Ariane P.O.V.
"Ikaw Drake wag mo paiyakin yang si Ariane" sabi ni Amanda.
Kumakain na kami ngayun. Halata sa mga mukha ng iba ang kasiyahan ngayun gabi. Mamaya pagkatapos ng kainan namin ay may bonfire na mangyayari parang opening lang daw sabi nung teacher namin. Ito katabi ko si Drake habang kumakain at si Amanda naman na talak ng talak sa harapan namin.
"I promise Amanda cross my heart mamatay ka man" pabirong sbai ni Drake at tinaas pa ni Drake ang kamay niya at nanumpa sa harap ni Amanda.
"Talaga lang Drake pag pinaiyak mo yang si Ariane naku. Maghanap ka ng matataguan mo. Ako na mismo magpapa register ng death certificate mo. Isa pa Drake matagal ako mamatay. Ang mga magaganda matagal mamatay. Kami ang magpapatuloy ng pag gawa ng magagandang lahi para naman gumanda ang mundo." tinuro pa ni Amanda si Drake gamit ang tinidor niya.
"Walang problema di ko naman sasaktan si Araine e. Yung kanina misunderstanding lang yun. Alam mo naman na mahal na mahal kita" nakatingin na si Drake nung sa huli.
Anak ng tokwa! Kumakain yung tao e. Mamaya kana makipag landian please.
"Napaka bolero mo" sabi ko.
"Ayiiie kilig naman ang apdo ni Ariane. Haba ng hair mo girl. Ano shampoo mo?" Ngumisi pa si Amanda.
"Tumigil ka jan. Wala ka lang jowa e. Ay wait lang Amanda, May nangliligaw ba sayo?" Pang iinis ko sa kanya.
"Minsan talaga Ariane panget ang tabas ng dila mo. Kasalanan ko ba na sa sobrang GANDA ko. Akala ng iba ay may jowa na ako. Isa pa sinabi ko na sayo kanina na pinapayos ko sila ng pila ANG MGA MANLILIGAW KO." nag flip hair pa siya.
"Aysus palusot mo. Taas kasi ng standard mo e." Sabay tawa ko.
"Anong mataas ang standard? Excuse me lang naman. Yung matino ang hanap ko at hindi sadboi."
"Makahanap ka din Amanda. Tignan mo ako lakas ng tama ko kay Ariane." Umakbay pa si Drake sakin.
"Wag nga kayong maging sweet sa harap ko nawawalan ako ng gana" sabay irap niya.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa kung saan naka set ang bonfire. Kanya kanya kaming upo palibot sa bonfire.
"Masaya ba mag camping? Excited na ba kayo?" Tanong nung teacher namin.
"Excited na!" Sagot ng lahat.
May lumapit na mga estudyante at sinabuyan ng gas ang kahoy. Maya maya ay may isang may dala ng kandila.
"Sabay sabay tayo mag biglang!" Sabi nung teacher.
"3!"
"2!"
"1!"
Pagkatapos ng pag bibilang namin ay siya namang pag siklab ng apoy. Nagpalakpakan ang lahat. Kay gandang tignan. Ang sarap sa pakiramdam. Malamig ang gabi at di namin dama yun dahil sa bonfire.
May presentasyon pa ang bawat section. May tumula yung iba naman ay sumayaw. Yung ibang section nag drama sila. Sa section namin ay kumanta ang napili ng kaklase ko.
"Masaya ka ba?" Tanong ni Drake.
Nasa tabi ko siya at kanina pa siya naka yakap sakin mula sa likod. Minsan nararamdaman ko yung ulo niya sa batok ko. Minsan naman ay nasa balikat ko. Aaminin ko may nararamdaman akong kakaiba sa ginagawa niya.
"Di ka ba nahihirapan sa posisyon mo? Kanina ka pa ganyan" tanong ko.
"Kahit kailan di ako nahihirapan pag dating sayo Ariane. I love you" pabulong na sabi niya.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...