Ariane P.O.V
Lumipas ang mga buwan at naging mas matatag ang pagsasama namin ni Drake. May mga pagkakataon ay nag aaway kami pero palagi siyang nauuna na humingi ng sorry kahit ako naman talaga ang mali.
Sabay naming pinagdiwang ang pasko at new year ng sabay. Sa pasko ay sa bahay nila Drake kami nag celebrate at sa new year naman sa amin.
Sina kuya pala at ate Wendy ay sila parin at mukhang minamadali ni Kuya na mag propose na kay ate wendy. Masaya pa naman silang dalawa.
So ito ako ngayun papasok na sa school. Lately kasi di ako kinakausap ni Drake at panay si Amanda nalang kasama ko. Nakakapanghina lang kasi di na niya ako sinusundo sa bahay. Pag dadaan siya sa bahay namin bigla niyang pina pabilis ang takbo ng kotse niya. Ayun naiwan ako kaya ginamit ko nalang sasakyan ko.
"Friend baka naman busy lang si fafa Drake"
"Amanda okay ka lang? Paano siya magiging busy? Nasa isang room lang tayo te at pare parehas tayo ng ginagawa." May halong galit na sabi ko.
"Kasi naman sis----"
"Ano na naman ang excuses niya? Pakiramdam ko may tinatago si Drake. May babae siguro......siya"
"Hala ang bobo mo. Alam mo naman kung anong kayang gawin ni Drake di ba? Last time na nagka ganyan ka ay maling akala lang pala. Ikaw talaga dami mong alam"
"Eh bakit nga di niya ako pinapansin? Di na rin niya ako kinukuha ng pagkain at di na siya sumasama sa atin kumain."
"Ang arte mo naman. Mabuti ka nga eh may jowa ka, eh ako? Tamang hintay lang sa lalaking di ko sure kung magiging kami talaga." Napa buntong hininga nalang si Amanda.
"Umaasa ka parin kay Ethan? Gago te ayos ka lang?"
"Tanga ka ba? Malamang oo ang sagot jan sa tanong mo. Takte kasi ngayun lang ako nagka ganito."
Si Ethan yung kaibigan ni Drake sa dating school nila. Ito namang si Amanda ay nagka gusto dun sa lalaki. Medyo magulo ang set up ni Boy at naawa ako kay Amanda. Ngayun lang niya naranasan ang ganito. It's not my story to tell.
"Eh bakit kasi si Ethan pa? Madaming lalaki jan Amanda."
"Ang tanong sila ba si Ethan. Paki ko sa naka linyang mga manliligaw ko kung si Ethan lang ang sinisigaw nito." Sabay lagay niya ng kanyang palad sa kanyang dibdib.
"Corny mo tanga."
"Balik na tayo sa room kanina pa tayo dito sa canteen eh."
"Ayoko Amanda galit pa ako kay Drake. "
"Napaka maling akala mo talaga. Minsan sarap mo sabunutan eh. Sige na balik na tayo sa ayaw at sa gusto mo. Gusto mo bang hilahin ko buhok mo papunta sa room?"
"Oo ito na nga eh tatayo na. Napaka highblood mo naman Maam Amanda."
Abay di ako pinansin ng bruha at naunang maglakad sa akin. Yung mga nadaanan naman namin ay nagsibulungan sa mga katabi nila. Di ko sila pinansin baka inggit lang sila sa kagandahan ko.
Pag dating namin sa room ay nakatingin sa aming dalawa ni Amanda ang mga kaklase namin. Wait, parang sa akin sila nakatingin lahat. Kinabahan ako sa titig nila. Umupo nalang kami ni Amanda sa upuan namin. Napatingin ako sa upuan ni Drake.
"wala na naman siya." Sabay buntong hininga ko. Dumukdok nalang ako sa mesa.
"Sis, buhay ka pa?"
"Wag kang magulo baka patayin kita." Sagot ko habang naka dukdok parin.
Wala naman yatang teacher na papasok eh. May event kasi na mangyayare at na asign na naman kami para gumawa ng booth. By the way February na kasi and yes malapit na valentines day. Naalala ko na naman si Drake.
"Sis, ayos ka lang?"
"Takte naman Amanda, kailan ba ako naging okay?" Nag angat na ako ng tingin kay Amanda.
"Tingin ka sa likuran mo." Sabay nguso ni Amanda.
