Ariane P.O.V.
Binuhos ko ang atensyon ko sa pag aaral pagdating ng linggo. Wala akong sinayang na oras sa pag aaral. Para maging handa ako sa exam. Iniiwasan ko na isipin ang nagyari nung sabado.
Pag pasok ko palang kaninang umaga ay di na ako mapakali. Panay tanong si Amanda sakin kung ano ba daw problema ko. Mas lalo akong hindi mapakali nang pumasok si Drake. Di ako makatingin sa kanya palagi akong umiiwas. Pinagdadasal ko na sana nakalimutan na niya ang nangyare.
Saktong pag tunog ng bell ay tapos na ako at si Amanda din. Pinasa na namin ang test paper namin. Hinila ko agad palabas si Amanda papuntang canteen.
"Ano ba?! Anong problema mo?! Kanina ka pa di mapakali. Ano bang nangyayare sayo ah?" Sunod sunod na tanong niya.
Lunch ngayun pero kunti lang ang tao sa canteen. Siguro ang iba nag rereview para sa exam. Di ko na kailangan pa na mag review dahil kabisado ko na ang pinag aralan ko.
"Wala naman. Halika na bili na tayo" yaya ko sa kanya.
"Ariane Mendoza. Ano bang problema mo? Kilala kita pag may problema ka hindi ka mapakali. Halata sa mukha mo na parang may iniiwasan ka"naka cross arm siyang nakaharap sakin.
Nang makabili na kami ay naghanap na kami agad ng mauupuan. Doon kami sa pinakadulo yung hindi agad kita ng tao. Pagkaupo namin ay sakto namang pumasok si Drake. Agad akong yumuko para magtago.
"Hoy! Bruha ka! Ano bang problema mo talaga? At bakit parang may pinagtataguan ka?!" Galit na si Amanda sakin.
Ayun sumi sigaw pa nga ang bruha. Lahat tuloy napatingin sa amin pati si Drake. Wala na akong choice kundi sabihin sa kanya. Habang nag kukwento ako sa nangyare si Amanda naman ay may nakakalokong ngiti sa akin. Minsan pa ay pinipigilan niya ang ngiti niya. Nang masabi ko na sa kanya ang lahat ay tinakpan ko ang mukha ko at dumukdok ako sa mesa ko dahil sa kahihiyan. Samantalang ang mabait ko na kaibigan ay tinawanan lang ako maypa hampas pa sa mesang nalalaman.
"Alam mo te? Ikaw lang yung affected sa nangyare. " sabay takip niya sa bibig niya at tumawa "nakita mo nung pumasok siya parang walang paki alam sa mundo te. Tapos ikaw tong nagdradrama jan. Ayos ka lang girl? Masyado mo yatang nagustuhan?" Sakastikong sabi niya at tumawa na naman.
" My God! First kiss ko yun Amanda! Pinangarap ko na mapunta yun kay Leo tapos ganun lang mangyayare. Hindi ko matatanggap" reklamo ko
"Sis ikaw lang tong nagiisip ng kung ano ano eh. Bat di mo nalang kalimutan yun? Move on kana te." Sabay hampas sakin "parang wala nga lang sa kanya eh. Ikaw tong drama ng drama naku sis masyado kang halata" sabay iwas niya ng tingin.
"Halata? Na ano?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Gaga ka kasi tignan mo si Drake parang walang paki sa nangyare tapos ikaw. Kalimutan mo nalang yun. Ang isipin mo ay ang pag papagawa ng banner para kay fafa mo"
Tama nga si Amanda dapat kalimutan ko nalang yun. Uunahin ko nalang si Leo at hindi ang ganun bagay. Alam ko naman na lilipas din ito.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room. Act normal Ariane. Pagkaupo ko ay di ko tinignan si Drake nasa board lang ang tingin ko at tuwid akong umupo. Ang mga kamay ko ay nasa desk ko nakapatong.
"Hoy! Ghurl ano na?" Sabay tawa niya " para kang tanga jan. Ang tuwid mo umupo hahahaha"
Hindi ko nalang siya pinansin. Dumating na ang guro namin at pinamimigay na ang mga test paper. English subject naman kaya nadalian lang ako.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...