Ariane P.O.V
Monday ngayun at salamat at di ako late sa flag ceremony. Kada lunes kasi ginaganap ang flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony ay para nang tuko si Amanda kung makakapit sakin.
"Ano nangyare? Nag kiss ba kayo? Masarap ba?" Sunod sunod niya na tanong.
"Alam mo yang bunganga mo. Uso bumulong te. Andaming tao tapos ganyan bunganga mo" suway ko sa kanya.
"Sorry naman excited lang. So ano na? Chicka ka naman" parang siya pa yung excited kesa sakin.
Paulit ulit lang ang tanong niya sakin hanggang makapasok kami sa room. Nandito na pala si Drake. Buti naman at maayos na ang pakiramdam niya.
"Ano na sis? Magsalita kana. Kung makatitig tunaw na tunaw ah" pang aasar niya sakin.
"Tumahimik ka nga." Asik ko sa kanya "Nag aalala lang ako"
"Wow! Nagaalala ka? Bakit sis?" Ang lakas po ng boses niya. Ilang vitamins ba nainom ng babaeng to at bakit napaka hyper.
"Nagkasakit yan dahil sakin." Sabi ko
"So back to topic tayo sis. Ano nangyare sa date niyo?" Halata sa mata niya na kinikilig siya.
"Muntikan kami..." huminto ako at tumawa. Yung tawang nahihiya at nag takip ako ng bibig gamit ang kamay.
"OMG! You did what?! Nag SOGO kayo? Anong flavor gamit niyo. Strawberry ba? O iba? Alam mo bang nag research pa ako kung ano dapat gawin-----" Grabe naman maka react.
"Alam ko yang iniisip mo. Tanga hindi ganun." Lumapit ako sa kanya at bumulong "muntikan kaming mag kiss." Sabi ko at lumayo sa kanya "At anong SOGO SOGO ka jan. Punyeta talaga yang bibig mo. Wala ding strawberry animal."
Nung una parang nag loading pa sa isip ni Amanda ang sinabi ko. Maya maya ay bigla siyang sumigaw.
"BESTFRIEND TALAGA KITA!" masayang sabi niya.
Hinila ko siya paupo "Lakas ng boses mo. Hinaan mo naman. Abaybgusto mo ata ako ipahamak animal ka." saway ko
"So anong nangyare next. I mean kwento mo sakin ang buong pangyayare. Dali na excited na ako" halata naman sa hitsura niya.
Kinuwento ko kay Amanda ang lahat simula't simula. Panay side comments naman siya kaya natagalan. Buti nalang di pumasok ang teacher namin kaya napahaba ang kwentuhan namin.
"Alam mo sis?" Alam ko ang mga ganyang tinginan ni Amanda. "Ano gamit mong shampoo?"
"bakit naman nasali ang shampoo ko dito?" Natawa nalang ako sa kanya
"So sobrang haba ng hairlalu mo na crushback ka ng crush mo" kilig na sabi niya
"Ano ka ba Amanda! Ako lang ito si Ariane Mendoza lumaking maganda." pabirong sabi ko
"Aysus naku talaga mapapa sanaol nalang ako sayo" sabay hampas niya sa upuan niya
"Alam mo bang ako ang dahilan kung bakit nagkasakit si Drake" bulong ko sa kanya.
"O? Bakit naman? Ano na namang ginawa mo?"
"Kasi sabi niya hihintayin daw niya ako sa playground pagkatapos ng date namin ni Leo. Gabi na kami nakauwi akala ko naman hindi na niya ako hinintay. Ayun pala naghintay siya at naulanan pa. Kaya nagkasakit siya dahil sakin." Paliwanag ko. Buti nalang at naka earphone si Drake at di niya kami naririnig.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...