Ariane P.O.V.
"Tapos na talaga ang exam. Salamat naman" sambit ni Amanda.
"Hoy! Gaga tumayo ka jan. Lakas ng trip mo humiga sa sa damuhan. Aso ka girl?"
Kakatapos lang ng exam namin ni Amanda. Parehas kaming nangingitim ang gilid ng mata kakaaral. Kailan kasi magsipag para makapag tapos. May pangarap ako sa buhay.
"Alam mo sis? Gusto ko nalang matulog sa damuhan." Sabay pikit ng mga mata niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Tumayo kana jan. Mamaya dadating na yun si Drake. Diba pupunta tayong mall? Para bumili ng mga kakailanganin natin sa bakasyon natin."
"Ay hala deputa." Sabay upo niya. Dilat na dilat na ang mata niya.
"Antok na antok ka ba? Wag kang mag alala mag babakasyon na tayo. Sasama ka samin sa island nila Drake. Tulungan mo din ako sa plano ko para kay Drake."
"Anong plano? Para saan?" Naka kamot pa siya sa ulo niya.
"Sasagutin ko na si Drake." Sagot ko at napatakip ng bibig.
"Punyeta ka ghurl. Excited na ako jan." Sabay hampas niya sa braso ko.
"Aray ko naman Amanda. May bakal ba yang kamay mo? at ang sakit mo mang hampas?"
"Ganun ako pag napa sobra sa saya."
"Kaya wala kang jowa eh. Masyado kang mapanakit."
"So? Anong pinalalabas mo Ariane? Porket may Drake ka? Minsan sarap mo pakainin ng sili." Sabay irap niya
Tinawanan ko nalang siya. Nandito kami sa damuhan ni Amanda nakaupo. Dito namin hihintayin si Drake may kinuha lang sa gym. Speaking of Drake. Ito na siya papalapit sa amin. Napaka swerte ko talaga sa lalaking ito.
"Sorry natagalan ako." Bungad ni Drake.
"Okay lang manok. Tara na sa mall. Excited na ako bumili ng kakailanganin ko."
Kay Drake na sasakyan ang gagamitin namin. Kaninang umaga ay sinundo niya ako sa bahay papuntang eskwelahan. Kaya malamang mamaya sa kanya ako sasakay. Sa kotse ako sasakay hindi kay Drake.
"Maganda ba ang Island niyo Drake?" Usisa ni Amanda.
"Sasakay pa tayo sa Yate namin papunta sa isla. Mas maganda kasi ang tanawin pag nag Yate tayo."
"May Yate kayo?" Manghang tanong ko.
"Oo meron. Ginagamit namin pag pumupunta kami sa Isla namin." Sagot ni Drake.
"Naks naman. Yaman niyo pala Drake. Pautang naman ako jan. Parang gusto ko kayong looban ng bahay Drake." Sabay tawa ni Amanda.
Tumawa nalang si Drake sa biro ni Amanda. Nakarating agad kami sa mall. Si Amanda ay excited na bumaba. Naghanap agad ng store na pagbibilhan namin ng Two piece daw namin.
"Ito maganda itong black na criss cross. Ito din maganda din ito. Ito pa Ariane." Si Amanda yan. Panay kuha ng mga swimsuit na nagustuhan niya.
"Amanda hanggang kailan ako bubuntot sayo? Ako na taga tulak ng basket natin. Ang dami mo ng kinuha." Reklamo ko.
"Para sa ating dalawa yan Ariane. Tignan mo itong black swimsuit na ito bagay sayo. Add to cart agad sis." Sabay alis niya at naghanap na naman ng magugustuhan niya.
"Wala ka bang bibilhin?" Tanong Drake na nasa tabi ko na pala ngayun.
"Sa tingin mo? Sa ginagawa ni Amanda. May bibilhin pa ako?" Sabay tawa ko.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...