CHAPTER 36

51 8 22
                                    

Ariane P.O.V

last day na namin dito sa camping namin.  Dahil last day narin naman namin ay pwede kaming lumabas sa camp site. May mga paninda daw na souvineer malapit sa campsite namin. Bilin lang ng teacher namin ay bumalik kami agad dahil may boodle fight pa kami mamaya pagkatapos ay mag imapake na kami at aalis na.

"Ang ganda ng head band na ito. Bagay sa inyong dalawa." Sabi ni Amanda na may hawak na dalawang headband na may heart na design.

"Try natin Drake." Yaya ko kay Drake.

"Akin na Amanda. Ako na magsusuot saming dalawa" sabay kuha ni Drake sa headband at sinuot sakin ang isa at ang sa kanya.

"Bagay ba sakin?" Tanong ko kay Drake.

"Bagay ang lahat sayo" sagot niya at ngumiti.

"Hirap maging third wheel no? Buti nalang mahal ko kayong dalawa. Sige na picturan ko kayong dalawa" sambit ni Amanda. Agad naman kaming nag pose ni Drake.

"Ang gwapo ng guy"

"Oo nga pero girlfriend niya ba yung nasa tabi niya?"

"Di sila bagay. Mas maganda pa naman ako sa girl"

"Baka Kapatid niya. Ang liit kasi"

Tinignan ko ang mga babaeng nag uusap. Bigla nalang itong lumapit sa amin.

"Anong kailangan niyo?" Mataray na tanong ko sa mga babae.

"Sorry miss hindi ikaw ang pinunta namin dito." Sagot ng babae sakin. Nasa mga apat silang lumapit samin.

"Kuya pwede po mahingi number niyo? Pwede din po ba makipag picture sayo? Ang gwapo niyo po kasi" sabi nung babae na may pulang lipstick at kilig na kilig.

"Ano kasi.....uhmm.." napakamot si Drake ulo niya.

Anong ginawa ni Drake? Binigyan ko siya ng masamang tingin. Yung tingin na tatagos papunta sa likod ng ulo niya.

"Hoy! mga babaeng hindi nabiyayaan ng ganda. Bakit kayo andito?" Singit ni Amanda.

"Excuse me lang miss? Di ikaw ang pinunta namin dito. Itong si kuya ang kausap namin."

"kuya ano na? Pwede po ba? Wala ka naman po sigurong jowa diba?"

Nag init bigla ang ulo ko "Isa pang tanong niyo at ipapatikim ko sa inyo kung paano masampal ng 360 degrees." Sambit ko.

"Ano bang problema mo?! Kanina ka pa."

"Naku mga te. Wag niyo subukan ang isang yan. Baka mamaya paglamayan kayo" banta ni Amanda at tumawa.

"Sino ako? Ako lang naman ang...." putakte ano nga ba kami ni Drake? Mapapahiya pa ako ng wala sa oras nito.

"Siya ang asawa ko. Kaya sorry girls taken na ako." Sagot ni Drake at nakaabay ito sakin.

Nakatingin lang ako kay Drake na may malaking ngiti. Proud na proud siya sa kanyang sinabi. Samantalang ako ay lakas ng tibok ng puso ko. Andame ko kaagaw sayo......

"Ano pang hinihintay niyo? Pasko? Umalis na kayo bago ko pa kayo barilin mga deputa!" Inis na sabi ni Amanda.

Nagsi alisan na ang mga babae. Kami namang tatlo ay pinagpatuloy ang pag gagala. Iniwan kami ni Amanda dahil gusto niya makapag solo kami ni Drake na kami lang dalawa.

"Try natin magpa picture." biglang sabi ni Drake.

Nasa isang photo booth machine kami ngayun. Kanina pa kami magka hawak kamay. Nahihiya nanga ako dahil water bender pa naman ang isang tulad ko.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon