Drake P.O.V
Matagal ko ng kilala si Ariane at matagal ko na din siyang gusto, hindi pala gusto dahil MAHAL KO SIYA. Noon paman ay nakatanaw na ako sa kanya sa malayo. Nahihiya akong lapitan siya dahil baka di niya ako magustuhan. Sa tuwing nakikita ko siyang nag jojogging ay nakasunod ako sa kanya. Aminin natin nagmumuha akong stalker sa kanya.
Nung paglipat ko sa school nila ay sinadya ko talaga yun. Gusto ko mapalapit sa kanya. Di naman mahirap hanapin ang school niya dahil sikat ito.
Nung pagbigay ng chocolate sa kanya ay galing yun lahat sakin. Yung wedding booth, ako din ang may pakana nun. Yung singsing na suot namin binili ko pa sa mall yun nung araw na ikasal kami. Natatawa nalang ako pag naalala ko yung araw na binili ko ang singsing na yun kahit di ko alam kung kasya ba sa kanya.
Kay laking pasasalamat ko na magkaibigan ang pamilya naming dalawa. Mas lalo ko siyang makikita at makikilala.
Habang sila na ni Leo ay wala akong magawa dahil sa katorpehan ko. Basta alam ko na masaya siya ay masaya na din ako. Iniwasan ko siya dahil di ko kayang makita silang dalawa ni Leo pero hanap hanap talaga ng mga mata ko si Ariane.
Sa bawat ngiti niya ay dobleng saya ang nararamdaman ko. Nung mas naging malapit kami ay mas lalo akong sumaya. Kahit kaibigan lang tingin niya sakin ay ok lang sakin. Basta alam ko na nariyan siya sa tabi ko.
"Amanda saan pupunta si Ariane?" Tanong ko kay Amanda.
"Bakit? Di ko din alam. Nagmamadali siyang umalis. Sundan mo nalang baka ano pang mangyare sa kanya"
Nung umalis si Ariane ay sinundan ko siya. Nagaalala ako sa kanya. Alam ko na hindi pa siya maayos emotionally. Sinundan ko ang taxi na sinakyan niya.
Nasa malayo lang ako at naka tanaw sa kanya. Kausap niya si Leo. Gusto ko siyang patayin at balian ng buto. Mahigpit ang pagkaka hawak ko sa manebela ng kotse ko.
Nahihirapan ako na makita si Ariane na umiiyak. Nasasaktan din ako. Bakit di nalang kasi ako Ariane? Di kita sasaktan.
Nakita ko na umalis si Ariane. Sinundan ko siya kung saan siya pumunta. Nakita ko siyang umiiyak at naka dukdok sa kanyang mga tuhod. Napaka swerte din ni Ariane nakisabay ang panahon sa kanya. Dali dali akong pumunta sa sasakyan ko at kumuha ng payong.
"Huwag mong saktan ang sarili mo. Andito ako Ariane para sayo. Kung kailangan mo ako andito lang ako" Ako ang nahihirapan sa sitwasyon mo Ariane.
Pinayungan ko siya. Kahit basang basa na siya. Kahit umuulan ay halata sa mga mata niya na umiiyak siya.
"Drake di ko na kaya. Ang sakit sakit. Niloko niya ako Drake. Pinagpustuhan nila ako"
Ako din Ariane. Di ko kayang nakikita kang ganyan nasasaktan ako. Niyakap ko lang siya kasabay ng pag hagulgol niya. Ito lang ang kaya ko na gawin Ariane sa mga oras na ito.
"Andito ako Ariane. Hindi kita iiwan. Wala ng mananakit sayo. Mahal na mahal kita Ariane. Di kita paluluhain" ako nalang kasi Ariane.
Nawalan ng malay si Ariane. Binuhat ko siya papunta sa sasakyan ko. Nag drive ako papunta sa bahay. Hindi ko muna siya iuuwi sa kanila. Baka mas lalo lang magalit sina tita pag nalaman nila na si Leo ang dahilan na naman.
Pag dating ko sa bahay ay tanging si Ate Dianne ang nabutan ko na nagbabasa ng magazine. Nung makita niya ako ay nagulat siya.
"Anong nangyare sa kanya?" Natatarantang sabi niya.
"Saan sila mom at dad?" Tanong ko.
"Wala sila ako lang ang nandito at si Honey naman ay nag sleep over sa kaibigan niya."
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU
Teen FictionAriane Mendoza, is just a simple girl. Halos nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, katalinuhan, at pati na ang kagandahan isabay na din natin ang kanyang supportive best friend na si Amanda Suarez. But, after those happy moments that she encoun...