Ariane P.O.V
"Nakakapagod mag sagot. Ilang gabi ako walang tulog kaka-aral my ghod" reklamo ni Amanda
Kakatapos lang ng exam namin kaya parang nabunutan ng tinik ang mga estudyante. Next naman naming pagkakaabalahan namin ay ang intrams namin. Speaking of intrams wala pa akong banner na napapagawa.
"Amanda! pagawa na tayo ng banner. Malapit na ang intrams gaga " natarantang sabi ko sa kanya.
Di pa kami nakakaalis sa mesa namin ni Amanda ay umingay ang palagid ng canteen. Pagtingin namin sa pintuan andun ang player ng basketball team. Nagkagulo ang nga babae sa pag pasok nila. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko si Leo na kasama nila.
"Amanda pa sampal nga ako. Nananaginip ba ako?" Si Amanda naman na masunurin sinampal ako ng pagka lakas lakas. Takte pula na yata mukha ko. Napatingin tuloy sa gawi namin sina Leo.
Oh shit! Papalapit sila sa pwesto namin. Ano ang gagawin ko?
"Miss ok ka lang? Ariane?" Tanong ni Leo sakin. Yes si Leo ang nagtanong sakin. Katabi namin sila ng mesa ngayun.
"A-ako b-ba ok lang hehehehe" takte parang aatakehin ako ng puso sa lakas ng kabog nito.
Si Amanda naman ay naka upo lang at naka cross leg habang umiinom ng juice niya. Parang wala lang sa kanya ang nangyayare ngayun. Samantalang ako parang nakalutang na sa ulap. Isabay mo pa ang kabog ng dibdib ko na parang kukunin na ako ni san pedro ano mang oras.
"Anong nangyare sa mukha mo?" Nagaalalang tanong niya sabay hawak niya sa pisngi ko.
Hinawakan niya ako? Hinawakan ako ni My love Leo? Jusko salamat talaga sa sampal ni Amanda sa susunod papa bugbog na ako sa kanya. Para akong nakukuryente nung dumikit ang kamay niya sa mukha ko.
"Diba ikaw yung kapatid ni Stephen?" Tanong nung lalaking may headband sa ulo.
"Ah si kuya Steph? Bunsong kapatid niya ako" sabay ngiti ko sa kanila
"Sayang kuya mo tumigil sa paglalaro." Sambit nung isa nilang kasama
Tumigil si kuya sa paglalaro dahil sa ex niyang niloko siya. Ayun ang kuya ko naman nasobrahan sa pagmamahal tumigil sa laro kasi daw naalala niya ang ex. Kawawa si kuya nung naghiwalay sila saksi ako kung paano nalugmok ang kuya ko. Buti nalang ngayun nakaka recover na siya. Huwag ko lang makita ang malanding babaeng yun kundi babalatan ko siya ng buhay.
"Alam mo bang yang si Leo at si Stephen dati partners yan sa paglalaro eh. May isa pa silang kasama pero nakalimutan ko na ang pangalan." Sabay tawa nung naka braid ang buhok na lalaki.
Isa din sa dahilan kung bakit naging crush ko to si Leo ay dahil kay kuya. Magkaibigan kasi sila nito. Di lang alam ni kuya na may gusto ako kay Leo. Noon paman nanonood na ako ng mga laro nila.
"Ah ganun ba" sabay ngiti ko kunware di ko alam.
"Pakilala mo naman kami sa kaibigan mo" malokong sabi nung singkit na may parang lahing hapon.
"By the way ako si Amanda. Hi! sa inyo" kumaway pa ang bruha. Siya na nagpakilala sa sarili niya. Wala eh makapal mukha niyan kahit saan dalhin.
Dinig na dinig ko ang mga bulungan ng mga ibang estudyante. Well sorry sila katabi lang naman namin ang sikat na basketball team sa school na to. Kanina pa ako kinikilig lalo na at katabi ko si Leo. Halos hindi na ako humihinga at tuwid na tuwid ang upo ko. Amoy na amoy ko din kay Leo ang pabango niya.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...