Ariane P.O.V
Ang aga ko nagising. Gusto ko mag jogging. Pagbaba ko di pa sila gising kaya lumabas na ako. Tahimik ang bahay at ako palang ang gising.
Nagpatugtog na ako ng music sa cellphone ko bago umalis. May dala na din akong tubig. Madami din akong kasabay na nag jogging. Ang cute ng mga asong nakikita ko na kasabay ang mga amo nila tumakbo. Napadaan ako sa playground wala pang tao kaya umupo ako sa isang swing dun.
"Basta pumunta ka pagktapos niyo mag date maghihintay ako sayo hanggang dumating ka"
"Basta pumunta ka pagktapos niyo mag date maghihintay ako sayo hanggang dumating ka"
"Basta pumunta ka pagktapos niyo mag date maghihintay ako sayo hanggang dumating ka"
"Shit! Ngayun ko lang naalala. Napaka tanga mo talaga Ariane." Napahawak nalang ako sa mukha ko
Siguro naman umuwi na siya kagabi. Malakas ang ulan kagabi kaya alam ko na hindi siya nagpaulan kagabi. Sino ba kasing tanga ang maghihintay diba? Gabi na nun e.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Naka tatlong ikot na ako bago umuwi sa bahay. Naabutan ko si Mama na nagluluto.
"Ang bango naman" sabay lapit ko sa kusina
"Nag jogging ka?" Tanong ni mama
"Oo Ma, maganda ang panahon. Bakit parang andami ninyong niluluto?"
"Inimbetahan kasi tayo ng tita Rhea mo na sa kanila daw tayo mag dinner mamaya. Ako naman nahihiya kaya magluluto ako para naman may madala ako mamaya"
Kina Drake? Speaking of Drake naghintay kaya siya kagabi. Kumusta naman siya? Nakalimutan ko kasi talaga at nawala sa isip ko yung sinabi niya.
"Sige Ma. Magpapalit na ako. Hatiran niyo nalang ako ng pagkain sa taas"
Nagpalit na ako ng damit at naligo na din. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag chat sakin.
Amanda:
May chicka ka sakin sa lunes girl. Tandaan mo yan hihihihiBaliw talaga itong babaeng ito. Bakit ko ba kaibigan to. Magkaibang magkaiba kaming dalawa. Mabuti nalang nalang mabait akong tao.
Nag online nalang ako at tumitingin ng memes. Tamang shared post muna ako ng kung ano ano. Ayoko mag reply sa mga nag chachat sakin. Nakakairita kasi sila eh. Di ko nga sila kilala tapos mag chachat sayo ng 'Mahal na yata kita' tarantado lang diba?
Ayoko din silang replyan dahil pakiramdam ko nagtataksil ako kay Leo. Nagtataksil? Char. Ang lalalim ng tagalog ko. Speaking of Leo ito siya at nag chat sakin.
Leo:
Hi :)
Me:
Hello :)Leo:
Ginagawa mo?
Me:
Wala kausap ka.
Leo:
Ganun ba. Kumain kana?
Naku naman Leo pafall ka talaga. Baka di na ako magka ulcer niyan dahil sa sinabi mo. Baka itabi ko pa ang gasul at kaldero sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...