Ariane P.O.V
"KAYA NINYO YAN! LABAN LANG! WAG PAPA LAMANG!"
Kanina pa ako sigaw ng sigaw. Ang ganda ng laban nina Leo. Shit! Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Taga ibang school ang kalaban nila. Ito kasi yung hindi natuloy na laban kaya na reschedule.
"GO EAST! GO EAST! GO EAST!"
Sigaw ng mga estudyante na mga taga East University, syempre kasama ako dun. May dala pang malalaking drum ang mga band member. May mga cheerdancer din sa baba na sumayaw kada makakapuntos ang team namin.
Malapit na matapos ang laban at 89-79. Lamang ng sampung puntos ang samin kaya malakas ang pananalig namin na mananalo kami.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
"PRRRRRRRRRRTTTTTT"
"YES! WE WIN! WAAAAAAA WE WIN!" Sigaw ko kahit malapit na akong mapaos.
Gustuhin ko mang bumaba para e congrats sina Leo. Di na natuloy dahil dinumog sila ng mga fans nila. Nagtulakan nga yung iba pababa ng bleacher eh natulak pa kami ni Amanda. Bumalik nalang kami ni Amanda sa booth namin. Yung banner iniwan nalang namin sa bleacher.
"Bat ang haba ng pila?" Takang tanong ko kay Amanda
"Abay ewan ko. Kanina halos walang gusto manood e dahil sa basketball"
Ang daming babaeng nakapila at para bang excited sila. Nagpatuloy lang kami ni Amanda sa paglalakad. Pag dating namin sa entrance ay nakita namin si Drake na nagbabantay sa entrance kasama si Mike kaklase din namin.
"Anong nangyayare dito? Andame yata nating customer?" Masayang sabi ko
"Di ko alam sa mga yan. Hindi yata movie ang pinunta kundi si Drake"sagot ni Mike sabay akbay kay Drake.
Sabi nanga ba eh. Alam ko hindi movie ang pinunta ng mga to eh. Kakaiba din trip ng mga taong ito gusto live show. Ngayun lang ba sila naka kita ng lalaki?
"Ate tabi dadaan kami. Masyadong malaki ang katawan mo." sabay hawi sakin nung tatlong babae.
"Ay hala sorry po. Nahiya naman siguro ako sa size 20 ninyong bewang" sarkastikong sabi ko
"Kuya pwede pa picture. Ang gwapo mo kasi. Ngayun Lang kita nakita." sabi nung maikli ang buhok kay Drake. Walang nagawa si Drake kundi ang pumayag pero hindi padin siya nakangiti.
Pumasok nalang kami sa loob para manood. Andameng taong nanonood. Buti nalang full aircondition kaya hindi mainit sobrang lamig panga.
May tumabi sa akin at sa pabango palang niya alam ko na si Drake yun. Tanging liwanag lang kasi ng projector ang nagsisilbing liwanag eh. Horror pa naman ang pinapanood namin.
Maya maya din ang nilamig ako naka croptop lang kasi ako. Pwede naman mag civillian dahil Intrams naman. Niyakap ko nalang ang sarili ko para labanan ang lamig. Malapit kasi kami sa aircon kaya ang lamig.
"Ito kunin mo at isuot mo" sabay abot sakin ni Drake sa Jacket niya. "kanina pa kita nakikita na nilalamig kaya gamitin mo na yan"
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Novela JuvenilAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...