"Ano nama--------"
Pag tingin ko sa likuran ko ay nakita ko si Drake na nakaluhod at may dalang bouquet ng bulaklak. Ang laki pa ng ngiti niya at sa kanan niya ay si Ethan na may dalang malaking pikachu.
"Wag ka na magtampo kung di kita pinapansin. May inasikaso lang kasi ako" sambit ni Drake.
"Ito ba ang inasikaso mo? Alam mo bang nakakatampo ka. Di mo ako pinapansin at di mo na din ako sinasamahan kumain at ito pa di mo na ako hinahatid." Di ko na napigilan ang luha ko at kusa na itong nagsilabasan.
"Paano kita mahahatid? ede nakita mo tuloy ang Pikachu mo. Wag kana umiyak Love you Love" sabay halik niya sa noo ko at niyakap ako.
"Wag mo na ulitin yun ah magtatampo na naman talaga ako ulit. "
Napayakap nalang ako kay Drake at binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango talaga ng baby love ko. May pa surprise surprise pa na nalalaman. Kaya mas lalo ko siyang minamahal eh. Masyado na akong spoiled sa kanya.
"Oi te wag kana mag drama ulit. Masyado kang OA eh kesyo may bago daw na babae si Drake kaloka sayo" sabay irap ni Amanda
"How about you?" singit ni Ethan at nakatingin kay Amanda
"eh ako ba? Jusko naman Ethan alam mo na yun. Para naman tanga to eh" sabay hampas ni Amanda sa braso ni Ethan.
"Okay I'm done with this. Pre una na ako may pasok pa ako. Sa susunod hangout daw tayo sa bahay ni Lenard." pamamaalam ni Ethan
"Hatid na kita sa labas." presenta ni Amanda
"And why so? may mga paa naman ako." sagot ni Ethan
"Ayoko mapahamak ka hehehehe" parang tanga si Amanda kung tumawa.
At the end ay walang nagawa si Ethan dhail parang anino si Amanda na nakasunod sa kanya. Naiwan kami ni Drake na tumatawa.
"So saan tayo mamaya?" tanong ko kay Drake na nasa tabi ko at nakahawak sa kamay ko
"sa lugar kung saan kita dinala noon."
"saan?"
"Sa lugar kung saan itinakas kita sa magulo mo na mundo" sabay ngiti ni Drake sa akin.
Habang nakatingin ako sa kanya isa lang narealize ko. Napaka swerte ko na dumating ang isang Drake Natividad sa sarili ko. Ang lalaking nagligtas sa akin sa mga panahon na nasaktan ako. Paano kaya pag hindi dumating si Drake sa buhay ko? Ano kayang nangyare sakin. Hanggang ba nasasaktan padin ako?
Hanggang matapos ang klase ay di mawala ang ngiti sa mga labi ko. Ewan ko ba nag uumapaw ang kasiyahan na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Yung bang pakiramdam na parang nasayo na lahat ng bagay na hinihiling mo at wala ng kulang pa.
"Ghurl kanina ka pa naka ngiti jan." tawag ni Amanda sa akin
"Masyado bang halata?"
"luh siya malamang. Kanina ka pa nakangiti kahit binigyan tayo ng sandamakmak na project para sa booth tapos ikaw tamang ngiti lang. Yung totoo nakashabu ka ba?"
"shabu agad? di ba pwede marijuana muna? O di kaya adik kay Drake?"
"ewan ko sayo dami mong dama. Porket na surprise ka ni Drake eh. Speaking of Drake ayan na yung jowa mo kakatapos lang mag basketball."
"inggit ka? hanap ka ng sayo na captain din" sabay tawa ko.
"are you ready love? matatagalan tayo dun" sambit ni Drake pagkatapos ako halikan sa pisngi.
"ay hala saan punta niyo?" tanong ni Amanda.
"It's a date Amanda " sagot ni Drake at tumawa.
"ay sayang di niyo ako mahahatid. Sige na nga magpapasundo na ako. Bye guys ingat kayong dalawa umuulan pa naman." pamamaalam ni Amanda
"ready kana love?" sambit ni Drake
"as always love" sagot ko
"I love you so much Ariane"
"dami mong dama tara na at maulan pa naman. Baka pag dating natin dun tumila na ulan." sabay tawa ko.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...