Ariane P.O.V.
It's sabado day kaya maaga akong nagising para mag jogging. Kailangan ko makapag excercise manlang. Para kasing nanghihina ang katawan ko. Nagsuot ako ng sport bra na kulay black at jogging pants na black din. Naka ponytail ang buhok ko para hindi sagabal.
"Anak mag jojogging ka?" Tanong sakin ni mama
"Oo ma babalik lang din ako mamaya iikot lang ako sa village" humalik ako kay mama at sabay alis ko.
Hindi pa mataas ang araw ala sais palang kasi ng umaga. Naka earphone ako yung cellphone ko nasa braso ko may lagayan kasi ako ng cellphone sa braso ko para di hassle sa pag bitbit.
May nakasabayan din akong nag jojogging kaya di ako natakot dahil may kasama ako. Nakatatlong ikot na ako kaya umupo muna ako sa gilid ng kalsada. Kung minamalas nga naman nakalimutan ko mag dala ng tubig.
"Here drink this"
May nakita akong mineral water sa harap ko. Nang inangat ko ang tingin ko si Drake pala nagbigay sakin. Tinanggap ko malamang uhaw na ako . Ano mag iinarte pa ako uhaw ako eh. Mabuti nalang at binigyan niya ako.
"Thank you"sabay balik ko sa kanya nung mineral water.
"You can have it" sabay upo niya sa tabi ko
"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya
Base sa suot niya mukhang nag jogging din siya. Kung di ka rin tanga Ariane, diba? Malamang nag jogging yan. Halatang kanina pa siya nandito.
"Jogging" maikling sagot niya. Madali kausap ang lalaking ito. Kung ano tinanong mo diretso sagot walang paligoy ligoy.
"Ahh ganun ba" maypa tango tango pa ako " saan ka ba nakatira?" Masyado yata akong madaming tinatanong sa kanya sana wag siya mainis sakin.
"Dito..." sagot niya. Saya talaga kausap ng lalaking ito. Sa sobrang saya maiinis ka talaga.
Anong sabi niya dito daw? Ede malapit lang bahay niya sa amin. Tadhana nga naman o di ko alam na kapitbahay ko pala kaklase ko. Di na ako magtataka pa kung bakit mamahalin ang sasakyan niya.
"You mean dito ka nakatira sa village na to?" Paninigurado ko malay mo sa sobrang boring ng buhay niya tumakbo pa siya papunta sa village namin.
"Yeah" makiling sagot niya
"Ah ganun ba. Minsan madali ka pala kausap"akward na sabi ko.
Ano na Ariane?! Paano ko makakausap to ng matino eh ang ikli ng sagot. Hindi pwede isali to sa TWBA baka walang masabi to dun mapahiya lang siya.
"You want to uhmm..." nagaalangang tanong niya
"Ano yun? "Tanong ko sa kanya
"You want to play basketball?" Sabay iwas niya ng tingin sakin.
Basketball lang pala eh. May court kami dito sa village at di lang kalayuan dito sa inuupuan namin. Hindi pa naman ako pagod siguro mamaya na ako uuwi sa amin. Hindi naman masama ang lalaking ito. Sa katunayan kaklase ko naman siya.
"Sure. Tara turuan mo ako kung paano mag basketball" sabay tayo ko.
Gusto ko matuto din mag basketball si fafa Leo kasi baskteball player. You know na para kung magusap kami tungkol sa basketball hindi ako mapahiya. Enebe kinikilig na nemen ake.
Nakarating agad kami sa court na paglalaruan namin. Walang tao na naglalaro kaya swerte namin. Kumuha si Drake ng bola at naghinintay ko siyang bumalik.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...