CHAPTER 45

32 5 1
                                    

Ariane P.O.V

Ito ako ngayun nakatingin sa kesame at lutang. Ang aga aga at parang tintamad ako bumangon. Si Amanda naman ay gising na at nasa banyo nalililigo. Mamaya din ay uuwi na kami. Awit na buhay to uuwi na kami pero ito kami ni Drake may problema.

"Te lutang kana naman jan. Ano bang iniisip mo?" si Amanda na kakalabas lang ng banyo at pinupunasan ang buhok ng tuwalya.

"Tapos kana pala maligo." sabi ko.

"Ay te kanina pa ako nakatingin sayo at kanina pa kita tinatawag pero sadyang sobrang lutang mo at di mo ako narinig."

"May iniisiip lang ako kaya ako ganito."

"Alam mo si Drake nag hatid sayo dito kagabi at sabi niya ano daw meron at parang may problema ka sabi ko wala ako sa lugar para mag sabi."

"Buti naman at sinabi mo yun." sabay buntong hininga ko.

"Halata sa mukha ni Drake kagabi na problemado siya dahil sa inyo. Bakit di nalang ikaw humingi ng tawad. What I mean ay bakit di mo nalang sabihin sa kanya kung ano ang problema mo."

"Sa paanong paraan naman? Amanda look, nahihirapan ako magtiwala kasi alam mo naman naloko na ako diba? Natatakot akong masaktan ulit at nung dumating si Drake sa buhay ko-----"

"Sumugal ka ulit? Malamang Ariane lahat ng nagmamahal nasasaktan yan. Walang nagmahal na hindi nasaktan Ariane." Putol na sabi ni Amanda sakin.

"Natatakot ako Amanda na mawala si Drake. Hindi ko kakayanin pag nagkataon Amanda sa tingin ko nakadepende na yung buhay ko sa kanya"

"eh ano pang hinihintay mo? Girl puntahan mo at sabihin mo ang problema mo. Alam mo Ariane walang problema na hindi nasusulusyonan kung nag usap lang ng maayos. Hindi naman sa kinakampihan ko si Drake pero kasi Ariane andun ako sa mga panahon na kung paano ka niya tinulungan bumangon. Isa pa Ariane may hindi pa ako sinassabi sayo. Matagal ko ng nililhim to sayo." tuloy tuloy na sabi niya.

Naging seryoso ang mukha ni Amanda at nakatingin siya sa akin. Agad naman akong kinabahan sa tipo ng pagkakatitig niya sakin at sa boses niya.

"Ano naman yun Amanda?"

"Minsan ko na kasi nakita si Drake na umiyak......"

"at bakit naman?" Usisa ko kay Amanda.

"Nung kayo pa ni Leo noon. Alam ko talaga na may something si Drake na di ko maintindihan. One time nakita ko siya nakatingin sa inyo ni Leo at umiiyak."

Si Drake? umiyak? Para akong napipi sa narinig ko. Sa mga panahon na magkasama kami ni Leo ay nakasunod din samin si Drake. Ibig ba sabihin noon paman may gusto na si Drake sakin?

Bakit ngayun ko lang nalaman to? Parang nakonsensya ako sa narinig ko. Alam ko matapang si Drake at de ko siya palaging nakikitang umiyak.

"Amanda siguro mali siguro ako...."

"Girl malamang naman kasi. Alam mo bang hindi lang isang bese ko nakita na umiyak siya maraming beses na. Akala nung una si Leo trip niya pero di pala." bulyaw ni Amanda sakin.

"Ano tatalakan mo ko?" sabay pinaglakihan ko siya ng mata

"Tanga hindi naman. Samahan pa kita papunta kay Drake para magka ayos na kayo."

"eh saan natin siya hahanapin? Ano gagawin natin?"

"So ngayun natauhan ka na? Malamang gamitin natin ang mga mata natin para mahanap siya."

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon