Ariane P.O.V
Masarap magmahal. Yun bang gigising ka sa umaga ng may ngiti sa labi. Araw araw mo naalala na may isang tao na nagmamahal sayo ng sobra.
Yun bang kahit mag sandok ka lang ng kanin ay tumatawa ka ng di mo alam ang dahilan. Pag nanonood ka ng movie ay bigla kang napapangiti at naiisip ang isang tao.
Pero pano pag nasaktan ka? Kakayanin mo ba yung sakit?
"I love you Eva"
Nakatalikod na ako at handa na humakbang ng marinig ko ang boses ng lalaki. Humarap ako sa kanila. Napalunok ako ng ilang beses pakiramdam ko napaka liit ng lugar na kung nasan ako at di ako makahinga ng maayos.
"L-L-Leo" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
Parang karera nagsi unahang lumabas ang mga luha ko. Mas lalo pa akong naiyak nung humarap sakin ang taong mahal ko. Halata sa mukha niya ang pagtataka.
"Ariane let me ex------"
Pagkalapit niya ay sinampal ko agad siya. Wala na akong ibang maisip sa ngayun. Gusto ko nalang umalis sa lugar na ito.
Panaginip lang to diba? Hindi to totoo.
"Ariane please let me ------"
Isang sampal na naman ang iginawad ko sa kanya. Nakayuko na si Leo ngayun sa harapan ko.
"The fuck! Ano bang problema mong babae ka? Bigla bigla ka nalang nananampal jan! " galit na sabi nung Eva
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ito ba ang babae ni Leo? Kaya pala sabi niya may pupuntahan siya. Ito ba ang ibig niyang sabihin. Napaka halaga naman ng pinuntahan niya.
"Sino ka?" Kahit alam ko na ang sagot ay nagtanong padin ako.
"Girlfriend ako ni Leo. Ikaw sino ka? Bigla bigla ka nalang nananampal."
Girlfriend? E, ano ako?
Napaatras nalang ako. Nanginginig na ang tuhod ko. Buti nalang at inalalayan ako ni Drake.
"Ayoko ko dito Drake. Please ilayo mo na ako dito." bulong ko sa kanya.
"Aalis tayo. Nandun na ang sasakyan ko sa labas pinadala ko kanina pa"
Binuhat ako ni Drake. Hindi ko na kaya pang manatili dun. Alam ko na nakasunod samin si Leo. Kumapit nalang ako sa leeg ni Drake at umiyak. Pagkalabas namin ay agaw atensyon kami.
Pagkapasok ni Drake sakin sa sasakyan ay siya naman pag sulpot ni Leo.
"Ariane please let me explain. Open the door Ariane.....babe open the door." pagmamakaawa ni Leo
"Tara na Drake" walang emosyong sabi ko.
Pinaandar na ni Drake ang sasakyan. Biglang humarang si Leo sa harapan at muntik masagasaan. Bababa sana si Drake pero pinigilan ko siya at ako nalang ang bumaba.
"Ano ka ba?! Magpapakamatay ka ba?!"
"Ariane please let me explain" nakayakap na siya sa paa ko at nagmamakaawa
"Ano pang kailangan mo e explain. Nakita ko na kanina ang lahat." Tumulo na naman ang luha ko "Minahal kita Leo pero bakit? Bakit mo nagawa to sakin? Sabi ko naman sayo diba? NA WAG NA WAG MO AKONG SAKTAN!" Di ko na napigilan at umiyak na ako.
"Ariane kasi......"
"ANO?! PUTANGINA NAMAN LEO. MINAHAL KITA AT TINANGGAP KA NG PAMILYA KO! BINIGAY KO NAMAN LAHAT AH. KULANG PA BA? PUNYETA KA PALA."
Nagpapasalamat ako at walang tao sa lugar nato at nasa loob padin sila lahat.
"Ariane hindi ko sinasadya. Please give me a chance."
"Sino si Eva?" Sabihin mo sakin na hindi mo siya girlfriend please.
"G--girlfriend ko"
Napatawa nalang ako habang umiiyak "Kailan pa? So habang tayo pa may iba ka? O pinaglalaruan mo lang ako along the way? napaka tanga ko sa part naniwala ako sayo." Napa sabunot nalang ako sa buhok ko.
"Ariane sorry....." umiiyak na si Leo pero mas nanaig sakin ngayun ang sakit.
"Punyetang sorry yan! Kung lahat ng bagay nadadaan sa sorry gago ede sana tuwang tuwa ako ngayun! Magagamot ba ng sorry ang sakit na nararamdaman ko?! Tangina! kung pwede lang tinakpan ko ang mata ko kanina. Kung sana lang di na ako lumapit sa inyo kanina. Di ko sana nakita kung gaano ka gago. Leo..............mahal kita pero......"
Di ko na kaya parang anytime mahihimatay na ako. Naninikip na din ang dibdib ko. Hindi ako makahingi ng maayos.
"Anong ibig mong sabihin Ariane? Please sana hindi tama ang iniisip ko"
"Leo Let's break up" pagkatapos ko sabihin yun ay tumalikod na ako sa kanya.
"No Ariane! Ayoko maghiwalay tayo. Pakinggan mo ako please" nakayakap na si Leo sakin
"Alam mo ba ang masakit Leo? Kahit nasasaktan ako ngayun. May parte padin ng pagkatao ko na nagsasabi. Kailangan kitang pakinggan. Pero Leo sa nakita ko kanina. Siguro di ko na kaya pang magtiwala sayo. Sinira mo ang tiwala ko sayo...."
"Ariane please listen to me" nasa harap ko na si Leo at nakahawak na sa mukha ko.
"Tama na Leo.......please tama na.....nasasaktan na ako. Minsan lang ako nagmahal Leo......minsan lang..."
"Ariane......makinig ka sakin. Hindi kita pinaglaruan. Totoong mahal kita Ariane..."
"Minsan sa buhay natin Leo. May dadating na tao at sasaktan tayo. Sa buhay ko Leo ikaw ang dumating........ikaw din ang nanakit sakin"
Inipon ko lahat ng lakas ko para itulak si Leo. Naging matagumpay naman ako. Nagmadali akong pumunta kay Drake.
"Ilayo mo na ako dito Drake."
"Ariane please......."
Hahawakan sana ako ni Leo pero naunahan siya ni Drake. Si Drake na ngayun ang kaharap ni Leo.
"Pare tama na nasasaktan mo na si Ariane." Sabi ni Drake.
"Bakit ka ba nangingi alam samin?" Galit na sabi ni Leo.
"Gago ka pala e!" Sabay sinuntok ni Drake si Leo "Pre kaibigan kita at kaibigan ko din si Ariane. Anong sabi ko sayo? Ingatan mo siya. Wag na wag mong sasaktan. Pero anong ginawa mo sinaktan mo siya!" Galit na sabi ni Drake.
"Wag kang mangialam samin ni Ariane." Bumangon si Leo sabay suntok niya kay Drake.
Nagpalitan na sila ng suntok sa isat isa. Nag lakas loob akong lumapit sa kanila para paghiwalayin sila.
"Tumigil na kayo! Drake! Leo! Ano ba?!!" Pumagitna na ako sa kanila.
Dahil sa pag aawat ko sa kanila ay natulak ako. Di ko na alam ang sunod na nangyare. Nandilim na ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...