CHAPTER 07

73 20 0
                                    

Ariane P.O.V.

Friday na ngayun at nakapaskil na sa bulletin board ang result ng exam. Doon ako unang pumunta bago ako pumasok sa room. Wala namang klase ngayun eh dahil mag aayos ng booth ang mga estudyante at ang naka atas samin ay Sinehan daw. Ipapagamit samin ang isang conference hall para sa amin.

"Andame namang tao" reklamo ko

"You want to see to? Morning"

Napalingun ako sa likuran ko nang may biglang magsalita. Si Drake pala na halatang bagong dating din dahil dala pa niya ang bag niya. Di ko namalayan na atrasan pala ako ng mga tao kaya muntikan akong masubsob buti nalang inalalayan ako ni Drake.

Hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kakaiba nung hawakan ako ni Drake. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakatitig lang siya sakin.

"Ok ka lang?" Tanong niya sakin.

Ayun nagsasalita na naman siya ng tagalog. Maganda pakinggan sa kanya pag nag tatagalog siya. Nakakadagdag sa kagwapohan niya. Wait sinabi ko ba na gwapo? Jusko naman Ariane.

"Ok lang ako tara na tignan natin score natin" agad akong tumalikod sa kanya at tinignan ko ang score ko. Wala nang estudyante kaya di ko na kailangan makipag tulakan.

"Ayun nakita ko din sa wakas" tuwang sabi ko.

Pangalawa ako sa may pinaka may mataas na score. Hinahanap ko kung sino ang nangunguna. Kinusot kusot ko pa ang mata ko baka nagkakamali lang ako pero hindi talaga eh. Paano nangyare to? Bago palang siya pero...

"Ikaw ang Top 1!" Masayang sabi ko sa kanya. Si Drake naman parang wala lang "matalino ka pala eh"

"Sakto lang" sagot niya

"Alam mo maganda ka pakinggan pag nagtatagalog ka" sambit ko sa kanya

"Ganun ba? Sige simula ngayun magtatagalog na ako"

"Tara na tulungan na natin sila sa gagawin natin para sa intrams"

Sabay kaming naglakad ni Drake. Nauna ako ng kunti sa kanya at siya naman ay nasa likod ko lang. Pagkarating namin sa conference hall. Ang mga mata ng ilang babae naming kaklase parang anytime papatayin nila ako. Siguro nga kapag nakakapatay ang tingin nila matagal na akong nakahimlay ngayun. Matagal na akong nasa listahan ng St. Peter.

"Saan ka galing? Bakit sabay kayo ni Drake dumating?" Tanong ni Amanda sakin. Ngiti ngiti pa siya sakin. Para siyang tanga

"Gaga nagsabay kasi kami kasi tinignan ko yung score ko sa exam dun sa bulletin. Speaking of score alam mo bang top 1 si Drake. May tinatagong katalinuhan pala ang lalaking yan"

"WHAT?! TOP 1 SIYA?!" Ayan sumisigaw na naman ang bruha. Tumingin tuloy samin ang iba naming kaklase.

"Oo kaya wag kang sumigaw. Ang sakit sa tenga niyang boses mo"

"Gosh, ang perfect niya naman gwapo na matalino pa" kilig na sabi ni Amanda

Di ko nalang siya pinansin at tumulong nalang sa pag aarange ng upuan. Minsan naman ay nagwawalis ako. Ang mga lalaki namin ay naka toka sa pag aayus sa projector at sa gagamiting laptop. Pagod akong umupo sa isang bangko ng matapos ako. Inabutan ako ng mineral ni Drake kaya tinanggap ko at ininum.

"Salamat dito" sabi ko sa kanya at uminom.

"Walang anu man" sabay ngiti niya. Ayun nakita ko na naman ang dimple niya.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon