Ariane P.O.V.
Mas naging malapit pa kami ni Drake. Naka uwi na siya galing sa hospital dahil pinayagan na siya ng Doctor na sa bahay nalang nila mag pahinga.
Mabuti nalang at mag kalapit lang kami ng bahay kaya di ako nahirapan sa pag punta sa kanila. Mas maganda talaga pag ang naging jowa mo kapitbahay mo lang. Malapit na nga hindi ka na gagastos ng mahal para lang puntahan.
Ngayung araw ay napag isipan ko na gumawa ng epasyal para kay Drake. Naghanda ako ng mga kakainin namin pati na yung sasakyan na gagamitin namin. Ako ang magmamaneho. Hindi sana ako papayagan nila Papa pero makulit ako kaya sa bandang huli ay pumayag din sila.
Nilingon ko si Drake."Ready kana sa adventure natin Drake?"
"Saan ba tayo pupunta? Bakit ang daming pagkain sa likod?" Naka kunot noong tanong niya.
"Adventure nga diba? Ako bahala sayo. Maniwala ka lang sa akin."
Ngumiti lang siya sa akin at nag start na ako mag maneho. Sa totoo di ko din talaga alam kung saan ko dadalhin si Drake. Nag search ako sa internet kung saan pwede pumunta na magagandang lugar. May nakita ako na magandang lugar pero di ko alam kung magugustuhan niya.
Nagpa music ako para naman mas lalong gumanda ang atmosphere. Tamang sabay lang ako sa kanta habang nagmamaneho. Panay tawa naman si Drake at kinuha niya ang camera na nasa harapan niya at kumuha ng mga litrato.
"Maganda ba?" Tanong ko.
"As always...."
Napa tingin ako sa kanya bigla. Naka titig siya sa akin at ngumiti. Parang hinaplos ang puso ko ng makita ko ang ngiti niya.
"Wala ka padin bang maalala?" Napalunok ako bigla.
"Wala...."
Parang mali ata ang tanong ko. Biglang tumahimik si Drake at umayos ng upo. Nag fucos ako sa pag mamaneho baka ano pang mangyare sa amin. Minsan ay napupunta ang atensyon ko kay Drake at naka tingin lang ito sa labas ng bintana.
Naka monitor din ako sa cellphone ko kung tama ba ang daan na tinatahak ko. Napangiti ako ng makita ko na malapit na pala kami makarating sa lugar na kung saan ko dadalhin si Drake.
Ilang oras lang din ay narating na namin ang lugar. Pag tingin ko kay Drake ay naka pikit ang mga mata nito. Napatitig ako sa maamong pagmumukha ng mahal ko. Hinihiling ko na sana balang araw maalala mo din ako.
"Kahit tulog ka ay napaka gwapo mo padin." Sambit ko.
Kung kaya ko lang ipa hinto ang takbo ng orasan ay matagal ko na ginawa. Sa bawat oras na kasama ko si Drake pakiramdam ko walang kulang sa akin. Habang minamasdan ko siya gusto ko siya ipag damot sa lahat.
Sa mg oras na to gusto ko nalang na di na matapos ito. Balang araw gusto ko sa pag gising ko bubungad agad sa akin ang mukhang nasa harap ko. Ang lalaking pinapangarap ko.
Lord pwede naman ako maging madamot diba? Kahit ngayun lang lord. Ibigay mo na sakin ang lalaking ito. Gusto ko siya angkinin Lord. Gusto ko siya itago sa isang lugar na ako lang nakaka alam. Sana naman Lord kahit ngayun lang wag niyo po munang kunin si Drake. Hindi ko kakayanin na mawala siya.
"Drake gising na." Malambing na tawag ko sa kanya.
"Andito na ba tayo?" Tanong niya at napa titig sakin.
Agad ako bumalik sa maayos ko na pag upo.
"Andito na tayo." Pilit na pinapa saya ang boses ko.
Gusto ko umiyak sa mga oras na ito. Pinipigilan ko na maiyak dahil kasama ko siya. Ayoko na makita niya akong mahina. Gusto ko na malaman niya na malakas ako.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...