Ariane P.O.V
"Ariane..."
Nasa harap ko ngayun ang lalaking unang sumira sa akin. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Parang kinakabahan ako na di ko mapaliwanag.
"Kailan ka pa naka balik?"
"Kahapon...Ariane."
"Kumusta ka?" Yun ang gusto ko na itanong sa kanya.
Sa physical na anyo palang alam ko na may nag bago kay Leo. Ibang iba ang taong ito kesa noon na kakilala ko.
Andito kami sa isang coffee shop na malapit sa school namin. Alam ko naman mamaya pa dadating si Amanda kaya pumayag ako na sumama kay Leo.
"Galit ka paba? You know Ariane... I'm sorry.."
"No...matagal na yun. I already moved on."
"Why? I mean, bakit ang bait mo padin sa akin? Although may nagawa akong kasalanan sayo."
"Tama ka na may nagawa kang kasalanan sa akin." Napatingin ako sa dumaan na sasakyan. "Pero alam mo kung ano ang maganda bukod dun?" Tanong ko habang naka tingin kay Leo.
"Ano?"
"Nung naghiwalay tayo. Hindi ko alam kung magtitiwala pa ulit ako. Kung kakayanin ko pa bang magtiwala ulit." Napa yuko ako at ngumiti saka muling inangat ko ang ulo ko. " Lahat ng yun akala ko lang pala lahat."
"Si Drake ba? I know what happened to the both of you."
"Nung panahon na akala ko mahihirapan ako bumangon ay saktong sinalo ako ni Drake. Siya ang dahilan kung bakit ako masaya ngayun....Leo di ko kakayanin na mawala si Drake. Siguro kung di tayo nag hiwalay di ako ganito ka saya kay Drake. Mahal na mahal namin ang isa't isa." Di ko na naman napigilan ang pagiging emosyonal ko.
"Ariane, hindi ako bumalik para manggulo. I'm here dahil gusto ko humingi ng tawad sayo. Alam ko kakayanin ni Drake."
"Ka-kasi nahihirapan ako Leo. Nahihirapan ako kada araw na nakikita ko siyang nakahiga sa hospital bed at may naka kabit sa kanyang mga tubo. Parang dinudurog ang puso ko Leo. Ang makitang nasa ganung kalagayan ang mahal ko. Araw araw ko yun nakikita."
"Pero Ariane alagaan mo din ang sarili mo. Pumayat ka na di gaya ng dati. Alam mo namang ayaw ni Drake na nahihirapan ka."
"Leo...kung sana...ako nalang...sana. Kakayanin ko Leo...kakayanin ko yung sakit. Sa ngayun nanghihina ako sa tuwing nakikita ko siya pero wala akong magawa...wala Leo."
"Ariane magiging maayos din ang lahat."
"Gabi..gabi ako napapanaginipan si Drake. Yung mga masasayang alaala naming dalawa. Leo, binuo ako ni Drake."
Magsasalita pa sana si Leo ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sumenyas ako sa kanya na sasagutin ko muna ang tawag.
"Nasan ka? Wala ka dito sa school." Bungad ni Amanda sa akin.
"Nasa malapit na coffee shop."
"Sige puntahan kita." Sabay naputol ang linya.
"Si Amanda ba tumawag?"
"Siya kasi susundo sa akin. Sorry pala at nag drama ako sayo kanina." Sabay tawa ko.
"Okay lang naman sa akin. Kung kailangan mo ng taga pakinig andito lang ako Ariane." Sabay abot niya sa kamay ko na nasa mesa.
Medyo nailang ako sa ginawa ni Leo kaya agad ko na inalis ang pagkaka hawak niya sa kamay ko. Napa tingin nalang ako sa labas ng shop at tamang tama naman ay namataan ko si Amanda na papunta sa gawi ko.
Nang makita niya ako na kasama si Leo ay nag bago ang mukha niya. Nakatitig siya kay Leo at binalingan niya ako ng tingin. Halata sa mukha niya ang pagtataka.
"What is the meaning of this?" Bungad ni Amanda at galit.
"Amanda wala lang to. Inaya lang ako ni Leo magkape."
"Magkape? Ariane seryoso? Kaya kitang ibili ng sampung coffee maker machine para makapag kape ka."
Pilit niyang wag lakasan ang boses niya para de siya mahalata ng ibang tao na nasa shop. Halata sa kanya na galit ito.
"Amanda...hindi ako nandito par---"
"First of all, I don't need your excuses." Mataray na sabi ni Amanda.
"Amanda wag ka namang ganyan." Saway ko.
"Why? What did I do? At ang kapal mo din naman Leo. Nagpakita kapa talaga? Saan ka nakahanap ng lakas at tibay ng loob? After what you have done? Do you think makakalimutan ko yun? Namin?" Seryosong sambit ni Amanda habang naka titig kay Leo.
"I'm sorry.."
"Amanda okay na kami ni Leo. Huwag ka namang ganyan." Pagmamakaawa ko.
"Give me a reason. A solid and legit reason why you came back again."
"Andito ako para humingi ng tawad sa inyo." Naka yukong sagot ni Leo.
Medyo nahahalata na kamj ng ibang customer. Hinawakan ko ang kamay ni Amanda para pakalmahin siya.
"Hindi magagamot ng sorry mo ang lahat Leo. Yes, people really want to forgive but not to forget. Those pain that you made will last forever. Tara na Ariane." Sabay tayo ni Amanda at naglakad paalis.
"Sorry Leo at mauna na kami." Pag hingi ko ng paumanhin kay Leo.
"I understand Ariane mag ingat kayo."
Sinundan ko si Amanda papasok sa van. Pag pasok ko ay nagsimula agad siya mag bunganga sa akin.
"Ariane explain that scene to me."
"Nasa school ako kanina at nagkita kami. Gusto niya lang humingi ng kapatawaran."
"Forgiveness? Seriously? Sa lahat ng ginawa niya sayo? Ariane ayos ka lang? Ariane nag iisip ka ba?!"
"Amanda nakaraan na---"
"Yes! It's in the past but could you believe it na muntikan ka mawala sa akin!"
Kasabay ng pag sigaw ni Amanda ay ang pag tulo ng luha niya. Ngayun ko lang siya nakita ng ganito.
"Ayoko mag kimkim ng galit sa kanya."
"Ariane andun ako sa panahon na muntikan mo wakasan ang buhay mo......andun ako Ariane. Hinding hindi ko mapapatawad ang lalaking yun Ariane. Patayin mo nalang ako, kesa patawarin ang walang hiyang yun."
Hindi nalang ako kumibo pa at nanahimik nalang. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa labas ng bintana.
Hindi ko masisi si Amanda kung bakit ganun ang galit niya kay Leo. Kasama ko siya nung mga panahon na niloko ako ni Leo. Alam ko may karapatan siya magalit dahil muntikan ako mawala sa kanya.
Pag dating namin sa hospital ay akala ko sasabay si Amanda sa akin pero di pala. Hinatid niya lang ako sa hospital at sinabing uuwi na siya.
Pag pasok ko sa kwarto ni Drake tunog agad ng makina ang narinig ko. Kung titignan si Drake para lang siyang mahimbing na natutulog. Agad ko siya inasikaso. Kumuha ako ng maliit na planggana at bimpo para pamunas sa kanya.
Habang pinupunasan ko siya ay di ko mapigilan na hindi mapaiyak. Nabitawan ko ang hawak ko na bimpo at napahawak ako sa kama ni Drake at naiyak.
"L-love gising kana. Pag gumising ka jan araw araw kita bibigyan ng kiss. Diba gusto mo yun? Hindi na din kita bibiruin. Love.....gising na kasi..kasi di ko kaya eh. Di ko kaya na nakikita kitang ganyan. Mahal na mahal kita Drake mahal na mahal."
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...