot ko.
"Ahh really? Magkaibigan lang kayo Drake? " sabi ni Ate Dianne
Bakit parang kakaiba yung tingin ni ate Dianne samin? Yung ngiti niya ay nakakaloko. Ano kayang iniisip ni Ate di ko siya mabasa base sa kilos niya.
"Magkaibigan lang kami" sagot ni Drake
"Parang nahihirapan ka pang sabihin ah. Mabait ba sayo itong kapatid ko Ariane?" Tanong niya sakin. Kinabahan naman ako sa titig ni Ate Dianne.
"Oo naman po Ate Dianne. Sa katunayan nga po Top 1 siya sa room namin" sabi ko
"Ikaw Ariane pang ilan ka?" Tanong niya ulit sakin.
"Top 2 po" Nakakatakot din minsan to si Ate Dianne. Magseseryoso tapos biglang tatawa. Naka rugby ba siya?
"Wow. Bagay talaga kayong dalawa. Right Drake?"
Dahil sa sinabi niya nabulunan si Drake. Sakto naman at umiinom ito ng juice. Bakit ba kasi niya pinipilit na bagay kami ni Drake?
"Tama na yan Dianne naiilang na mga bata sayo. Naku buti pa Dianne ayusin mo lovelife mo. Ang tanda mo na wala ka pang boyfriend" natatawang sabi ni Tita Rhea.
Di ako makapaniwala. Sa ganda ni Ate Dianne wala pa siyang boyfriend. Kung lalaki lang ako niligawan ko na ito.
"So saan niyo balak mag bakasyon. Malapit na sembreak ng mga bata." Sabi ng Tito Alexander ang Daddy ni Drake
"Kung mag beach kaya tayo. May private Island kami" sabi ni Tita Rhea.
Napa wow nalang ako sa isip ko. Sanaol talaga may Island. Sa ganda ba naman ng bahay nila malamang kaya nila bumili ng Island.
"Good na ideya yan Rhea matagal na din akong di nakakakita ng dagat" masayang sabi ni Mama
"Ipapatawag ko na ba ang mga barkada natin Alex?" sambit ni Papa
Nakinig lang ako sa pinag uusapan nila. Gusto ko din makakita ng dagat. Napatingin ako kay Drake at nakatingin din pala ito sa akin.
"Ok lang ba sayo na sa Island namin mag bakasyon?" Tanong niya sakin
"Oo naman. Isa pa matagal na akong hindi nakakita ng dagat. " sabi ko "Ang yaman niyo pala. May private Island pa kayo." pabirong sabi ko.
"Naka luwag luwag lang sa buhay" pa humble na sabi niya.
Nakaluwag luwag? Jusko gate palang ng bahay niyo nakakahiya ng hawakan. Pa humble naman siya.
Natapos ang kainan namin ng masaya ang bawat isa. Nagpa iwan ako dahil gusto ko makabawi kay Drake.
"Mamaya nalang ako uuwi Ma. Malapit lang naman" paalam ko kay Mama
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...