Ariane P.O.V
Lahat na yata ng damit ko kinuha ko na at nilagay sa kama. Ang hirap pumili ng susuotin. Kanina pa ako gising actually sobrang aga kasi excited ako, bakit ba? Pake niyo.
"Hirap naman nito. Ano bang maganda suotin?" napakamot nalang ako sa ulo.
Bumaba muna ako para kumain. Nadatnan ko si kuya na nasa lamesa at lumalamon. Mukhang marami na naman siyang project.
"Ang aga natin ah. Wala namang pasok" pang aasar ni kuya sakin
"May lakad kasi ako. Alam mo na kuya nag dadalaga na lil sis mo" sabay ngiti ko na parang kinikilig.
"Sino ang lalaking yan? Sinasabi ko talaga sayo. Pag yan sinaktan ka. Makakaharap niya ang pinsan ni Satanas"
"Luh? Paano mo nahulaan kuya. Ang galing mo naman" sabay tawa ko
"Halata sa mukha mo. Basta tandaan mo umuwi ka ng maaga. Pag sinabing umuwi dapat buo ka BUONG BUO walang labis walang kulang." Wagas maka diin sa salitang buong buo.
"Oo naman kuya. Ikaw kuya wala kang lakad?"
"Ako? Meron kaya nga maaga akong nagising." Sabay ngiti ni kuya.
May girlfriend na kaya tong si kuya? Bakit iba yung ngiti niya? Sino ang lucky one? Lumalandi na naman siya? Kaya na ba niya ulit magtiwala?
"May girlfriend kana kuya? O nililigawan?" Tamang tama ang sinabi ko nabilaukan siya.
"Wala..... ano lang friend ko lang yun. "
Friend daw. Aysus si kuya halata sa mukha e. Lakas mag sinungaling halata naman masyado. Pinalaking gwapo pero mahina sa pag sisinungaling.
"Ok sabi mo e. Ingat ka sa lakad mo kuya"
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Wala si Mama nag grocery ata. Nang matapos akong kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan kasama ang plato ng kuya ko. Bwisit na yun ako pa pinag hugas. May katulong naman kami pero dahil di kami pinalaking spoiled at kaya naman naming kumilos . Bumalik na ako sa kwarto ko at tinitigan na naman ang sandamakmak na damit sa kama.
Malapit na mag ten kaya no choice na ako. Isang pink plaid lace-up backless mini dress tapos pinaresan ko ng white shoes. Tinali ko ang buhok at naglagay ng light make up. Dahil sa suot ko kitang kitang ang colarbone ko.
"Ariane may naghahanap sayo" sabi ni manang Rosy
"Sige po manang bababa na po ako salamat po"
Kinuha ko na ang maliit ko na shoulder bag na kulay black. May lamang wallet at cellphone. Pagkatapos ko ay lumabas na ako.
Paglabas ko nakita ko si Leo na nakasandal sa kotse niya. Shit! Ang gwapo niya sa suot niya. Naka turtle neck siya at may black coat tapos riped jeans at may silver din siyang kwintas at may hikaw siya. Ghod! Sana nag black din ako. Naka all black si Leo para sana couple kami ng kulay. Charot.
"Uhm... so beautiful" sabi niya sakin
Anebe ba Leo pinapakilig mo naman ako. Hindi pa nagsisimula ang date natin bumabanat kana. Gusto mo ata de matuloy ang laka natin.
"Thank you. Kanina ka pa ba naghihintay?" Pesting mata to. Bat kasi ang gwapo mo Leo.
"Hindi naman kakarating ko lang din. Tara na"
Pinagbuksan pa niya ako ng pinto so gentleman talaga. Ang ganda ng kotse ni Leo. Lambo lang naman mga te.
"Seat belt please. Ayoko may mangyare sayo" Sabi niya
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...