Ariane P.O.V.
Napuno ng iyakan ang buong silid. Naka yakap padin ako Drake. Hinihila na ako ni Amanda. Dama ko din ang kalungkutan niya.
"Ariane...tama na." Pagmamakaawa niya habang umiiyak.
"Anak please..."
"Sa-sabi mo sabay tayo eh..." Iyak na sabi ko.
Ilang saglit ay may naramdaman ako. Napa alis ako sa pagkakayakap kay Drake dahil sa gulat ko. Namilog ang mga mata ko at tumingin sa pamilya ko.
"Anak anong problema?" Takang tanong ni Mama.
"Ma...na-naramdaman ko si Drake...yung puso niya Ma.....tumibok ma" natatarantang sambit ko.
"Ariane alam namin na mahal mo si Drake pe----"
Bakit ba hindi sila naniniwala sa akin? Nagsasabi ako ng totoo.
"Naramdaman ko nga si Drake na---"
"Drake?" Gulat na sambit ni Ate Dianne at umiyak.
Napa lingon ako sa likuran ko. Napatakip ako ng bibig ko at nanlambot ang mga tuhod ko. Bumagsak ako sa sahig at di maka paniwala sa nangyare. Hindi ko na alam ang sunod na nangyare dahil bigla nalang umikot at dumilim ang paningin ko.
Nagising nalang ako na puro puti ang nakikita ko. Nakaramdam ako ng pananakit sa kaliwang kamay ko. Pag tingin ko ay naka swero ito. Napa baling ang tingin ko sa taong natutulog sa tabi ko at si Amanda pala ito. Bigla nalang siyang nagising at napatingin sa akin.
"Ariane...kumusta ang pakiramd---"
"Si Drake?" Deretsong tanong ko.
Hindi siya sumagot at nanatili siyang nakatingin sa akin. Ilang saglit ay bigla siyang umiyak at niyakap ako. Napa tanga ako nalang ako sa kawalan. Di ko alam kung ano ang gagawin. Kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Bumitaw sa pagkakagakap sa akin si Amanda at hinawakan ang kamay ko at tumingin siya sa akin.
"Ariane....Si Drake....buhay siya."
"Buhay siya"
"Buhay siya"
"Buhay siya"
"Buhay siya"
Paulit ulit ko na naririnig ang sinabi ni Amanda. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng saya. Sa sobrang saya ko ay napa hagulhol ako ng iyak.
"Hindi namin alam kung paano nangyare. Ariane buhay si Drake babalika---"
"Nasaan siya?" Putol ko na tanong kay Amanda.
Di ko na pinakinggan pa si Amanda at dali dali ko na hinila ang naka kabit sa akin na dextrose. Nagmadali akong lumabas ng silid ko at hinanap kung nasan ang room ni Drake.
Alam ko na naka sunod si Amanda sa akin. Hindi ko na alintana ang mga taong nakatingin sa akin. Sabihin na nilang mukha akong baliw wala akong paki alam.
"Ariane!"
Napatigil ako sa paglalakad ng may humila sa kamay ko. Pag tingin ko ay si Ethan pala ito. Mas lalo akong naiyak na tela ba isa akong kaawa awang nilalang sa mga oras nato.
"Ethan please sabihin niyo kung nasan Si Drake." Pag mamakaawa ko.
"Ariane, tumayo ka na jan at dadalhin kita kung nasan siya. Sana wag ka mabigla sa kung ano man ang gawin niya."
Nalilito ako sa sinabi ni Ethan pero di na mahalaga kung ano man ang ibig sabihin niya. Ang gusto ko ay makita siya ngayun.
Dinala niya ako kung asan naka stay si Drake. Puno ng kasiyahan ang aking puso. Hindi na ako makapag hintay na makita ulit si Drake.
"Alis kana Ethan kaya ko naman to. Salamat sa pag hatid sa akin." Masayang sabi ko.
"Sige ikaw bahala. Ariane tandaan mo itong sasabihin ko. Alam ko na matatag ka. Sana malagpasan niyo ni Drake ang lahat ng ito."
Pagka alis ni Ethan ay inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipihit ang doorknob. Nang mabuksan ko na ay pumasok na ako. Nakaka binging katahimikan ang sumalubong sa akin.
Agad ko napansin ang isang imahe ng isang tao na naka upo sa kama habang naka tingin sa bintana. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Pagkalapit ko ay agad ko siya niyakap. Nasa likuran niya ako at damang dama ko na si Drake ang taong kayakap ko.
"Salamat at gising ka na. Alam mo bang hininta----"
"Bitawan mo ako." Aniya niya sa isang malalim na boses.
Nagulat ako dahil sa lalim ng boses na narinig ko. Nakayakap padin ako sa kanya. Maya maya ay siya na mismo ang nagkalas sa mga kamay ko.
Para akong na statwa dahil sa nangyare. Naka tayo ako sa likuran ni Drake at puno ng katanungan ang utak ko. Bigla siyang humarap sa akin. Yung tingin niya ay di ko maintindihan.
"Sino ka?"
"Ako to Drake. Ako to si Ariane na girlfriend mo."
"Pasensya kana. Ngayun ay wala akong maalala. Kahit ang pangalan ko ay di ko tanda."
Ito ba ang ibig sabihin ni Ethan kanina? Hindi ako maalala ni Drake o mas magandang sabihin na hindi niya kami naalala? Anong katarantaduhan na naman to? Kung talagang di niya kami naalala ay dapat gumawa ako ng paraan para manumbalik ang alaala niya.i
"Pero....." Pilit na sambit ko.
"Ano?"
"Kaya...ko namang ipaalala sayo."
Gusto ko umiyak pero pinipigilan ko. Ngayun na alam ko na buhay siya at nasa mabuting kalagayan ay napanatag ako.
"Umalis ka nalang. Gusto ko---"
Bago pa siya makapag salita ay dali dali akong naglakad papunta sa kanya. Agad ko nilagay ang mga braso ko sa leeg niya at hinila siya papunta sa akin at hinalikan siya.
Ilan saglit ay nagkusa na akong bumitaw. Napatitig ako sa mukha ni Drake at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko din na yumakap siya pabalik sa akin. Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at dinadama ang maiinit niyang yakap.
"Wala akong maalala sa mga nangyare. Pero bakit? Bakit parang pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito? Sino ka ba sa buhay ko noon?"
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Kinuha ko ang mga kamay niya at hinalikan ito.
"Alam ko balang araw maalala mo din ako. Maghihintay ako Drake gaya ng pag hintay mo sa akin noon." Nagmumukha akong desperadang babae pero wala na akong pake.
Kaya ko maghintay Drake kung para sayo. Kung noon ikaw ang naghintay sa akin ngayun naman ako ang maghihintay sayo. Aayusin natin to ng magkasama tayong dalawa.
"Kailangan ko na mag pahinga."
"Sige mag pahinga ka na. Andito lang ako babantayan ka."
Pinahiga ko na siya at kinumutan. Masyadong malakas ang aircon kaya pinahinaan ko ito. Mabilis din nakatulog si Drake dahil yata sa gamot.
Ang himbing ng tulog niya at ang amo niya tignan. Parang ayoko na umalis sa tabi niya. Gusto ko nalang mag dikit ang mga palad namin para di kami maghiwalay pa.
"Maalala mo din ako Love. Hihintayin kita."
Sabi nga nila walang binigay ang Panginoon na challenge kung di mo kayang lampasan. Kaya ko hintayin kung kelan babalik ang alaala ni Drake. Hinaplos ko ang buhok ni Drake at isang halik ang ginawad ko sa noo niya.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...