CHAPTER 35

41 7 8
                                    

Ariane P.O.V

Andito kami ngayun sa isang mesa at kumakain ng pagkain na dala ni Amanda. Hindi mainit banda sa inuupuan namin dahil sa mga kahoy.

"Drake wag mong galingan mamaya sa laro." Sabi ni Amanda.

"Bakit naman? " takang tanong ni Drake

"Para manalo kami ni Ariane. Alam mo na Drake"

"Tumahimik ka nga Amanda. Pabayaan mo si Drake sa gusto niya." Saway ko sa kanya.

"Gustuhin ko man ay parang di parin mangyayare yun. May mga matatalino din sa groupo namin." Sagot ni Drake.

"Sige na nga wag nalang. Iba nalang pag usapan natin. Anong gagawin niyo pagkatapos ng camping natin?" Tanong ni Amanda.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Gaga pagbalik natin isang linggo nalang at exam na naman. Pagkatapos ay sembreak na. Isang week din yun"

Oo nga naman. Pagbalik namin sa school ay isang linggo nalang at exam na ulit namin. Pagkatapos nun ay bakasyon na.

"Diba pupunta tayo sa isla namin? Napag usapan na ito ng pamilya natin?" Tanong ni Drake at nakatingin sakin.

"Oi sama niyo ako. Wala akong magawa sa mga araw na yun. Gusto ko sumama sa inyo please naman. Family niyo na din ako." pagmamakaawa ni Amanda.

"Drake sama daw siya. Psasamahin ba natin?" Pabirong sabi ko.

"Luh Ariane. Tumigil ka hindi sa inyo ang isla na yun. Lunurin kita sa tubig kita mo." Asar na sabi ni Amanda

"Pwede naman Amanda. Para naman may kasama din si Ariane doon." Sagot ni Drake.

"Kita mo Ariane? Ayaw mo lang akong isama eh. Bakit takot ka na sabihin-----"

Dali dali akong tumayo at tinakpan ang bibig ni Amanda. Ang babaeng talaga na ito ipapahamak pa ako. Sarap tahiin ang bibig.

"Tumigil ka kung ayaw mo na sabunutan kita" bulong ko sa kanya at sabay alis ng kamay ko sa bibig niya.

"Ang baho ng kamay mo. " reklamo niya

"Bakit? Ano bang meron?" Tanong ni Drake.

"Wala Drake. Ano kasi gusto naming maghanap ng lalaki ni Ariane doon sa isla." Nakangiting sabi ni Amanda.

Dahil sa sinabi ni Amanda ay nagbago ang aura ni Drake. Naka kunot ang noo at seryoso ang pagmumukha.

"Maghahanap kayo ng lalaki ni Amanda?" Tanong ni Drake sakin.

Punyetang babaeng ito kakalbuhin ko talaga siya mamaya. Mali itong iniisip ni Drake. Putangina mo talaga Amanda.

"Ahemm......alis muna ako. Maglilibot lang ako babye" sabay takbo paalis ni Amanda.

"Sagutin mo ako Ariane. Maghahanap ka ng lalaki? Di ba ako sapat? May kulang ba sakin?" Malungkot na tanong ni Drake.

Nataranta na ako ng biglang may tumulong luha galing sa mga mata nito. Punyeta ka Amanda. Wag kang magpakita saking animal ka!

"Drake wag ka maniwala kay Amanda. Hindi totoo yun. Di ako maghahanap ng iba" sabay hawak ko sa mukha niya.

"Ariane seryoso ako sayo. Ni minsan di ko naisip na bitiwan ka. Ariane pinangako ko na ako ang bubuo sayo. " naka dungo na si Drake at umiiyak.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inangat ko ang mukha niya. Pinunasan ko ang luha niya.

"Shhh....wag kana umiyak. Huwag kang maniwala kay Amanda. Di ako maghahanap ng iba. Maghintay ka lang Drake malapit na" sabay yakap ko sa kanya.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon