CHAPTER 23

52 8 1
                                    

Ariane P.O.V.

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Napatigin ako sa kanang kamay ko may dextrose na nakakabit dito. Napatigin ako sa kanan at nakita ko ang isang taong natutulog. Nakadukdok ito sa kama ko. Tinignan ko na mabuti. Si Drake pala ito.

Bigla ko naalala ang nangyare kagabi. Napaiyak na naman ako. Hindi mawala sa isip ko ang paghahalikan nila Leo at Eva.

Bakit mo ako niloko Leo?

Masama ba na magmahal. Bakit napaka unfair naman? Wala naman yata akong nagawang mali. Nagmahal lang ako pero bakit sakit ang kapalit.

"Ayos ka lang Ariane?" Nagaalalang sabi ni Drake.

Napatingin ako kay Drake gising na pala ito. Halata sa mukha nito na nag aalala ito sakin.

"Drake sabihin mo sakin na panaginip lang ang kagabi."

Napayuko si Drake "sorry Ariane. Kasalanan ko ang lahat. Kung di kita niyaya na pumunta sa garden. Siguro di mo sila makikita. Sorry"

"Bakit ka nag sosorry hindi ikaw ang may kaslanan. Salamat pala at nandun ka nung mga oras na yung. Ikaw lang ang masasandalan ko sa mga oras na yun. Nagkapasa ka tuloy." Sabay hawak ko sa mukha niya.

"Malayo yan sa bitukan. Anong gusto mo Ariane. Gusto mo ipagbalat kita ng prutas?"

"Nasan pala sina Mama. Bakit wala sila at ikaw yung nandito?"

"May pinuntahan lang si Tita at si tito naman ay nasa trabaho. Yung kuya mo naman ay nandito kagabi pero hindi na bumalik. Ariane masama ang kutob ko sa kuya mo kagabi"

"Bakit naman? Ano bang sinabi ni kuya?" Kabaong tanong ko.

Alam ko na sobrang overprotected si kuya sakin. Noon paman makita man lang niya na may pasa o sugat ako galit na galit na ito.

"Mukhang pupuntahan niya si Leo. Galit na galit siya kagabi dahil sa nangyare sayo. Di ko siya napigilan bigla nalang siya umalis. Sinabi ko kasi sa kanila kung bakit ka nandito sa hospital at nabanggit ko din ang tungkol kay Leo."

Pagkabanggit ng pangalang Leo naiiyak na naman ako. Bago palang kami ni Leo at wala pang buwan. Tignan mo naman ngayun nasasaktan ako.

Minahal ba ako ni Leo?

O

Pinaglaruan lang niya ako?

"Ariane andito lang ako para sayo." Sabi ni Drake

"Salamat Drake at nandyan ka."

"Ano bang sabi ko sayo? Pag kailangan mo ako pupunta agad ako. Kahit may ginagawa ako pupuntahan kita"

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Kuya Steph. May puting tela ang kamay niya at may dugo ito. Masama ang kutob ko dito.

"Kuya saan ka galing? Bakit may tela ang kamay mo?"

"Diyan lang sa tabi tabi. Naaksidente lang ng kunti. Kumusta na pakiramdam mo? May masakit ba sayo? " Tanong ni kuya at tinignan kung may masakit sakin

"Meron..... kuya" napaiyak nalang ako at yumakap sa kanya "masakit ang puso ko kuya" napahagulgol nalang ako

Hindi ko kayang mag tago ng secret kay kuya. Alam na alam ni kuya kung kailan ako malungkot at masaya.

"Tahan na princess. Andito na si kuya di kana masasaktan ulit. Sorry wala si kuya nung nangyare yun kagabi." Sabi niya at hinagod ang likod ko

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni kuya. Nang kumalma na ako ay tinanong ako ni kuya kung anong nangyare. Sinabi ko sa kanya lahat.

"Putanginang lalaki yan. Makakatikim talaga sakin ang lalaking yan." galit na sabi ni Kuya

"Kuya, anong iniisp mo? Baka mapahamak ka niyan kuya. Pabayaan mo nalang siya kuya. Ayos na naman ako"

"Basta ayos ka Ariane masaya na si Kuya. Ako na bahala sa lalaking yun. Kung iniisip mo na pinuntahan ko siya kagabe ang sagot ay hindi........hindi ko pa siya nakikita. "

Kami lang dalawa ni Kuya sa kwarto na to. Umalis kasi si Drake bibigyan daw kami ni kuya ng time para mag usap na kami lang dalawa.

"Salamat kuya. Sana wag kang gagawa ng bagay na maikakasira sayo."

"Aalis ulit si Kuya may pupuntahan lang ako. Si Drake muna ang bahala sayo" Paalam ni Kuya.

Sakto naman at bumukas ang pinto. Pumasok si Drake na may dalang pagkain.

"Aalis muna ako para makapag usap kayo" sabi ni Drake.

"Wag na Drake aalis din ako. Bantayan mo ang kapatid ko. Mapagkakatiwalaan ba kita?" Sabi ni Kuya at tinap ang balikat ni Drake.

"Makakaasa ka sakin. Mag ingat ka"

Pag alis ni Kuya ay kami nalang dalawa ni Drake ang nandito. Nasa gilid ng kama ko siya at nagbabalat ng apple.

"Ito na Araine kainin mo. Masakit pa ba ang ulo mo? Dumugo yan dahil sa nangyare kagabi"

"Ano palang nangyare kay Leo kagabi?" Di ko mapigilan na di magtanong.

"Ariane kalimutan mo na ang lalaking yun." Seryosong sabi ni Drake.

"Bakit ganun Drake? Ang sakit sakit.......Sabihin mo nga sakin Drake. Mukha ba akong laruan? Madaling sabihin na kalimutan.....pero nahihirapan ako." Nangingilid na ang luha ko habang nakaharap kay Drake.

"Isang malaking gago lang siya at sinaktan ka niya. Wag kana umiyak di kawalan si Leo." Sabay pahid niya sa luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Pero bakit.......Nag kulang ba ako? Panget ba katawan ko?" tanong ko habang umiiyak.

"Gusto mo bang makalimutan ang sakit Ariane?" Tanong ni Drake sakin habang nakatingin sa mga mata ko.

"Gustong gusto ko Drake. Pero paano? Saan ako magsisimula? Gusto ko pakinggan ang side ni Leo. Bakit niya nagawa sakin yun?"

"Shit! Kalimutan mo na ang lalaking yun Ariane. Andito ako sa harap mo. Please lang kalimutan mo na siya......." nakayuko si Drake at naka kuyom ang kamao.

"Anong pinagsasabi mo Drake? Di kita maintindihan" napatigil ako sa pag iyak at napatitig sa kanya.

"Ariane please........kung nahihirapan ka mas nabihirapan ako...." nang angat siya ng tingin sakin at may luha na sa mga mata.

"Drake bakit ka umiiyak? Di kita main-----"

"Ariane.........matagal na kitang gusto. Nung gabing nakita kitang umiyak.........Ariane doble ang sakit na naramdaman ko. Yung babaeng mahal ko ay sinaktan at ginago. Wala akong magawa nung gabi yun. Ariane kung wala lang batas na bawal pumatay. Siguro pinaglamayan na si Leo ngayun."

"Drake kaibigan ki---"

Hindi ko natapos na naman ang sasabihin ko ng nagsalita siya. Salitang nagpagulantang sa buong pagkatao ko.

"Gamitin mo ako Ariane.......Gamitin mo ako para makalimot ka. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Please lang. Ayoko na nakikita kang umiiyak nasasaktan ako.............Mahal na mahal kita"

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon