Ariane P.O.V
Pangatlong araw na namin dito sa isla. Dalawang araw nalang ay uuwi na kami. Ngayung araw na ito gusto ko isumpa talaga. Kung pwede lang pumatay siguro nagawa ko na.
"Ayan na naman te. Tignan mo yung babae. Paktay talaga Ariane"
"Ay hala Ariane kumakapit sa braso. Halaka ang landi talaga."
"Ariane sasabunutan ko na ang babaeng yan. Tatanggalin ko yang buhok niya sa ulo niya."
Magkasama kami ni Amanda dito sa isang kubo. Kami lang dalawa ang nandito. Kung tinatanong niyo kung asan ang mabait ko na boyfriend. Ayun tinutulungan ang babaeng lampa. Sarap lumpuhin eh.
"Ariane, ano te? Titingin ka lang jan? Gaga jowa mo inaahas na. Tapos ikaw tamang inom ng juice dito sa kubo. Puntahan mo na."
Nilapag ko ang basong hawak ko. Inayos ko ang damit ko. Ayoko mag mukhang kawawa sa harap ng babaeng yun. Mali ka ng binangga.
Naglakad ako papunta sa lugar nila Drake. Nakita ko na tinutulungan niya si Daisy sa pag papalipad ng saranggola.
Daisy pangalan pero mukhang paso.
"Masaya ba maglaro niyan?" Bunga ko sa kanila.
"Tinuturuan ko si Daisy Love. Di daw kasi siya marunong magpa lipad." Sagot ng magaling ko na Boyfriend.
Di marunong? Jusko maski grade one kayang kaya yan paliparin. Maski siya paliparin ko pag nagalit ako. Hagis ko siya sa ibang planeta.
Bwisit na babaeng ito lakas maka sali sa eksena. Anak siya ng tauhan dito sa isla. Matagal na daw silang magkaibigan ni Drake. Pero alam ko na hindi lang kaibigan ang tingin niya kay Drake.
"Marunong din ako magpa lipad." Sambit ko. Para akong tanga dito sa kanila.
"Talaga? Marunong ka?" Tanonung mukhang paso na si Daisy na may plastik na ngiti.
"Oo naman. Iba iba pinapalipad ko. "Minsan palad ko.
"Halika dito Love paliparin nating dalawa to." Tawag sakin ni Drake.
Lumapit ako at sinadya ko talagang ngitian si Daisy ng nakakaloko. Yun bang ngiti na "ako ang girlfriend" na ngiti. Kala mo magpapatalo ako sayo? NEVER! Ipakain kita sa ahas animal ka.
"Ang taas na ng lipad ng saranggola mo Love." Sabi ko.
"Ako pa ba? Pataasin pa natin" sagot ni Drake
Nasa likuran ko si Drake at inalalayan ako. Siguro ang sama na ng timpla ng mukha ni Daisy. Paki alam ko sa kanya. Wag siyang attitude baka di ako maka pigil sa kanya. Kaya nga binakuran ko si Drake para wala ng makapasok. Pero ang isang ito matigas ang bungo. Basagin ko pagmumukha niya.
"Love kain muna tayo. Nagugutom na kasi ako eh. Ikaw Daisy gutom kana rin di ba?" Sambit ko at ngumiti.
Hapon na kasi at nagugutom na ako. May kanya kanya kaming pinag gagawa ngayung araw. Yung mga magulang namin may sariling mundo. Yung mga love birds naman kanya kanya naman ng date. Ewan ko ba dapat time naming dalawa ni Drake ngayun pero may bisugo na sumali sa eksena.
"Gusto mo itong hipon diba Drake? Naalala ko noon paramihan tayo ng makain nito." Sabay tawa ng impakta na paso.
"Naalala ko nga yun eh. Palaging ikaw panalo dahil mas marami kang nakakain kesa sakin." Sagot ni Drake.
Malamang madaming makain. Ikaw ba naman kauri mo.
"Iba na gusto ni Drake ngayun." Sabat ni Amanda.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...