CHAPTER 31

38 7 1
                                    

Ariane P.O.V.

Naglakad lakad lang ako dahil nabored ako sa tent mag-isa. Busy ang lahat sa pag aayos. Ang iba naman ay nag uusap lang at nagsisiyahan.

Napadpad ako sa malaking tumpok na kahoy. Siguro may bonfire na mangyayare mamaya. Naging excited tuloy ako.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sa di kalauyan ay nakita ko si Drake na may kausap. Di ko makita ang kausap niya. Lalapit sana ako sa kanila. Napahinto ako sa sunod na nakita ko. Naghalikan silang dalawa.

Di ko alam pero nagsi unahang lumabas ang mga luha ko. Nagtama ang mata namin ni Drake. Napatakip nalang ako ng bibig at tumakbo paalis. May nababangga ako pero wala akong paki alam sa kanila. Ang gusto ko ay makalayo sa lugar na yun. Parang naulit ang nangyare nung gabing yun.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang lugar na walang tao. Napaupo nalang ako sa bato at humagulgol. Yung sakit na naramdaman ko nung gabing nagtaksil si Leo sakin ay mas domoble ngayun.

"Akala ko iba ka sa kanya Drake" sambit ko.

Nakadukdok lang ako sa mga tuhod ko at umiiyak. Alam ko walang makakakita sakin dito dahil lagpas nato sa camping namin. Napa angat ako ng ulo ng may tumawag sakin.

"Ariane"

Pag lingun ko nakita ko si Drake. Mas lalo akong naiyak dahil sa kanya. Naalala ko na naman ang nakita ko kanina. Lumapit siya sakin at umupo siya sa harap ko.

"Let me explain. Mali ang nakita mo kanina" sabi ni Drake.

Pinahid ko ang mga luha. Pilit ko pinpakalma ang sarili ko bago ko siya harapin at kausapin.

"Masarap ba? Nasarapan ka ba?" Tanong ko habang nakatingin sa malayo.

"Anong sinasabi mo? Ariane hindi ganun yun"

Yung mga taksil ko na luha na pilit ko na pinipigilan ay kusang lumalabas.

"Akala ko iba ka kay Leo. Akala ko di mo ako sasaktan. Naniwala ako sayo Drake.............kumapit ako sa pangako mo........kahit di ko alam kung tama o mali ito." napayuko nalang ako at naiyak.

Niyakap ako ni Drake "Shhh wag kana umiyak. Ayoko nakikita ka na umiiyak. " sabi niya sakin habang nakatingin sa mga mata ko na luhaan.

"Anong ipapaliwanag mo? Nakita ko na lahat kanina. Parang naulit lang ang nangyari nung gabing yun Drake. Nasasaktan ako ngayun." sabi ko.

"Yung kanina na nakita mo. Hindi ko hinalikan si Bea siya ang humalik sakin. Nagulat ako sa ginawa niya. Nag confess siya sakin na gusto niya ako pero sinabi ko na may iba akong mahal at ikaw yun Ariane. Di ko kayang magloko sayo." sabi ni Drake Habang nakahawak sa mukha ko

So si Bea pala yung kaklase namin. Akala ko wala siyang interes kay Drake. Tahimik lang ang babaeng yun sa room.

"Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Shit! Totoo ang sinasabi ko Ariane. Di kita kayang lokohin. Nakita mo naman kung gaano ako kabaliw sayo. May picture ka halos sa lahat pati sa bahay at sa cellphone ko. Please wag kana magalit sakin. "

Nalinawan ako sa sinabi ni Drake. Nanguna kasi sakin ang pag dadrama at di ko pinakinggan si Drake. May pa takbo takbo pa akong nalalaman kanina.

"Sorry akala ko kasi........ kagaya ka niya."

"Di kita kayang saktan Ariane. Makita lang kitang umiiyak ay di ko kaya. Alam mo naman na mahal kita"

Niyakap ko si Drake ng mahigpit. Pakiramdam ko nung mga oras na yun mawawala na si Drake sakin. Di ko kayang mawala siya sakin.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon