Ariane P.O.V
Ilang linggo na ang lumipas at naging mas sweet si Leo sakin. Hatid sundo pa ako ni Leo. Minsan naman ay sa bahay siya kumakain. Close na din siya ng pamilya ko. Masaya naman ang naging relasyon namin. Lahat ng nararanasan ko ngayun ay bago sakin.
"Hoy! Ariane bilisan mo. Hinihintay na tayo ni Ate Dianne at Drake sa van" sigaw sakin ni Amanda.
Ngayun pala yung event na pupuntahan namin. Gusto ko sana isama si Leo pero baka magalit si Ate kaya wag nalang. Sabi naman niya ay may pupuntahan din siya.
"Excited ka masyado?" Kakababa ko lang at ito namang si Amanda ay di mapakali excited ang bruha.
"Girl, nakakahiya ilang oras ka ba ang ayos? Sana sinabi mo at pinapunta ko dito yung makeup artist ko. "
Pumunta dito si Amanda. Sabi kasi ni Ate Dianne susunduin nalang niya kami dito sa bahay. Ito namang si Amanda excited masyado. Ang sabi 6 pm pa ang alis namin. Ang Amanda ba naman alas singko palang bihis na bihis na at ready to go.
Ako naman ay isang purong pilipino. Nung nag six na ako nagbihis. Halatang dugong pinoy talaga ang ugali ko.
"Ate sorry si Ariane kasi ang tagal. Akala mo naman siya may ari nung event." ayun nag sumbong kay Ate Dianne.
"Pasok na kayo at makapunta na tayo. Ikaw Ariane tabi kayo ni Drake. Halika dito Amanda maguusap tayo." Tumawa pa si Ate.
Inalalayan kami ni Drake papasok sa van. Ang gwapo ni Drake sa suot niya ngayun. Napaka matured niyang tignan.
"Salamat. Ang gwapo mo ngayun." Sabi ko sa kanya.
"Ngayun lang ba? Inborn na kasi ang kagwapohan ko " sabay tawa niya.
"Ang lakas ng aircon ng sasakyan niyo?" Sarcastic na sabi ko.
"You look.........beautiful" napaubo pa siya.
"Sus maliit na bagay. Lahing Mendoza lamang." Pabirong sabi ko.
"Kumusta pala kayo ni Leo? Ilang linggo na din simula nung naging kayo parang mag iisang buwan na." Sabay tingin niya sakin.
This past few days di ko nakakasama si Drake. He always said na busy daw siya kaya kaming tatlo ni Amanda ang magkasama. Sa dami niyang ginagawa minsan ko nalang siya makasama.
"Ayun going strong. Wala na akong mahihiling pa. Nakay Leo na ang lahat." Kilig na sabi ko
"Masaya ako para sayo. Halata sa mga ngiti mo na masaya ka. Pag may problema sabihin mo lang at pupuntahan agad kita. One call away lang ako"
"Bakit pala di ka sumasama samin? Nagtatampo na ako sayo. Alam mo namang kaibigan kita. Ano bang pinag gagawa mo?"
Lately kasi nakikita ko siya sa room na nakatulala at malayo ang iniisip. Pag tinatanong ko naman siya. Ang sagot lang niya sakin ay 'ok lang ako'.
"Wala naman may ginagawa lang ako. Wag kana malungkot pag natapos ko ginagawa ko sasamahan ulit kita" sabay haplos niya sa mukha ko.
Ngayun lang ako nagkaroon ng kaibigan na lalaki. Well may kuya ako pero iba talaga yung ibang tao. Ewan ko ba magaan talaga ang loob ko sa kanya. Yun bang pag kasama ko siya pakiramdam ko napaka safe ko sa tabi niya palagi. Na para bang walang mangyayare sa akin at di ako mapapahamak.
"Nag aadik ka ba?" Dahil sa tanong ko bigla siyang tumawa.
May mali ba sa tanong ko?
"Ano ba namang pinagsasabi mo Ariane? Hindi ako nag aadik at isa pa healthy living akong tao"
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...