Drake P.O.V.
Pagbalik namin galing camping palagi nalang busy si Ariane. Panay punta sa library at nag aaral kasama si Amanda. Minsan nahuhuli ko nalang siya na natutulog sa bangko niya.
"Ang bango naman natin ngayun kapatid. Anong meron? Sinagot kana ni Ariane?" Usisa ni Ate Dianne
"Wala pa ate pero nararamdaman ko na nalapit na talaga." Malakas yata fighting spirit ko.
"Eh, bakit parang excited ka pumasok ngayun? Ang aga pa kaya."
"Gusto ko e surprise si Araine. Lately kasi puro aral ginagawa niya naawa ako sa kanya."
"Bumili ka ng bulaklak. Pumunta ka sa kaibigan ko magaganda ang mga bulaklak nila. Here yan ang calling card niya" sabay bigay niya sakin nung calling card.
"Salamat Ate."
"Ano ka ba? Syempre support ako sa love team ng DrakIane hehehehe. Sige alis na ako may date pa ako"
"May boyfriend kana?" Takang tanong ko.
"Maka tanong naman to. Oo na may pumatol na sa Ate mo. Babye kapatid. Alagaan mo si Araine. Wag mo muna pasukan ng basuka ang kweba niya. Magtapos muna kayo ng pag aaral babush"
Natatawa nalang ako kay Ate Dianne. Isipin mo nga naman malapit na mag 30 si Ate at di pa din kinakasal. Napaka mapili kasi.
"Galingan mo ngayun Drake. Kaya mo ito." Saad ko sa sarili ko.
Nang matapos ako mag ayos ay bumaba na ako. Nadaanan ko pa si Honey na inaantok pa at bagong ligo pa lamang. Nakaupo siya sa mesa.
"Ang aga mo naman Drake anak. Mamaya pang seven ang pasok ninyo. Anong oras pa? Alas singko pa lang" tanong ni Mama
"May pupuntahan lang ako ma" sabay ngiti ko.
"Kuya why so early ikaw? May lakad ka? At isa pa why so mabango ka naman ngayun?"
"Bakit ang arte ng salita mo Honey?" Tanong ko sa kanya.
"Wala trip ko lang. So? Bakit maaga ka?"
Lumapit ako at bumulong sa kanya "Gusto ko e surprise si Ate Ariane mo" sabay kindat ko sa kanya.
"Kaya naman pala kuya. Tagal mo namang sagotin ni Ate Araine." Sabay tawa niya.
"Wag kang maingay jan. Alis na ako sabihin mo kay mama. Bye bunso" sabay kiss ko sa noo niya.
Ang laki ng ngiti ko papunta sa garahe. Sumakay agad ako sa sasakyan ko para makaalis na. Di na ako kumain pa dala ng excitement na nararamdaman ko.
Agad ko na pinuntahan ang flower shop na sinabi ni Ate Dianne sakin. Pag pasok ko palang ay sinalubong ako ng isang babae na naka apron.
"Ikaw ba ang kapatid ni Dianne?" Tanong nito sakin.
"Opo kapatid po ako ni Ate Dianne. Gusto ko lang po na bumili ng Purple rose at pink na rose po. Gusto ko po sanang pagsamahin sila sa iisang boquet po."
"Tamang tama may ginagawa ako jan na boquet ng Pink na rose dagdagan ko nalang purple pero di pa tapos."
"Maghihintay po ako."
Umupo muna ako at kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Ang aga pa pala talaga 5:30 AM palang. Siguro di pa gising si Ariane ngayun?
Excited na ako para mamaya. Mabuti nalang at mabilis ang delivery nung inorder ko na necklace. Gusto ko kasi bigyan ng necklace si Ariane na may pendant na rose.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...