CHAPTER 20

51 12 0
                                    

Ariane P.O.V.

Kakatapos lang ng klase namin at lunch na. Sakto namang dumating na si Leo. Si Amanda naman ay kilig na kilig samin. Isasama nga sana namin si Drake. Kaso sabi niya busy daw siya.

"Gusto mo to?" Tanong ni Leo. Kanina ko pa kasi siya tinitignan. Akala niya sa pagkain ako nakatingin.

Magkatabi kaming kumakain ngayun. Nakatitig lang ako sa kanya. Halos di ko nagalaw ang pagkain ko. Makita ko palang si Leo busog na ako. Rawr. Kainin kita jan Leo.

"Subuan mo ako" nagpa cute pa ako sa kanya.

"Come here babe. Susubuan kita" sabay kuha niya nung cake at sinubuan ako.

"Kailan ka pa naputulan ng kamay Ariane?" pang aasar ni Amanda.

Wala na hulog na hulog na talaga. Kung siguro nasa dagat pa ako ngayun lunod na lunod na talaga. Napaka swerte ko at nakilala ko ang lalaking ito. Tanggap din siya ng pamilya ko. Kaninang umaga sinundo niya ako. Ang aga pa nga niya kaya pinasabay namin siyang kumain.

"Hay buhay. Ang hirap maging third wheel. Biti nalang libre pagkain" napa irap nalang si Amanda. Natawa nalang kami ni Leo.

"Mamaya pala practice namin. Manood ka babe. Ako na din maghahatid sayo" sabay halik niya sakin.

Leo please lang. Kanina pa ako naiihi sa kilig. Speaking of ihi talagang naiihi na ako.

"Excuse muna guys. Tinatawag ako ni mother earth." Sabay tayo ko

"Gusto mo samahan kita babe?"

"Hindi ok lang ako. Babalik din ako kaagad" sabay kiss ko sa kanya. Tamang landi lang kunti.

Dali dali akong naghanap ng malapit na cr. Pag pasok ko ay walang tao. Nagmadali akong umihi para balikan ang Boyfriend ko. Pag naalala ko na Boyfriend ko na si Leo natutuwa ako. Sa sobrang saya ko wala na akong mahihiling pa. Pag labas ko ng cr ay natanaw ko si Drake na papunta sa direksyon ko.

"DRAKE!"

Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Halatang nagulat pa si Drake nung nakita ako.

"Bakit Ariane may problema ba?" Tanong niya sakin.

"Ganun ka ba ka busy para di ka sumama samin?" sabi ko na may halong lungkot.

"Hindi may ginawa lang ako kaya di ako nakasama sa inyo" sagot niya sakin.

"Kumain kana ba?" Tanong ko.

"Hindi pa. Bakit papakainin mo ako?"

"Tara sama ka sakin. Papakainin kita"

Di ko siya pinasalita pa at hinatak na papunta sa canteen. Saktong pag dating namin ay may bagong order na pagkain.

"Drake saan ka galing? Bakit di ka sumama kanina samin?" Tanong ni Amanda.

"May ginawa lang ako" sagot ni Drake

"Lika upo ka sa tabi ko. Wag mo istorbohin ang mag jowa jan" sabi ni Amanda at umupo na si Drake.

"Pre mamaya may practice tayo. Pagkatapos ng klase. Punta ka nalang sa gym" sabi ni Leo.

"Pwede manood babe?" Tanong ko. Hindot ka talaga Ariane.

"Pwedeng pwede mas ganado ako mag laro pag andun ka." Sagot ni Leo.

"Ayan Amanda rinig mo diba? Manonood tayo mamaya" sabi ko.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon